BREAK 6

11 2 0
                                    

[ CHAPTER 6 ]

“Linawin?” napa smirk ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“Linawin?” napa smirk ako. “Ano namang lilinawin ko? Meron ba kong kailangan linawin?”

“Wala ba?”

“Bakit? Meron ba tayong relasyon para may linawin tayo sa isa’t-isa?”

Nakita kong natigilan siya at hindi siya makasagot dahil sa sinabi ko. Nagkatitigan lang kami at walang nagsalita sa amin. Naputol lang ang titig at katahimikan namin nang pumasok si Mam at si Ate Cams. Nagtatakang nagpalipat lipat ang tingin nila sa amin.

“Anong meron?” takang tanong ni Mam.

Nginitian ko naman siya.

“Wala po Mam.” simpleng sagot ko nalang.

Tinignan niya si Jhom na napatingin din sakin at binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing “sakyan mo nalang”. Kaya ngumiti din siya at binalik ang tingin niya kila Mam.

“Ahh yes Mam. Wala naman po.”

Napatango nalang si Mam at tinignan pa kami bago dumiretso sa table niya. Takang tinignan din kami ni Ate Cams bago kami lagpasan. At sumunod na kami sakanila.

“Anyway, ano nga palang ginagawa niyo dito?” tanong ko sakanila pero kay Ate Cams lang ako nakatingin.

“Ahm…actually, nagkataon lang talagang nandito kami around your locality, then Jhom suggested na dumaan kami dito sa school niyo since around here lang naman daw so yun. And since andito na kami, we would like to take the chance na i-discuss na sainyo muna yung para sa RMYC natin next month.”

“Well then, it’s fine na if kayo nalang mag usap about that then, Merrilyn, consult me nalang if may need kayo or such. Okay?” sabi ni Mam kaya napatingin ako sakanya.

Tumango naman ako sakanya.

“Okay po.”

“Osige maiwan ko na muna kayo. Maglu lunch na muna ako. Take this chance to discuss about it na.”

Tumayo na si Mam, pero nabigla ako nang tumayo din si Ate Cams.

“Ahm Mam. Okay lang po bang sumabay ako sainyo? Gutom nadin po ako eh.” nahihiyang tanong ni Ate Cams.

Nanlaki naman ang mata ko at pipigilan na sana siya ng magsalita si Mam.

“Okay lang naman pero I thought may pag-uusapan kayo?”

“Actually, pwede naman pong si Jhom nalang ang kumausap kay Mer. Sa RVPComm naman po trabaho ang mag rely ng announcements and such so tama lang din po.”

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Napatingin ako kay Jhom na blanko lang ang expression.

“P-Pero ate---“

Deal Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon