[ CHAPTER 1 ]
5 years ago...
Nasa AUF Sports and Cultural Center ako ngayon dahil ngayon gagawin ang Regional Executive Board Meeting (REBM) na inorganize ng National Federation of Junior Philippine Institute of Accountants (NFJPIA) ng Region III. And nandito ako dahil isa ako sa mga appointed na maging JPIA officer ng local chapter namin or ng school namin. It is my first time to attend such an activity and honestly medyo kinakabahan ako. Nakaupo ako kasama ang dalawang officer pa ng local chapter namin. Ilang saglit lang nabigla kami nang may lumapit samin. Actually hindi ko matukoy kung anong gender nya, kaya para safe dun tayo sa bisexual. Nilapitan niya kami at kinamayan isa-isa habang tinatanong ang pangalan namin. Nung saakin na...
"And you?" tanong niya.
"Merrilyn. Mer nalang."
At kinamayan niya ako. Hindi ko alam pero parang may nafeel akong kuryente habang magkahawak ang kamay namin. Pero binalewala ko nalang yun.
"Ako naman si Jhomari, just call me Jhom. Thank you sa pagpunta ahh. Hintayin niyo lang marami tayong activities and I'm sure mag e enjoy kayo." masigla niyang sabi atsaka na siya lumapit pa sa ibang officers from different schools.
At ilang sandali pa ay nag start na nga ang REBM. Nagdiscuss ang mga Regional Executive Officers sa mga activities na gagawin for this federation year and nagkaroon din ng mga activities and open forum para magkaroon ng interaction ang different officers from different schools.
By the way, hindi pa pala ako nagpapakilala ng maayos. I am Merrilyn Sicat, a 3rd year college student and currently studying Bachelor of Science in Accountancy. Siyempre wag na natin mention ang school. And that guy, na hindi ko inakalang ang taong magdadala ng lungkot at sakit sa buhay ko, ay si Jhomari Verano, 3rd year din siya pero sa ibang school. That's why I never expected na magiging close kami.
AFTER that day, inadd ko siya sa facebook since isa siya sa regional officers. And because of that, nagsimula kaming magkausap. Nung una, it's all about JPIA, anong mga kailangan gawin, advises on how to be a better leader until naging close na and personal matters na ang pinag uusapan like family problem or personal issues na na she share namin sa isa't-isa without hesitation.
NAGTULOY tuloy lang yun hanggang sa dumating na ang next federation year and ako na ang appointed na president ng JPIA ng local chapter ko. And ofcourse, kailangan mag attend ng REBM ulit with 2 of my co-officers. So like last year, ganun din ang ginawa niya, lumibot sya and kinamusta ang lahat ng dumadating na officers. Pero pagdating sakin, hindi niya ako kinamayan...kasi niyakap niya ako. Pagkakita niya sakin nag gesture na sya ng naka wide open arms siya which means ihuhug nya ako. Kaya tumayo ako and hinug sya. Grabe yung spark, yung kuryente, hindi padin nawawala lalo na ngayong nag hug pa kami. Pero like last time, hindi ko nalang pinansin yun. Kinamayan naman niya ang dalawang kasama ko and after nagpaalam nadin siya and pinuntahan nadin ang iba pa.
JUST like last year, inexplain din nila ang lahat ng activities for this federation year. And who would have thought na ang after ng isa sa activities na yun, ay dun mags start ang bagay na magiging dahilan ng pagiging miserable naming dalawa.
Month of August.
After ng isa sa activity namin na Youth Empowerment Summit (YES), nagkaroon kami ng deal na hindi namin alam ang kahahantungan.
Jhom
Anong sabi mo?
Ang sabi ko ang ampangit mo lang! hahahha
Ahh pangit ahh. Baka na fall ka lang sakin sus.
Hahahahaha ako mafa fall sayo? Imposible!
That will never happen
Sigurado ka? Wanna make a deal?
Osige ba.
Unang mafall manlilibre
Magipon ka na hahahahha
Manlilibre ng samgyupsal
Ikaw ang mag ipon na hahahah
And with that, nag start ang isang deal na pagsisisihan namin pareho.
------------------------------
UPDATED: 06/20/19©AllRightsReserved2019
friendshipfighters
BINABASA MO ANG
Deal Breaker [COMPLETED]
Teen FictionEverything started with a deal. But how come everything got so messed up? ©All Rights Reserved 2019 CREATED: 06/19/19 FINISHED: 07/18/19