01

36 3 0
                                    

KAYE'S POV

"Sorry,I'm breaking up with you" sabi ko kay Felix.

"Ha? Kaye naman, one week palang tayo,tapos ibbreak mo lang agad ako? What's wrong?" nanlulumong sabi ni Felix.

"Uhm. Wala naman,ang boring mo lang kase. I have to go,babye"

I smirk and started to leave. Kase naman 'no? Ang pangit na ng susunod na scene,paiyak na kase siya. Ayokong matawa sa itsura niya na naghahalumpasay.

At tsaka baka totohanin niya 'yung huling sinabi niya sakin.

Magpapakamatay ako Kaye. Please don't leave me.

Geez. Scary.

Felix is a good catch. Cute,rich kid and sobrang talino. Pero sa sobrang talino,nakaka-boring na at nakakasawa na.

"Kaye!!!"sigaw sakin ni Cassandra.

"Problema mo?"

"I heard the news, naka-plot one ka daw sa Marketing?" akala mo kumaen ng megaphone sa lakas ng boses. Lagi siyang ganyan.

I smile as replied.

"Well,thanks to Felix."

"Speaking of Felix,where is he?" still on the high pitch.

"Idunno. Baka umuwe na. After breaking up with him,ewan ko nalang kung makapag-aral pa siya ng maayos" sabi ko habang inuubos 'yung pagkaen ko.

"What? So you mean,break na kayo? Kaye naman!!!" nakapout pa sabi ni Cassandra. Ang cute niya talaga pag ginagawa niya yan.

"What else is new? Ganyan naman talaga siya diba?! She's Kaye Alison Salvador at wala ng iba" out of nowhere biglang sumulpot si Zoey. May dala siyang sandwich and pineapple juice.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng University namin. After ng madramang scene kay Felix pumunta ko dito para kumaen. Nakakagutom kayang makipag-break sa mabait.

So mean.

"Ya I know right. Pero girl, this is too much. Felix is a good catch. Bukod sa mabait,matalino pa." Ani Cassandra.

"Anong gagawin ko? E sa ayoko sakanya e."

"E ba't mo sinagot? My god Kaye, 4 months nanligaw sayo yung tao and after 1 week na pagkakasagot mo sakanya,brineak mo agad?" naiinis na dagdag ni Cassandra.

"Ugh. Pwede ba,let's just forget about that. Di naman kayo yung broken e kundi siya."

"Whatever. Bar nalang tayo maya? Ano? Call?" aya ni Zoey.

"Tara!"

"Hmm. Fine. Besides tapos narin naman 'yung finals." pagsuko ni Cassandra.

"Set na ha? 9PM. South Bistro. Alis muna ko,need ko pang ihabol 'tong documents ko kay Mrs. Delgado. See ya girls later. Love ya both"paalam ni Zoey.

"Wait Zoey,sabay nako. Pupunta din kase akong faculty e. Bye Kaye." nagmamadaling sabi ni Cass.

"Bye"

Twitter:
@FelixRola. She just broke my heart a while ago. Damn this crazy thing called love

Ugh. I-tweet ba naman?! Well sanay naman na ko diyan eh.

All of them called me bitch,playgirl,flirt and etc. Madaming nanliligaw at nagkakagusto sakin. Pag once okay sila sakin,sasagutin ko and then after 1 week or swerte nalang pag-umabot ng 1 month,ibbreak ko na agad sila.

Funny isn't?! Hmm. Di ko naman sila masisisi,totoo naman kase 'yon. Madali kase akong mag-sawa at magpalit. Di uso sakin 'yong move-on kase agad-agad ko silang nakakalimutan.

Pero kahit ganon naman ako,di ako two timer. Loyal ako,yun nga lang nagsasawa agad ako. Harharhar.

Too much info. Uuwe nalang muna ako. Pagod ako dahil sa mga major exams ko kanina. Idagdag mo pa 'yung inet ng panahon.

Twitter:
@KayeAlSalvador: Finals is over. See you later South Bistro :*

'Till His Lips Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon