-2-

2 1 0
                                    

Akala ko maayos na ang lahat. Wala ng problema at Hindi na ako apektado sa mga nangyare. Pero, ang totoo gabi gabi akong umiiyak ng tahimik sa kwarto ko. Ayokong mag alala si mama.

Ang sakit palang iwan ng taong akala mo na mananatili sa tabi mo.

"Pa" sa pagbigkas palang sunod sunod ng tumulo ang mga luha ko.

"Paano mo nagawa sa amin ito ni mama?" Hawak hawak ko ang family picture namin at pinagmamasdan ang mga mukha naming nakangiti at masaya.

Sana kaya kong ibalik ang oras at pipigilang mangyare ang lahat ng ito.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi dahil sa sobrang pag iyak. Akala ko ubos na sila pero hindi pa pala.

I'm hurt and also tired.

"Good morning po, ma" bati ko kay mama na nag aasikaso ng agahan sa kusina. Kaso nakatingin lang sa akin si mama at parang sinusuri ang mukha ko.

"Ma, bakit? Madumi ba mukha ko?" Pagtatanong ko habang kinakapa ko ang mukha ko.

Hindi sya sumagot bagkus lumapit siya sa akin at sinipat ang kabuuan ko.

"Bakit namamaga ang mata mo, anak?"

Muntik na akong mahuli ni mama kanina buti na lang nakapagpalusot ako, kung hindi, ay naku sigurado akong mag aalala sa akin si mama. At ayokong mangyare iyon. Kaya ko ang sarili ko.

Naglalakad na ako papasok ng eskwelahan ng makita ko ang taong nangiwan sa amin ng mama ko.

Galit ako sa kanya. Galit na galit.

Pinagmasdan ko lang sya kasama ang anak ng bago nyang asawa. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos at inggit. Kahit kailan, hindi ako hinatid o sinundo man lang ni papa sa eskwelahan ko.

Masaya silang nagtatawanan habang ako nandito nakamasid sa kanila at nasasaktan.

Buti ka pa nagagawa mo pang tumawa matapos ng ginawa mo. Pero kami hirap kung paano ba kami makakausad ni mama.

Gustong gusto ko syang lapitan para itanong sa kanya kung bakit nya kami ginanito. Itinapon nya kami na parang basura. Unti na lang at tutulo na ang luha ko ng biglang may bumangga sa akin. Dahil doon napunta ang atensyon ko sa kanya.

"I'm sorry" paghingi nya ng tawad na hindi ko naman pinansin. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa papa ko, pero wala na sya. Nakaalis na sya.

"Kasalanan mo 'to" turo ko sa lalaking nakabangga sa akin.

"That's why I'm sorry"

"Do you think it change a thing?" Galit kong bulyaw sa kanya.

"Hindi na maibabalik ng sorry mo ang nangyare!!!" Sigaw ko dahil sa sobrang galit.

Naiiyak ako sa sobrang galit at bigat ng dibdib ko. Alam kong marami ng mata ang nakamasid sa akin pero wala akong pake.

I dont care about them.

"Kasalan mo 'to kaya sya nakaalis. Wala na si papa. Ngayon ko na nga lang sya nakita, sinira mo pa" napahagulgol na ako. Aminado ako na galit ako sa papa ko pero nangungulila din ako sa ama.

Its been a week simula ng umalis sya sa bahay at hindi na bumalik. Akala ko nong una may chance pa na bumalik sya sa amin, pero ngayon, imposible na.

Iyak lang ako ng iyak. Masakit ang puso ko dahil sa nasaksihan ko kanina. Pero, mas masakit ang katotohanang hindi ko na sya makikita.

"Don't cry. It's okay. Just please stop crying" hindi ko alam pero yumakap din ako sa lalaking bumangga sa akin. At pakiramdam ko ng mga oras na 'yun habang ako'y nasa mga bisig nya ay safe ako. Napakapanatag ng loob ko.

Nang tumahan na ako at nahimasmasan ay agad akong umalis sa pagkakayakap nya dahil sa hiya.

"You okay?" Tanong nya sa akin na hindi ko na sinagot. Agad akong tumayo at naglakad palayo sa kanya.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko na ako na lang ang tao. It means... Nagsisimula na ang klase. Patay ako neto.

Drama pa

Tinignan ko ang oras sa relong suot ko at napagtanto Kong  30 minutes na akong late sa first subject ko.

I'm dead!!

No choice. Naglagi na muna ako sa library. Hinintay na magtime bago ako pumasok para sa next subject namin.

Naglalakad na ako sa hallway papunta sa classroom. Tahimik lang ako at walang imik.

Pagkapasok ko nakita kong may kanya kanyang pinag uusapan ang mga kaklase ko. Wala akong kaibigan kahit na isa. Hindi ako friendly at halata yun sa mukha ko.

Habang dumadaan sa gilid nila ay hindi ko maiwasang marinig ang pinag uusapan nila.

"May new student daw ah"

"Yes. And gwapo daw si new student"

"Really?"

"My god. Sana maging kaklase natin sya"

"Hope too"

"Magpanda na tayo, dali!!"

Napapailing na lang ako dahil sa mga narinig ko. Hindi ako chismosa, okay. Kasalanan ko bang may tenga ako at nakakarinig? Hindi naman, diba.

Ang bilis ng oras. Parang kanina lang nagdrama ako at parang tanga. Pero ngayon, uwian na.

"Hayst"

Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan... Ang playground. Kung saan masaya akong naglalaro kasama ang pamilya ko NOON.

I miss my childhood memories

"Hilig mo ba talaga ang umiyak?" Bumalik ako sa reyalidad ng may magsalita.

May multo ba? Pero maaga pa naman, ah. Baka guni guni ko lang.

"Ngayon, hindi mo na ako pinapansin samantalang kanina yumakap ka sa akin" sabi pa neto.

"Ikaw kaya ang unang yumakap sa akin" nilingon ko na ang taong nasa likod ko pero nagulat ako ng makitang sobrang lapit namin sa isa't isa.

What the heck!

"What do you think your doing?"

The wayWhere stories live. Discover now