Wala sa sariling hinahalo-halo ni Jia ang sabaw na nakasilbi sa hapag sa harap niya. Kung magana pa sana siyang kumain, marahil kanina pa nalintikan sa kanya ang sabaw na 'yon na kasama nang in-order niyang pananghalian. Kaso, mula nang malaman niyang nagdadalang-tao siya, parang nag-inarte na rin ang dila at ilong niya. Pihikan na siya sa pagkain at lahat ng klase ng pabango. Kahit pa ang gamit ng mga shala, para sa kanya, amoy anghit.
Bumuntong-hininga siya. Sandali niyang tinantanan ang sabaw na nasa mangkok at walang ganang sumubo ng kanin.
Tanghalian na at kapag ganoong oras, sadyang maingay sa DLVDC Canteen. Kaso ang isip ni Jia, wala sa kasalukuyan— nasa malayo at parang shungang nagpaparoo't parito sa nakaraan at sa hinaharap.
Dalawang linggo.
Dalawang linggo na ang nakararaan mula nang malaman niya na buntis siya. At ganoon katagal na rin niyang hindi nakikita si Tyrone. Maliban na lamang nang bigyan siya nito ng vitamins isang araw matapos nilang malaman na nagdadalang-tao nga siya. Bukod doon daig pa ng tukmol ang mumu, waley itong paramdam.
Ang arte ha? Sino ka ba? Ikaw lang naman ang aksidenteng kina-chuk chak ganern ganern niya no!, anang kontrabidang lohika niya.
Napangiwi si Jia. Nag-umpisa na namang mang-inis ang isip niya. Asar niyang binitiwan ang hawak na kubyertos at tuluyang napasandal sa upuan.
"Ay, may warla girl?" takang tanong ni Albie sa kanya. Kasama niya ito sa table pati na rin si Aleli na nang lingunin niya, nakatingin din sa kanya.
"W-wala. May naalala lang ako," pagdadahilan niya bago alanganing uminom ng tubig.
"Sa true?" si Aleli.
"Naman! Truli!" sagot niya.
Humugong si Albie. "Alam mo Jia, ilang araw ko nang napapansin na parang may mali sa 'yo."
Ipinaikot niya ang eyeballs niya. "Jusko! Nagtaka ka pa, lahat naman sa 'kin mali! Ang dila ko, ang toyo ko, ang slight kong ganda, wiz korekted by!"
"Knows ko naman na sablay ka talaga sa maraming bagay, girl. Pero hindi, may kakaiba sa 'yo hindi ko nga lang talaga alam pa sa ngayon kung ano," anang bakla bago sumubo ng kanin.
"May problema ka ba, Jia? Alam mo, ganito lang hilatsa ng mga mukha namin lalo na 'tong si Albie, pero mga tootong friends kami. Puwede mong sabihin sa amin kung ano man 'yang problema mo, baka matulungan ka pa namin," si Aleli ulit na panay ang halo sa inorder nitong sisig.
Nakagat ni Jia ang loob ng pang-ibabang labi niya. Hindi niya pwedeng sabihin sa mga ito na buntis siya dahil sigurado magtatanong ang mga ito kung sino ang tatay ng baby niya. E kasi kahit naman wala sa usapan nila ni Tyrone na hindi niya puwedeng sabihin sa iba na nabuntis siya nito, pinili na niya talagang itikom ang bibig niya. Kumplikado kasi ang sitwasyon lalo na kay Tyrone. Ikakasal na ito pero heto siya ipinagbubuntis ang baby nito.
Jusko! Ang habang eksplanasyon!
"'Y-yong tutor ko ano... waley na naman," pagdadahilan niya bago muling uminom ng tubig.
"In fairness ha, napagtiyagaan ka niya ng halos isang buwan. Bongga 'yon! Record holder!" si Albie sa nang-iinis na tinig.
"'Yon lang naman pala ang problema mo. E 'di maghanap tayo ng iba," ani Aleli nasa plato pa rin ang atensyon.
"True! Meron akong puwedeng i-recommend. 'Yong pinsan ko. Dating trainor sa call center 'yon. Maboka talaga. Pak sa Englishan. Kaya lang nagka-issue sa dating pinasukan kaya ayon, ligwak-ganern. Naghahanap ng trabaho ngayon. Gusto mong subukan?" ani Albie.
BINABASA MO ANG
My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Roman d'amourBangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Json dela Vega. Ayos lang ang sakit ng ulo, inaasahan niya iyon, pero ang pagkirot ng mga kasu-kas...