BREAK 5

9 2 0
                                    

[ CHAPTER 5 ]

After 2 months

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


After 2 months...

Happy naman ang naging relationship namin ni Dale. Hindi siya nagbago. Kahit na siya mismo alam niyang hindi din ako sigurado sa desisyon ko. Still, he insisted to stay and take care of me. For the past 2 months, nagkaayos kami ng kuya ko. Dale did everything para magkausap ulit kami and I'm so thankful to him dahil dun. Kuya ko ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. He's the one who understands me kapag di na ko naiintindihan nila mama. That's why I can't live without my brother.

Kahit papaano din, nakakalimutan ko na ang ginawa sa akin ni Jhom noon. Since sinagot ko si Dale, nag start ako maka move on. He helps by bringing me to new places, or bibigyan niya ko ng mga gagawin para ma busy ako to avoid na maalala ko na naman ang tungkol kay Jhom. But sometimes talaga, kahit pa madami ako ginagawa, nagkakaron parin ng time na naiisip ko siya. Just like now.

"Mer. Okay ka lang?" tanong ni Roco, co-officer ko dito sa LC namin.

"Ahh oo naman. Bakit?"

"Natutulala ka kasi diyan. Akala ko napano ka na."

"Ahh wala to. May naalala lang."

Tumango tango nalang siya at bumalik sa ginagawa niya. Bumalik nadin ako sa ginagawa ko ng mapatigil ako dahil nagsalita ulit si Roco.

"Andyan na pala ang guardian angel mo oh."

Napatingin naman ako kay Roco dahil sa sinabi niya at lumingon sa tinitignan niya. Nakita ko si Dale na papalapit samin at may dalang pagkain. Napangiti naman ako. Wala talagang palya, kaya ang laki ng natitipid ko eh. Hahaha. Nang makalapit na siya samin ay umupo siya sa tabi ko.

"Hindi ba sabi ko sayo wag mo na ko dadalhan ng pagkain? Kakain naman ako eh."

"Kelan naman aber? Hindi on time ang pagkain mo, super late. Kaya imbes na baka magkasakit ka pa, eto dadalhan nalang kita araw-araw."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at sinimulan nang kainin ang dala niya.

"Nag-aalala ka pa diyan, akala mo naman hindi ko alam na ginawa mong bodyguard ko tong si Roco."

"Uy wala akong kinalaman diyan ahh." pabirong sabi ni Roco.

Nagtawanan nalang kami. Pagkatapos kumain, nag decide kaming tatlo na lumabas muna ng faculty. Naglalakad lakad lang kami sa hallway habang nag-uusap ng kung ano-anong bagay. Lumilingon lingon ako sa paligid dahil nasanay na akong maging observative. Napatigil ako nang mapalingon ako sa kabilang hallway. I don't know if namamalikmata lang ako. Oo diba? Namamalikmata lang ako. Niloloko lang ako ng mata ko. Bakit naman siya pupunta dito? Paano naman siya mapupunta dito? Tama. Baka kamukha lang niya yun. Maraming magkakamukha sa side angle. Tama.

"Lyn?"

Napa igtad ako ng kalbitin ako ni Dale.

"Oh?"

Deal Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon