-1-

2 1 0
                                    

"Mama anong nangyare?" Naabutan kong umiiyak si mama kaya naman nabahala ako dahil ngayon na lang ulit sya umiyak ng ganiyan simula noong malaman niyang may ibang babae si papa.

"Ma" tawag ko sa kanya dahil hindi nya pa din ako pinapansin at sinasagot. Nilapitan ko na sya at niyakap ng mahigpit.

Sana mali ang hinala ko

Napapadasal na lang ako. Ayokong makitang miserable ulit ang mama ko. Hindi ko na kaya.

Inalalayan ko sya para makatayo at hinatid sa kwarto nila ni papa pero laking gulat ko ng makitang bukas ang cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ni papa pero wala na itong laman ngayon.

"Ma, meron na naman po ba?" Naiiyak ko ng tanong sa kanya na ikinayuko lang ng ulo nya.

No. Hindi pwede.

"Iniwan na tayo ng papa mo, anak. Sumama na sya sa babae nya" 'yun na ata ang pinakamasakit na salitang binitiwan ni mama.

Hindi ko kaya

Nakita kong humagulgol na si mama sa pag iyak na syang lalo ikinawasak ko. Hindi ko sya kayang pagmasdan at tignan ngayon. Pati ako lumuluha na ngayon. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko na kaya. Tuyuan akong napaupo sa lapag at umiyak ng tahimik.

Bakit mo kami nagawang iwan?? Bakit mas pinili mo ang iba kaysa sa aming dalawa? Hindi na ba kami mahalaga sayo?

Ang dami kong tanong sa isip ko pero hindi na masasagot dahil wala na ang taong tanging makakasagot sa mga tanong ko. Iniwan na nya kami at pinagpalit sa iba ng gano'n kabilis.

Akala ko hindi na titigil si mama sa kakaiyak. Pero, ngayon ang payapa niyang tignan habang nakapikit ang mga mata niya at tahimik na natutulog.

"Ma, mahal na mahal po kita. Hindi ko po kayo iiwan. Hindi katulad ni papa na iniwan tayo na parang wala lang"

Pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha ni mama at hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.

Letcheng luha 'to. Kailan ka ba mauubos??

"Ma, magpahinga na po muna kayo. Simula ngayon, ako na po ang Bahala sa inyo"

Hinalikan ko muna sya sa noo bago sya iwanan. Kailangan kong magpakatatag para kay mama. Hindi pwedeng magpaapekto ako sa mga nangyayare ngayon. Kailangan ako ni mama.

"Anak" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Ma, gising na po pala kayo" nakangiti kong wika at saka sya nilapitan.

"Maupo na po muna kayo diyan. Malapit na po itong maluto" nginitian lang ako ni mama pero makikita ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

"Taran!! Luto na ang paborito mong adobo" magiliw kong ika na ikinatawa ni mama

"Hahahaha. Masarap ba ito, anak?" Pilit nyang pinapasigla ang sarili.

Don't worry mama. Magiging maayos din ang lahat.

"Aba'y sympre. Ako kaya nagluto niyan" pagmamalaki ko sa kanya.

"Tignan mo nga naman, oh. Dati hindi ka pa marunong magluto pero ngayon napakagaling mo na" napangiti ako ng mapait ng maalalang si papa ang nagturo sa akin kung paano magluto.

"Hay naku! Tara na nga, mama. Ikain na lang natin 'yan. For sure gutom lang 'yan"  pag iiba ko sa usapan dahil ayoko ng isipin pa ang papa ko na wala naman na ngayon dito.

Simula ngayon, para sa akin wala na akong ama. Patay na sya. Pinapatay ko na sya sa puso't isip ko katulad ng ginawa nya sa amin ni mama.

Nagsimula na kaming kumain ni mama. Akala ko mananahimik lang sya at hindi kikibo pero sya pa ang unang nagbukas ng topic habang nasa hapag kainan kaming dalawa.

Kinamusta nya ako at ang pag aaral ko at kinuwento ko naman ang lahat sa kanya. Walang labis, walang kulang.

Close ako sa mga magulang ko pero simula ng magloko si papa unting unting lumayo ang loob ko sa kanya. Akala ko nagbago na sya pero hindi pala.

"Ma, ako na po ang maghuhugas"

"Ako na, anak. Ikaw na nga nagluto, e"

"Pero, ma"

"Wala ng pero pero"

"Opo"

Naupo na lang ako sa upuan at pinanood si mama habang naghuhugas. Hindi ko alam kung paano ako nakalapit kay mama. Basta nalaman ko na lang na nakayakap na ako sa kanya.

"Anak, may problema ba?" Tanong nya ng makabawe sa pagkabigla ng yakapin ko sya mula sa likod.

"Ma, don't leave me, please" hindi ko alam kung bakit naisip ko na iiwan ako ni mama.

Ayokong maiwan ulit. Ayokong maiwang mag isa sa mundong ito.

Matagal bago nakasagot si mama.

*sigh*

"Ano ba 'yang sinasabi mo, anak? At bakit naman kita iiwan, aber?"  I don't know pero nandito pa din sa dibdib ko yung takot at kaba kapag sumasagi sa isip ko na mawawala si mama at iiwan din ako.

The wayWhere stories live. Discover now