Mabilis ang galaw ni Jia nang umagang 'yon. Male-late na kasi siya sa trabaho. Ngayon pa naman ang balik ni Json sa opisina matapos ang dalawang buwan na honeymoon nito at ni Ms. Alexa. Kaya bawal siyang ma-late. Lalo pa at may meeting ngayon ang board. Hindi rin naman siya sure kung daraanan siya ni Sir Charlie ngayon dahil nagka-carpool talaga sila nito noon pa dahil sa iisang barangay lang sila nakatira. Kaya kailangan, bago mag-alas siete, nakalabas na siya ng bahay para sa pakikibaka niya sa trapik.Kaso, gaya ng mga nakaraang araw, masama ang pakiramdam niya kaya tinanghali siya ng gising. Mukhang nasosobrahan na siya sa pag-aaral ng English kahit na halos isang linggo pa lang sila ng bagong tutor niya. Bago ang tutor niya kasi nag-give up ang dalawang datihan niyang tutor. Pangatlo na niyang tutor itong kasalukuyan sa loob lamang ng dalawang buwan. At noong isang araw, parang may pagbabadya na naman ito ng pagsuko. Kaya naman pinu-push niya talaga ang pagre-review sa gabi, kahit na pakiramdam niya matutuyo na ang dugo sa utak niya. Sige pa rin siya, push sa Englishan na 'yan. Para sa bright futuristic future niya.
Future.
Have a great life!
Napangiti si Jia nang maalala ang sinabi ni Tyrone sa kanya mahigit dalawang buwan na ang nakararaan. Wala sa sariling nginitian ang repleksyon niya sa salamin. Nakabihis na siya at ready na naman siyang kumembot para sa ekonomiya.
"Truli! May bonggang-bongga kang future, Jia! Tiwala lang!" pangungumbinsi pa niya sa sarili. Matapos niyon, lumabas siya ng kanyang inuupahang bahay at tuluyang tumulak sa pakikibaka sa trapik.
*****
Malas.
Hindi alam ni Jia kung bakit kailan siya nagmamadali, maraming ginagawa at nagpapakabibo sa pagkembot sa ekonomiya, doon siya inaatake ng sandamakmak na kamalasan.
Kanina habang nasa jeep siya patungo sa opisina, may batang umiinom ng Chuckie at natapunan ang skirt niya. Buti na lang black ang kulay ng skirt niya. At dahil bata ang salarin, 'di niya mapatulan. Sunod naman, nasiraan ang jeep na sinasakyan niya limang kanto mula sa bababaan niya sana. Kaya naman, alay-lakad ang drama niya hanggang sa makarating siya sa opisina. Pagdating niya sa DLVDC, nagtransform na siya sa isang mandirigma— mandirigmang sinuong ang usok, germs at polusyon para lamag sa pagkembot sa ekonomiya. At parang gusto talagang mag-bingo ng kamalasan sa kanya ng araw ngayon, dahil habang nagse-xerox siya ng nga kakailanganin para sa board meeting, nag-inarte naman ang photocopy machine.
Juskohan talaga!
At dahil panay ang follow-up sa kanya ni Sir Charlie, 'di na siya tumawag sa IT para i-report ang problema. Nagpaka-gifted child na lang siya at siya na mismo ang gumawa. Dati siyang xerox girl sa pinasukan niyang printing shop kaya kabisado na niya ang pagkalikot sa photocopy machine. Nagtagumpay naman siya na ayusin ang photocopy machine kaya lang, namantsahan ng toner ang office blouse niyang puti at nagmukha siyang taong grasa.
"Ano girl, keri pa?" pukaw sa kanya ni Albie nang madaanan nito ang maliit niyang opisina. Galing ang bakla sa pantry at nagtimpla ng kape. Nang mag-angat siya ng tingin ay nanlaki ang mga mata nito. "Saan ka nakilamay kagabi 'te? Kabogera ang eyebags natin a! May kinita ka ba d'yan?"
Imbes na sumagot, nagkamot siya ng ulo. "Paabot naman ng mga bagong folders d'yan," Inginuso niya ang office supplies box na malapit sa puwesto ng kaibigan. Tumalima naman ang kaibigan at inabutan siya ng folders.
BINABASA MO ANG
My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomanceBangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Json dela Vega. Ayos lang ang sakit ng ulo, inaasahan niya iyon, pero ang pagkirot ng mga kasu-kas...