Madicelle's P.O.V
"Now ang aaralin nyo lang is Asian history at world history,yun lang dahil yun lang ang nakalagay sa mga aaralin nyo"sabi ni Ms.Monica."Sige na may 30 minutes pa kayo pumunta kayo ng library at pag-usapan ang mga gagawin nyo" tuloy ni Ms.Monica.
Tumango nalang kami,sabay kaming lumabas ng faculty at nagkatinginan.
"Well Ms.Madicelle,shall we?"tanong ni Andy.
"Ikaw nalang,alam ko naman ang gagawin ko eh.Sige magkita nalang tayo sa quiz bee,wag mo nalang sana akong guluhin bago yun"mataray kong sabi.
"Bat ang taray mo sakin?May nagawa ba akong mali sayo"nakakunot-noo nyang sabi.
"Wala kang ginawa,sige na kailangan ko pang magreview"sabi ko tyaka akmang aalis na ng hawakan nya ang braso ko.
"Edi magreview tayo ng sabay sa library, yun din naman ang sabi ni Ms.Monica eh" sabi niya.
Sa totoo lang naiirita na ako sakaniya!Di nya ba alam na sinusubukan kong lumayo sakaniya tapos pipilitin nya pa akong magsama kaming dalawa?!
"Kaya mong magreview mag-isa, kaya kong magreview mag-isa bat kailangan pa nating magsama?"mataray ulit na sabi ko.
"Fine!Then atleast give me your number para naman kahit hindi sa personal ay makakapag-usap parin tayo tungkol dito"sabi niya.
"Fine"malumanay kong sabi.
Binigay ko sakaniya ang number ko, pagkatapos nun ay naglakad na ako papuntang classroom,bibili nalang ako mamaya sa NBS (national bookstore) ng mga libro tungkol sa history.
PAGKATAPOS ng subject namin para sa aaw na ito ay nagligpit na kami ng gamit.
"Jay anong oras ka uuwi?"tanong ko kay Jay.
"Siguro late na ako maka-uwi Mady,kasi may practice kami ng hanggang 7 ngayon at baka sasabay na ako sa girls mag-dinner.Ikaw Mady?"ani Jay.
"Sa labas na lang rin ako magdidinner, bibili ako ng libro eh para sa quiz bee" sagot ko.
"Ahhh then I'll see you at home nalang?"
"Yeah"
Umalis na si Jay at sumunod naman ako, pero papunta sya sa gym at ako naman ay papunta sa parking lot,nagdrive ako papuntang mall.
Pagkapark ko ng kotse ko ay pumasok na ako sa loob ng mall,konti lang naman ang tao dahil nga weekdays.
Dumeretso ako sa NBS at naghanap ng mga librong kakailanganin ko para sa quiz bee,nakakuha na ako ng tatlong libro tungkol sa history kaya naman pumunta ako sa paper section at bumili ng isang yellow pad.Pagkatapos non ay pumunta na ako sa counter.
"Ahh miss magkano?"tanong ko sa cashier lady.
"2,134 pesos po maam"sagot nung cashier lady.
Kinuha ko ang card ko mula sa wallet ko pero biglang may nagbigay sakaniya ng pera.Tumingin ako sa nagbigay ng pera at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino sya.
"Eto po maam,thank you come again"
Kinuha ko yung pinamili ko tyaka hinila yung taong nagbayad para sakin, pumunta kami sa starbucks kasi mag-cracrave ako ng frappe.Umupo kami sa vacant na upuan tyaka ko sya hinarap.
"Ate!Bat nandito ka?"tanong ko kay ate Mykee.
"Shhh,wala man lang bang hello o hi liitle sister?"sabi ni ate.
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster
RomansaMadicelle Lee is an ordinary girl,who wants an ordinary life.But when she met Andy Gonzaga her world that's ordinary became extraordinary,but she didn't regret it.Because everyday is wonderful for her with Andy,and thanks to Andy she knew what the w...