"Hoy Bamby. Wala ka bang assignment?" tanong niya habang nagbabasa siya. Hindi ko alam kung anong binabasa niya. Pero ang kapal na libro. Grabeee. Ang sipag niyang magbasa. Nakita ko kwarto niya puro libro! Ni isang sentence nga tinatamad na akong basahin buong libro pa kaya! Siya talaga, grabeee!
"Meron.. Ata? Hahaha! Hindi ko alam, hindi naman ako nakikinig."
"Tignan mo sa notebook mo kung meron. Bilisan mo." utos niya habang nagbabasa parin. Enebeyen!
"Wala pang sulat notebooks ko."
"What?!" sabi niya at isinara na ang libro. Eh kasi nakakatamad eee. :3
"Nakakatamad kayang kumopya! Ang haba-haba kasi!!" sabi ko.
"Paano ka nakatungtong ng fourth year high school nang ganyan ang ugali mo? Ha?! My god.. Kababae mong tao ang tamad tamad mong mag-aral!" bulyaw niya. :3
"Lagi ka pang napapalabas ng classroom! Ano ka ba namang babae ka?! Ha?! Ayusin mo nga yang pag-aaral mo!!" para siyang Daddy ko. Hehe. Namiss ko tuloy si Daddddyyyyy. :3
"Oh anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?!" nakangiti pala ako? Haha!
"Para kang Daddy ko. Si Daddy kasi noon, kapag hindi ako nagbabasa nagagalit. Hahaha! Namiss ko tuloy si Daddy."
"Sa tingin mo matutuwa Daddy mo sa ginagawa mo ngayon? Ha Bamby Clay? Ayusin mo yang studies mo. Mag co-college ka na, tandaan mo yan. Mas mahirap ang college kapag wala kang alam."
"Oo na po! Mag-aaral na po ako ng mabuti. Promise ko po yaaaan."
"Good. Kumuha ka ng papel at ballpen mag-aaral tayo."
"Waaaaah!! Ngayon?!!! Waaah!"
"May reklamo ka?"
"Tatawag na ba ako sa LTFRB?!"
"Bamby Clay.. *death glare*"
"Waaah! Ito na!! Kukuha na ng papel! Huhu!" kinuha ko yung notebook ko and ballpen at bumalik sakanya.
"Mathematics ang unahin natin.. Logarithmic Equations ang pag-aralan natin."
"Anong sabi mo?"
"Logarithmic Equations."
