CHAPTER 5

27 2 0
                                    

CHAPTER 5

Naglabas ako ng isang mahabang buntong hininga.

"Hayyyyyyy"

Alam niyo kung bakit?

Kasi itong araw na ito ang simula ng bagong buhay ko.

Bagong buhay na wala ang salitang SIYA.

Lahat ng mga gamit ko na binigay niya sa akin ay tinapon ko na.

Yung iba nga sinunog ko pa.

Yung mga pictures namin ay binura ko na sa phone ko.

Nagpalit na rin ako ng number at network para hindi na niya ako gambalain..

Minsan kapag nagkikita o nakikita ko siya papalapit sa akin ay umiiwas talaga ako.

Nagtataka nga si daddy kung bakit nung nakaraan araw ay hindi ako umaalis at nagmumukmok ako.

Ayoko naman sabihin sa kanya na ang minumukmok ko ay ang salitang SIYA.

Baka kasi sabihin ni dad na mahal ko pa rin pero ang totoo ay hindi na.

Hindi lang ako makapagmove on ng maayos nun kasi sinisiksik ko pa rin yung salitang MAHAL KO PA SIYA sa sarili at isip ko.

Pero wala na yon ngayon.

Wala na.

"Emeraldddd!"

"Oh bakit hingal na hingal ka?"

"Ang layo kaya ng tinakbo ko para makita ka" Nandito kasi ako sa roofdeck ng university na pinag aaralan ko. Dito ako tumatambay nung nakaraang mga linggo at araw.

"At what are you doing here? May kailangan ka ba?"

"sis naman. Nagaalala na kaya ang barkada sayo. Lahat kami di ka macontact"

"Nagpalit na ako ng number at network"

"Hindi mo man lang sinabi sa amin na nagpalit ka na? ha?"

"Sinabi ko na sayo diba? Kasasabi ko lang sayo Bree"

"Aysh! Bakit ka nga pala nagpalit ng number pati network ah. Globe ka na! Yes ang yaman"

"Sus number lang yan Bree and none of your business kung bakit ako nagpalit umalis ka na nga! Kita mong I'm fvcking busy here"

"Wow sis! Namura pa ako. Bitch ka talaga noh?"

"You're absulutely wrong sis. I'm just a freak not a bitch. Di ako malandi"

"O siya siya. Penge na number mo"

"Gosh Bree Pulubi ka na ngayon? Wala ka na bang number at humihingi ka na ngayon? ha? Ayokong ibigay sayo baka ipamahagi mo pa itong number ko"

"Ayaw mo pa? Famous mo yun. Bahala ka na nga"

"Wait bakit ka ba talaga nandito ha?"

"Mygahd Cev! You're so ulyanin na talaga hahaha" (Ginaya ni Bree you accent ni Kris Aquino)

"Bakit ano bang meron ngayon? Teacher's day? Buwan ng wika? Ramadam? Science Fair? English month? Filipino month? Happy birth--"

Napaisip ako..

Ano bang date ngayon? 3

Anong month? August..

August ..

"Gio's day?"

"Korek! Tumpak! Tama ka sis! Bakit mo yung kinalimutan ha? Lagot ka kay Gio niyan! Bahala ka"

Your Heart Beats Only For OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon