Maaga akong nagising dahil sa lintek na braso ko. Ang sakit. Shit.. Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Woah. Ang linis na.. Nakakapanibago. Pati ang kusina. Kakaiba talaga yung babaeng yun. Ang weird.
Siya lang naiiwan mag-isa sakanila? Ganun pa yung ugali niya? Buti talaga nakaka-isa siya. Hindi ko alam pero.. Ang mysterious ng babaeng yan. Parang ang daming nakatagong lihim ng pagkatao niya.
"Goooood moorning Trent Trent chut chut Andrew E! Anong gusto mong breakfast? Ay wala ka nga palang pagkain diyan.. Pwede ba tayong mag grocery? 'Yan lang ba kinakain mo? Puro noodles? Hindi 'yan maganda eh."
Ang daldal niya talaga. Nakakabingi.
"Grocery? Okay. Later."
"YES! Sa ngayon.. Dahil may eggs ka diyan. Mag omelet ka muna."
Gumawa siya ng omelet and nag sangag ng rice. Akalain mo yun.. Marunong siyang magluto.
"Hereeee. Kain ka. Ubusin mo ha?"
"Sumabay ka na." sabi ko.
"H..Huh? S..Sabay?"
"Bakit? Ayaw mo?"
"H..Huh? Hindi."
Bakit parang natatakot siya? Ano bang problema nitong babaeng 'to? Umupo na siya at kumain na kami.
"Sigurado ka bang hindi ka hahanapin ng Kuya mo?"
"Yes! Sure ako."
Isa pa yung Kuya niya. Hindi man lang siya kamustahin. Hindi niya alam nasa pligro na pala buhay ng kapatid niya. Ang tanga tanga kasi eh. Kung hindi niya ako sinundan edi sana normal lang ang buhay niya.
My life isn't normal. Bata palang ako totoong baril na hawak ko. At the age of 8, my Dad taught me how to use a gun. We're mafias. Believe it or not, it's true. We steal, we kill. In our world, it's natural. And, napasok sa mundong 'to ang inosente at walang kamuwang-muang na Bamby Clay.
I don't know. There's a part of me that wants to protect her. I want to hold her.. Pero paano ko 'to gagawin kung wala akong alam tungkol sakanya.. She's very jolly, annoying at the same time. Napaka reckless, careless. Isa pa sa mga ipinagtataka ko, bakit siya laging pinapalabas ng classroom. Hindi ba siya nag-aaral ng mabuti!?
"Hoy! Bakit hindi ka nakain?! Ubos na yung pagkain ko oh! Ubusin mo na yan! Para mahugasan ko na yung mga plato." sabi niya.
**
"Bamby! Bilisan mo!"
