Jiko's P.O.V.
Same Day
"Uy, bakit hindi mo na ako pinansin.", sabi ng katabi ko sa kotse
"Ang panget mo kasi eh...",big lie, people. Big lie... Nakapikit ang mga mata ko at nakasandal ako sa upuan.
"Sus, nagka crush ka nga sa akin eh.", Sabi niya
"Ang yabang mo.", ako
"Ang cute mo.", Siya
"Che.", Ako
Hindi na ako nakarinig ng reply kaya napatingin ako sa kanya. To my surprise, sobrang lapit ng mukha niya. Gulp.
"B-bakit?", tanong ko tapos lumalapit pa 'yong mukha niya. Napapaatras naman ako. Nakatitig siya sa'kin.
"Pwede bang gawin mo?", he said seductively. Ugh... naaamoy ko ang hininga niya, mint scent.
"A-alin?", medyo nauutal ako, ewan ko din kung bakit
"Kiss me.", err...itong linyang ito, sa mismong tenga ko na niya binulong and it sent a chilling sensation.
Nice try, pero hindi ako papatol sa kanya.
Nilagay ko sa mukha niya 'yong isang palad ko at ningudngod ko sa kanya."Ayan kiskis mo mukha mo. Landi mo ha, break lang kayo ng latest mo eh. Tara sa mall, treat mo nalang ako ng healthy snack.", sabi ko
Medyo napatawa siya doon at saka nag drive ng matino sa wakas.
Pagkapasok namin ng mall...
"Milktea?", tanong niya habang magkatabi kaming naglalakad, habang... nakaakbay siya sa akin. Err...
Tumango ako
Pagkapasok namin sa Milktea House ay naghanap nalang ako ng puwesto na uupuan namin.
"Good Morning, sir, and sir. May I take your order?", tanong ng lalaking naka uniporme na lumapit sa table namin.
"Strawberry-flavored milk tea.", sabi ko at nagsulat sa isang maliit na papel ang lalaki
"Make it two strawberry-flavored milk tea. Add up one strawberry tart, for take-out.", sabi ni Ryke
"Anything else, sir?", tanong ulit nung lalaki
Umiling nalang si Ryke habang nakangiti.
"Is it fine to wait for about 5 minutes, sir?", tumango si Ryke at saka umalis ang waiter.
Humarap na sa akin si Ryke na kanina ko pa din pinagmamasdan.
"Enjoying the view?"
"Tsss... Hindi naman siya 'yong tinitignan.", sabi ko at saka ako lumihis ng tingin sa kanya, humalumbaba, at tumingin sa bar ng lugar kung saan naka display ang mga mixes ng best selling drinks nila.
5 minutes later...
"Thanks ha.", sabi ko kay Ryke habang umiinom ako. Tumango lang si Ryke at saka uminom din ng milktea
Binunot ko sa bulsa ng bag ko ang sample questionnaire na ibinigay earlier sa amin. Para naman daw may idea kami kahit papaano at saka amateur pageant lang naman 'yon eh kaya they considered giving us sample questionnaire.
"Ryke, kung ikaw ang tatanungin, aamin ka ba sa mahal mo kahit na mali sa paningin ng iba? Halimbawa ay kapwa mo lalaki/babae ang hindi mo sinasadyang minahal, tatanggapin mo ba ito ng buong puso? Oo o Hindi, at bakit?", tanong ko bigla kay Ryke
Ngumiti sa akin si Ryke at tumango. At muli ay humigop siya ng milktea niya.
"Kasi mahal ko siya eh, wala na akong magagawa do'n. Kahit pigilin ko do'n pa din 'yon pupunta, kaya para masaya ang lahat, mamahalin ko nalang siya ng buong puso.",sabi ni Ryke
Natahimik ako sandali gawa ng sinabi niya.
"Ryke"
"Bakit?"
"Ang corny mo na pala...", medyo napatawa si Ryke sa sinabi ko
"Eh ano naman?", sabi niya
"Wala lang...", hindi ko nalang sasabihin
"Gusto mo pa ng isa?"
"Pwede?""Miss, isa pang order ng strawberry milktea."
BINABASA MO ANG
My Foreigner Kapitbahay (ON HOLD)
HumorKadalasan, mas angat ang tingin sa mga banyaga. At kung sakaling isang banyaga ang magiging karelasyon mo, aangat ka ng sobra sa paningin ng iba, lalo na kung maganda/gwapo. Pero dito, isang binata ang hindi sukat akalain na magkakaroon ng isang kak...