CHAPTER 6

43 2 0
                                    

"Oh? Ano na? Hindi pa ba magsisimula? Excited na akong makita ang facial expression ng aking kapatid ! BHWAHAHAHAHA"

Gago. May sanib ata tong si RG eh.

"Eh asan na ba si Zai?" I asked them.

"Aba! Malay namin. Kita mong magkakasama tayo dito eh!" Bree

"Baka naman magkasama pa yung dalawa, oh wait me here guys, pupuntahan ko lang sila" Sabi ko. Kinakabahan na rin kasi ako at gusto ko nang matapos ito.

"Oy Cev! Huwag kang magpapakita kay Gio! Aba!"

"Aba ka rin! Syempre noh! Gung-gong!" Umalis na ako.

Nang malapit na ako sa VIP table kung saan dapat uupo ang aming barkada ... Aba naman! Wala na doon si Zai. Asan na ba kasi yon? Pagtingin ko kay Gio, di na siya mapakali, para bang inip na inip na siya. Patingin tingin pa nga siya sa relo niya eh! Asan ka na ba Zai? Kailangan ko na siyang mahanap at makita habang hindi pa tumatayo sa kinauupuan si Gio.

Hinanap ko na siya. Pumunta ako sa washroom, wala naman siya. Babalik na sana ako sa backstage kaso ...

"Hey!  Don't touch me Idiot, makahawak ka akala mo kilala kita!"

"Hey I said--- Arayyyy! Nasasaktan ako! Don't touch meeee! Ang panget mo!!"

"What?" Tanong nung lalaki sa kanya.

"Whatwatin ko yang mukha mo eh" Tinitignan ko silang dalawa. Hawak hawak nung lalaki yung braso ni Zai. Ang higpit ata eh. Nasaktan siya. Sino ba itong mokong na to? Ang kapal ng mukha makalapit sa katawan ni Zai. Di naman gwapo! Puntahan ko na nga.

"Excuse me! Kung sino ka man, umalis ka na dito!" Then hinatak ko na si Zai. "Asan ka ba nagpupupunta ha? Halika na! Naiinip na kaya si Gio donb Inuna mo pang makipagharutan doon sa panget na yon! Let's go!!"

Hinatak hatak ko na siya. Hindi ko na rin siya pinagsalita. Aba! Nagmamadali na kaya kami.

Ayun, nagsalita na ang host.

"Good evening ladies and gentlemen, Let's all welcome their production number! Let's give them a round of applause! Whooo!"

Nagpalakpakan ang mga taong nanonood. Kitang kita dito sa harap na hindi pa rin tumitingin sa amin si Gio. Ganun pa rin siya. Hindi mapakali, tingin pa rin ng tingin sa watch niya. Siguro di pa niya marecognize na kami yung nasa harap, nasa stage .... kasi ang alam niya wala talaga kaming interest sa ganito at may stage fright kami pero ginawa pa rin namin ito dahil birthday niya.

"Mic-test.. Uhm Hi everyone!!" Ngumiti ako, kumaway sa mga nanonood at doon lang narecognize ni Gio na ako at kami ang nasa stage.

'GO BARKADA 26!! WAAAAAAAAAAA!'

'I LOVE YOU RG!! SOBRAAAAA!'

Nagsisigaw na sila.

"Hahaha. Btw, Nagtataka kayo kung bakit kami nandito sa harapan niyo? Kasi yung Barkada naming si Gio. Kilala niyo na siya?"

"Aba oo naman! Siya kaya yung super gwapo na varsity player ng **** university na oh-so-hot-yummy-delicious-sexy-abs na si Gioooooo wahaaaaaaaa!!!!" Sigaw ng isang babae.

"Haha. Birthday niya today. Alam niyo naman yon guys diba? Lalo na dyan sa mga fans nun"

'Ow yeeeeeeesssss!'

"So tutugtog kami for him, Hey Gio!" Tumingin ako sa kanya. Halatang gulat na gulat eh.

"Uhm.. Happy birthday sayo Mokong! Sana magustuhan mo. Alam mo namang may stage fright kami sa ganito haha but for you Mokong Gio, gagawin namin kahit na ano."

Your Heart Beats Only For OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon