[ CHAPTER 9 ]
Pagkatapos ng usapan namin na yun, nag stay pa ako sa garden hanggang sa tuluyan na akong tumigil sa pag-iyak. Kinalma at inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok ulit sa hotel. Dumiretso na ako sa kwarto namin. At pagkapasok ko dun, si Ate Cams lang ang nakita ko.
“Oh Mer. San ka galing?”
“Ahh diyan lang ate. Nagpahangin lang.”
“Hmm…ahh nga pala pwede bang pakisabi kay Jhom kitain niya ako after? May aayusin lang ako saglit dito.”
Nag-aalangan akong sundin yun. Pagkatapos ng pag-uusap namin, wala na akong lakas ng loob na magpakita sakanya.
“Ahh Ate Cams okay lang ba if iba nalang? Hindi ko din kasi alam saan siya hahanapin eh.”
“Pleaseeeee. Tignan mo lang siya dun sa stage. Mag i intermission nadin niyan siya eh.”
Napabalik ang tingin ko kay Ate Cams.
“Intermission?”
“Oo. Hindi ko ba nasabi sayo? Siya yung isang mag i intermission. And sabi niya sakin kanina, special nga daw yung kakantahin niya. Kasi magiging malaya na daw siya.”
Dahil na curious ako sa sinabi ni Ate Cams, pumayag na ako sa favor niya.
“Sige Ate Cams. Sasabihan ko siya.”
At hindi ko na siya hinintay magsalita at tumakbo na ako papunta kung nasaan siya. Pagkarating ko dun, madami paring tao. Nasa bandang gitna lang ako nakapasok. Lumilingon lingon ako sa paligid dahil may nagreready palang sa stage. Hindi ko alam kung siya na ang kakanta pero hindi ko pa siya nakikita dun kaya nilibot ko nalang ang paningin ko. Pero napatigil ako nang marinig kong may nagsalita.
“Good afternoon po sainyong lahat.” ang boses na yun. Alam na alam ko kung kanino yun. “Itong kakantahin ko po, ay para sa taong…palalayain ko na.” napatingin ako sakanya na nasa stage. “Kasi alam kong…mahihirapan lang siya kapag hindi ko pa siya pinakawalan. At tulad nga ng sinabi ko sakanya…ayokong maging dahilan ng pagka miserable ng iba.” napatigil siya ng makita niya akong nandun sa mga nanonood. Pero pinilit niyang ngitian ako. Pero tulad dati, isang malungkot at masakit na ngiti ang ipinakita niya.
Nagsimula na silang tumugtog at nagsimula nading magtubig ang mata ko pagkarinig palang sa instrumental part. Alam ko ang kantang to. At alam ko ang ibig sabihin nito.
| Di na muling luluha
Di na pipilitin pang
Ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan
Di na makikinig
Ang isip ko’y lito
BINABASA MO ANG
Deal Breaker [COMPLETED]
Teen FictionEverything started with a deal. But how come everything got so messed up? ©All Rights Reserved 2019 CREATED: 06/19/19 FINISHED: 07/18/19