Jiko's P.O.V.
"Here goes Mr. Campus 2014!", narinig kong anunsyo ng isa sa mga bisita
"Woooh!!!", nag cheer ulit ang mga bisita sa bahay nila Ryke
Patuloy 'yong mga pagbati nila sa akin ng "Congratulations!" at kung anu-ano pa.
May mga handang pagkain, drinks(what I mean drinks, may liquors, softdrinks, and fruit juices), desserts, and my favorite pero sikreto lang na meron. May random music din na kadalasan puro lively ang tumutugtog
Habang masaya akong iniinterview ng mga bisita ni Ryke, may umagaw ng pansin ko kaya napatigil sila sa pagtatanong.
"So, you must be Jiko."
Pagkaharap ko ay isang artistahing babae ang nakaharap ko, may hawak itong strawberry milktea. Napansin ko na medyo hawig siya ni Ryke, parehas sila ng mata ni Ryke, na mayroong pag ka green ang mga mata nila na parang nang aakit.Tumango ako
"Can you come with me for a while? I want to talk to you.", request niya
Tumingin ako sa mga interviewers ko at ngumiti ng matipid at saka ako umalis sa pwesto ko at sumunod sa babaeng hindi pa nagpapakilala.
Nakarating kami sa isang hardin, hindi ko napansin na lumipas na pala ang oras kasi ang ingay sa loob. Maliwanag ang bilog na buwan sa langit kaya naaninag ko ang magandang mga halaman dito.
Ilang saglit pa ay tumigil kami sa paglalakad. Hinarap muli ako ng babae at nagpakilala.
"I'm Cess Ventura, Ryke's older sister. At gusto sana kitang makausap muna tungkol sa kanya.", nakipag kamay siya sa akin habang sinasabi ang mga yan. Pero ang alam ko nasa abroad, sa States, ang kapatid niya. Baka bagong uwi lang din o kaya may business trip...
"Ah... Sige po, is there something wrong about Ryke?", una kong natanong, malay ko ba kung may mali na palang nangyayari kay Ryke
"Yes, there is."
Speechless ako... Walang sinasabi sakin si Ryke kung may problema siya eh at kung kailangan niya ng tulong. Pero mula sa ate niya ko pa malalaman?
"Argh! Ano bang ginawa mo sa kapatid ko at ngumingiti siya ng walang dahilan?!", prangkang tanong ni ate Cess
"Huh?!", nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sobrang pagtataka sa sinabi niya
"What I mean is... Hindi na siya bugnutin or ang saya saya niya palagi sa bahay. Hindi na niya ako sinusupladuhan or whatever. Last time we went outside together bigla siyang nag abot ng pera't pagkain sa beggar sa lansangan, at nginitian niya ng sobra pa, and yinakap niya pa.", Mahabang lintaya ng ate ni Ryke at saka siya tumingin ng maigi sa akin
"At hindi din siya nag aayos sa studies niya when I came home last year... Tapos ngayon malalaman ko na halos nasa 1.00 ang mga grades niya...", dagdag niya pa
BINABASA MO ANG
My Foreigner Kapitbahay (ON HOLD)
HumorKadalasan, mas angat ang tingin sa mga banyaga. At kung sakaling isang banyaga ang magiging karelasyon mo, aangat ka ng sobra sa paningin ng iba, lalo na kung maganda/gwapo. Pero dito, isang binata ang hindi sukat akalain na magkakaroon ng isang kak...