[ CHAPTER 7 ]
After 2 years…For the past two years, nag stay kaming magkaibigan ni Jhom. Madalas din kaming lumabas at mag bonding. Siya pa mismo nagpapaalam kay Dale as a respect nadin daw sakanya kasi lalaki padin siya. And I admired that with him. And minsan naman, pumapayag siyang maging thirdwheel samin ni Dale. Like today, magkakasama kaming tatlo ngayon at nasa mall kami. Specifically, nasa department store kami, sa women clothing section. Tumitingin kasi ako ng dress na appropriate sa theme ng RMYC this year. Yes, nainvite kaming um-attend ng this year’s RMYC since alumni kami.
Tumitingin tingin din ang dalawa dito nang hindi ko alam kung ano. Nagsa suggest suggest din si Dale nang mga magagandang dress na appropriate for this year’s theme. Kaya lahat yun sinukat ko and we’re trying to pick the best. For now may pick na ako, but we’re still looking baka kasi meron pa kong ibang matipuhan.
Habang nagtitingin tingin kami, bigla kong naalalang kasama pala namin si Jhom. Kaya naman napalingon ako sa paligid. At nakita ko siya di kalayuan samin. May hawak siyang pambatang damit at malungkot niyang tinitignan yun. Tatawagin ko na sana siya ng may maalala ako.
(FLASHBACK)
“Mer. Bagay sayo to.”
Napatigil ako sa pagtingin at napangiti na naman. Lumingon ako sakanya at nawala ang ngiti ko ng makita ang hawak niya.
“Niloloko mo ba ko? Pambata yan eh.”
“Bakit? Pambata naman ang katawan mo tignan mo nga. Sobrang payat mo. Try mo magpataba kahit konti lang.”
“Hah! Akala mo ba hindi ko ginagawa yun. Hindi ko alam bakit ganito katawan ko pero hindi ako ginugutom okay?”
(END OF FLASHBACK)
Oo. Tama. Inaasar niya akong bagay daw sakin ang mga pambatang damit dahil sa katawan ko. Napabalik ang tingin ko sakanya at nakita kong bagsak balikat siyang naglakad palayo, mukhang ibabalik niya sa rack na pinagkuhanan niya ang kinuha niya.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nalungkot ng makita ko siyang ganun.
“Lyn?”
Napabalik kay Dale ang tingin ko ng magsalita siya.
“Huh?”
“Ang sabi ko may iba ka pa bang napili or yan nalang?”
“Ahh” napatingin ako sa hawak kong dress. Tutal wala nadin naman akong ibang mapili at mukhang hindi din ako makakapili kaya yun nalang ang pinili ko. “Ito nalang ang bibilhin ko.”
“Ano nakapagdecide na ba kayo?”
Nabigla ako dahil biglang sumulpot sa likod namin si Jhom. Unlike kaninang sobrang lungkot ng itsura niya, malaki ang ngiti niya habang tinitignan kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Deal Breaker [COMPLETED]
Teen FictionEverything started with a deal. But how come everything got so messed up? ©All Rights Reserved 2019 CREATED: 06/19/19 FINISHED: 07/18/19