Chapter 6: Assassination Noise

268 2 0
                                    

Third Person

"Kahit nando'n 'yung twilight?" He asked. "I said yes, okay?!" His companion hissed. "Okay, chill lang, bro, ang hirap kasi paniwalaan," he explained.

"What do you mean?" His companion glared. "Kasi naman, andun yung mga ka-kompitensya natin, tapos lilipat tayo doon?"

"Mas madali natin silang mapapabagsak, gayong iisa  ang ating kinaroroonan," his companion answered in his cold voice again, and hurriedly stood up to leave the room.

"Asa'n ka nanaman kaya pupunta?" He asked himself when his companion left. A thought flashed in his mind. 'Hindi kaya sa park na 'yon nanaman?' He felt nervousness, knowing that his guess may be true.

'Sana puwede ko nang sabihin sa'yo kung ako ba talaga nangyari, bro. Pero hindi pa puwede.' He thought once again. He left the room and went to the same park where he used to go.

In a distance, he saw his companion talking to a girl, who sat beside him. 'Shit, bakit siya nandito?!' He moved a little closer, but he couldn't hear any of the words they were saying.

The nightmare princess and the viper king together?! 'Hindi ba dapat nagpapatayan na sila?' Once again, he felt nervousness.

Alam na kaya ng kaibigan niya ang nakaraan? May naaalala na kaya siya? He was scared, of course, because if his friend, for almost a decade, secretly knew his past, he would get angry. Because he didn't tell him the truth.

In a few minutes, the girl left and he was left alone, in the state of shock, maybe? He remained hiding for minutes, checking if the girl who accompanied him a while ago will come back.

"Why are you here?" A familiar voice behind him whispered, and him shiver. "S-saf..." He stuttered. "Saf is gone, now tell me, bakit ka nandito?" She asked once again, in the same, cold voice.

"Alam niya na ba?" He didn't answer, but instead, returned a different question. "Sagutin mo muna tanong ko," she insisted. "Sinundan ko lang siya, and, unexpectedly, nandito ka rin," he answered.

"Okay. Hindi niya pa alam. Now, aalis na ako. Wag na wag mo sasabihin sa kanya. Let him remember," she remarked. "Pero, S-saf, how would he—"

"Stop calling me Saf! Now, excuse me," she turned her back and left. 'Nagbago ka na nga talaga,' he thought. He waited there for a few more minutes, until he heard a voice shout.

"Argh! Bakit ko ba siya iniisip? Papatayin din kita balang araw!" He was surprised to hear it. Ibig-sabihin, hindi pa talaga niya naaalala.

"Bro, sino kausap mo?" He then stepped out and appeared to him. "Bro," his friend replied back, obviously bothered by something in his mind.

"Wala ka namang kausap ah, bakit nagsisisigaw ka diyan?" He laughed. "Stop it. Bakit mo ba ako sinundan?" He suddenly asked him, and he stopped for a moment to think.

"Bigla ka naman kasing nag-walk out. Tsaka alam ko naman na dito ka pumupunta lagi," he explained, and sat in a position which he seemed relaxed.

"K-kailan mo pa nalaman?" His friend beside him suddenly panicked. He sat in an upright position. "Ah, sinusundan kasi kita the past few weeks, dito ka lagi pumupunta eh," sagot niya at tumawa ng bahagya.

"What? So you're stalking me?!" Tugon nito na halatang naiinis. "No, hindi sa ganon, sadyang nagtataka lang ako kung saan ka pumupunta," he explained, which was true.

"Kanina? Kanina ka pa ba nandito?" Tanong muli nito, sa mas mahinahong  tono."Malamang, tingin mo ngayon lang ako nakarating? Kanina pa tayo nag-usap, bro. Simula nung may sinisigawan kang di nakikita," he answered, in a relaxed tone.

"Seryoso ako, bro," bingyan siya ng kanyang kaibigan ng isang masamang tingin, kung kaya't sumagot I to ng maayos. "Okay, okay. Hindi, kararating ko lang nung narinig kitang sumisigaw," tugon niya.

"Tch," komento ng kanyang kaibigan. "I think we should go back," dagdag pa niya. Agad naman silang bumalik sa penthouse.

Sa kanilang pag-uwi ay nadatnan nila ang dalawa pa nilang kasama na halatang kararating din lang. "Sa'n ba kayo galing?" Tanong ng kasama niya.

"Bumili lang," sagot ng isang lalakeng nakasuot ng headphones, at inaayos ang mga pinamili niya. "Bumili lang siya ng sound equipments," sagot ng katabi niya na may binabasang manual para sa sound equipments na binili nila.

Tumango lamang ang kasamahan nila at agad umakyat sa kuwarto niya. "Nangyari do'n?" Tanong ng nagbabasa ng manual. Bumuntong-hininga siya. "Bro, nagkita ulit sila," sagot niya.

"Nagkita nino?" Tanong ng lalakeng nag-aayos at inalis ang suot niyang headphones. "Ni Saf," maikiling tugon nito, ngunit halatang nag-aalala at nababahala.

"Ano?!" Natatarantang tanong nila. "Ang nakakatawa lang, ngayon ang araw ng anniversary nila, kung sakaling sila pa... At doon mismo sa parke kung saan sinagot siya ni Saf," pagpapaliwanag niya pa.

"What?!!" Mas malakas ang boses nilang tanong. Bumuntong-hininga na lang siya. "Kinakabahan ako dre. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Jayson pag nalaman niyang hindi natin sinabi sa kanya agad," dagdag pa niya.

"Pa'no ba naman kasi 'yan? Nagising siya na ang naaalala ay ang nakaraan. Ang naaalala niya ay kalaban parin natin ang mga Twilight at ang magiging kasintahan niya ay ang kapatid ni Saf," saad ng lalaki at ibinaba ang papel na binabasa niya.

"Pero hindi niya pa nakikilala si Khyla, kaya mas mabuting hindi mag-krus ang landas nila."

"So anong plano mo, bro? Sasabihin na ba natin sa kanya?" Tanong pa ng isa. "Hindi. Kahit sabihin natin ang totoo, hindi 'yon papatinag. Alan niyo naman siya. Hindi naniniwala agad. Malamang ay sasabihan tayo no'n na nababaliw o pinagtritripan siya."

"So... Pa'no na 'to, bro?"

------

Thank you very much! Please don't forget to vote
this story and to follow my account!

You can also add or follow my FB account,
@Yunna Ynamorata

Thank you very much!

Destiny's Game: The Princess And The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon