Back to school na kami ni Trent. Dapat nga mag t-training kami eh! Buti nalang hindi natuloy! xD
Binuksan ko muna yung TV. May ginagawa pa daw siya eh. Waah! Ang ganda nung babae!! Grabe! Crush ko na siya! *u* Ganda niyaaaaaa.
"Trent! Tignan mo yung babae! Ang ganda 'no!!"
Nang makita niya yung babae, bigla niyang kinuha yung remote and pinatay ang TV. Tignan mo 'to..
"Bastos kang bata ka! Hmp." sabi ko. Kinuha ko yung bag ko and nagpaaalam kay Sora! xD Lumabas na kami and nagtungo sa first floor.
"Uy Trent.. Ang ganda talaga nung babae kanina. Anong pangalan niya? Ni..Nicole?"
"SHUT UP BAMBY!!"
"EH BAKIT KA BA NANINIGAW NAG KU-KWENTO LANG NAMAN AKO!! NAKAKAINIS KA!!" sigaw ko.. Nauna ako sa kotse at sa back seat naupo. Naninigaw nanaman siya!! Wala naman akong ginagawa!
**
Nandito na kami sa school. 'Di ko siya pinansin. Pumasok ako sa room namin at naupo. Nakakainis talaga!!
"Good morning class." nandito na pala si Sir Katakutan. Naiinis na nga ako tapos ipapakita niyo pa sa'kin si Sir eh ampangit-pangit. >3<
"Ms. Takano.."
"Yes, Sir?"
"Where's your project"
"Project, Sir? Hindi ko po alam kung nasaan!"
"Get out!!"
Tae naman 'to. Palalabasin nanaman ako. Ang sarap sapakin talaga! T__T
"Hi Bamby. Bakit ka nandito sa labas?"
"Hi Travis.. Si Sir Katakutan kasi. Pinalabas nanaman ako. Hindi ko nga alam na may project eh. Tae."
"Bad vibes ka ata. Halika, libre kita ice cream."
Ice cream?!! *u* Waaaaaaaaah!
"Osige sige!! Ice cream *u*" pumunta kami sa cafeteria and nilibre niya ako ng ice cream! Kyaaa! Sarap!
"Dahil tinatamad akong pumasok, doon tayo sa tambayan namin.."
