UGLY 5

23 0 0
                                    

KIM's POV

After 6 months...

*Kringggggg

Kiel Gwapo Calling...

Ano na naman kayang kailangan ng lalaking to? Sinagot ko na agad at baka mag rant na naman sakin na ang tagal kong sumagot ng phone.

"Kuya Kiel"
"Psh diba sabi ko wag mo kong tatawaging Kuya unless bina busted mo na ko"

Bilis talagang maasar ng lalaking to. Gusto niyo bang malaman what happened sa 'I'll court you whether you like it or like me'?

Flashback...

"I'll court you whether you like it or like me"

I blink enumerable times. Is it for real? Baka nananaginip ako or nagkamali lang ako ng dinig.

"Ha?"
"Tss sabi kong makinig kang mabuti. I said I'll court you--"
"So hindi ako nagkamali ng dinig?"
"Hindi. Alam ko namang hindi ka agad maniniwala sa sasabihin ko pero I like you when I first saw you at the park. Alam kong 2 days palang tayong magkakilala but fuck days, I don't care. Even if you reject me now, I still court you and YOU CAN'T STOP ME"
"Baka infatuation lang yang nararamdaman mo"
"I know what I feel Charm Kim Millantes and I like you"

Speechless si ate mo. I don't know what to say. First time may magtapat sakin, hindi ko alam na ganito pala ang feeling. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang may nagkakarerahang cheetah sa loob. Yung tummy ko parang kinikiliti. Nakakapanibago tong nararamdaman ko.

"Magsalita ka naman Charm"

Magiging choosy pa ba ako? Sa pangit kong to, once in a lifetime lang tong dumating sa buhay ko.

"Ok. Do whatever you want"
"YES! THANK YOU CHARM, GANDA MO TALAGA. I LIKE YOU!"

End...

"Oo na. Ang bilis mong maasar. Oh bakit ka nga napatawag? Nasa trabaho ako. Malapit na kong kumanta"
"Nasan ka? Andito ako sa bar, kasama ko mga barkada ko. Ipapakilala kita sa kanila"

Kinabahan ako bigla. Paano kung hindi nila ako tanggap? Waaah ayokoooo!

"Sige lalabas na ko ng locker room. Salubungin mo na lang ako"
"Ok. See you honey"

Waaaah tanga ka talaga. Bibig bakit iba yung sinabi mo sa inisip ko? Taksil ka huhuhu.

Lumabas na ko ng locker room at nakita ko na si Kiel. Nilapitan niya agad ako at hinalikan sa noo.

"Ganda talaga ng honey ko. Buti na lang akin ka na"
"Ipapaalala ko lang Kiel kasi baka nakakalimutan mo. Hindi pa kita sinasagot. Maka angkin ka wagas eh"
"Kahit na. Akin ka lang, ok?"
"Oo na po. Tara na kasi malapit na talaga akong kumanta"

Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa barkada niya. Ang daming senaryong pumapasok sa utak ko. Paano kung di nila ako gusto? Paano kung kutyain nila ako pati si Kiel? Ok lang naman kung ako lang pero wag naman sana si Kiel.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang nandito na kami sa table nila.

"Zeke san ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Jaela"
"Oo nga dude. Alam mo namang patay na patay sayo yon"
"Hayaan mo siya. Mga par may ipapakilala ako sa inyo"
"Sino? Yung babaeng nililigawan mo? Par alam naming gawa gawa mo lang yon para umiwas na sayo si Jaela. Wag mong sabihing nanghigit ka dyan ng kung sino sino"

Bigla akong hinigit ni Kiel paharap sa mga kaibigan niya.

"Guys si Charm Kim but call her Kim. I'm the only one allowed to call her Charm"

The Hideous Me (One Shot Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon