"Bamby!! Bakit mo naman sinunog 'tong damit ko?!!! Ang tanga mo talagang babae ka!! Wala ka talagang kwenta!!!" bulyaw ni Kuya.
"Bilisan mo na diyan!! Ngayon ang unang pasok mo sa bago mong school. Umayos ka na ha?! Maawa ka sa nagpapaaral sa'yo!! Maawa ka sa'kin! 'Wag kang tanga!"
"Opo Kuya."
Umakyat si Kuya at ako pumunta sa kusina para maghanda ng almusal namin. Hmm, bacon nalang! Hehe. Nagluto ako ng bacon and nag toast ng bread. Nagtimpla na din ako ng coffee ni Kuya.
"Kuya.. Kain ka na."
"Hindi ako gutom. Aalis na ako. Siya nga pala. Hindi ako uuwi dito. Ilang buwan din akong mawawala.. 'Wag na 'wag kang aalis ng bahay, naiintindihan mo!? Dumiretso ka ng uwi pagkatapos ng klase!"
"Opo Kuya."
"Isang paalala nalang.. 'Wag kang tanga." sabi niya at umalis na.
Haaay. Kuyaaa ko talaga. Kailan kaya ako mamahalin nito? Haha! Pero, mahal na mahal ko 'yan.. Kahit hindi niya ako love.. Teka nga, ako nalang kakain nung niluto ko! Baka ma-late na din ako sa school eh! First day ko pa naman! Huehue!
By the waaaay! I'm Bamby Clay Takano! 17 years ooolllddddddd. Kailan ko bang i-describe sarili ko? 'Wag naaa! Hahaha! Makikilala niyo din naman ako. Diba? Dibaaaa? xD
So after kumain, hinugasan ko na yung pinagkainan ko. Nagprepare na din ako para sa school! After mag-ayos, ni-lock ko na ang bahay at pumasok na. Maglalakad lang ako.. Wala naman akong pera pamasahe. Haha! Meron ako ditong pera, bente pesos. Ang tagal nang nasa'kin 'tong perang 'to, hindi ko pa ginagastos. Eh sayang kasi! Haha! 'Di naman ako binibigyan ni Kuya! Haha!
Medyo malayo din yung school ko. Pero choks lang yan. Makalanghap din ako ng polusyon.. Hahaha! xD
**
Malapit na'ko. Tatlong kilometro nalang. Hahaha! Joke. Ang sakit na ng paa ko. Huhu! Paano pa kaya mamayang uwian? Aabutin ako ng dilim niyan. Sana kasi hindi na ako dito nilipat ni Kuya. May public school naman na sobrang lapit sa subdivision hindi pa ako doon ipinasok. Gusto pa private. Huehue!
Dahil walang kotseng nadaan.. Dito nalang ako sa gitna ng kalye maglalakad. Ako ang reyna! Bwahaha! Imagine-nin ko nalang may red carpet tapos naka suot ako ng bonggang bonggang gown! Tapos kunwari may hawak akong wand!
*beep!! beep!!!*
"Anak ng butete naman! Ang ganda ganda na ng lakad ko eh!"
Nawala tuloy yung ganda ng lakad ko. Natumba pa ako. Muntikan na kasi akong mabangga tapos nagulat pa ako. Nakakalerki.
"Hey! Umalis ka nga diyan sa daan! Haharang-harang!! Tsk.."
