Chapter 5: "Busy"

33 0 0
                                    

“Baaaabe! Kamusta ka na? Miss na miss na kita. Di mo na ko masyadong tinetext ah? Nagtatampo na ko sayo. -_-”

“Sorry babe, busy lang.”

“Mahal mo ako diba?”

“Sobra!”

“Then why you can‘t find a way to text or call me even when you‘re busy? I feel unimportant, you know? Tss!”

“Stop acting like a kid, hindi bagay sayo. Kung hindi mo maintindihan na busy ako, wala sakin ang problema. Sige na! Kelangan ako sa office, may meeting ang mga class presidents.”

Stupid Aaron. Parang ako hindi busy ah? Baka class president din ako ng klase namin? But still I can find a way to communicate with him. Naiinis ako, naiinis ako dahil habang tumatagal nagbabago siya. Nagiging worst siya. -_-

“Hey! Miss President, mukhang ang lalim ng iniisip natin dyan ah?”

“Wala kang pakialam.”

“Ang aga aga, ang sungit sungit. Wag ka na ngang magtaray, di bagay sayo.”

“Alam mo? Nangangain ako ng tao. Gusto mo kainin kita ng buhay?”

“Oh, easy! Di ka naman Toro diba? Ba‘t umuusok ilong mo?” sabi niya sabay tawa ng walang tunog.

“Mabait ako Kaedy, sobrang bait ko. Pero pag ako bwinisit mo? Magsasalubong ang langit at lupa kaya kung ako sayo umalis ka na sa harapan at dadaanan ko dahil papasok na ako. Gets mo?”

“Okay! Sorry! Sabi ko sayo easy lang eh. Hindi maganda yan sa umaga. Sabay na tayo. Okay lang sayo?”

“Bahala ka sa buhay mo.”

Naglakad na ako at nakabuntot naman sakin si Kaedy. Psh! Di niya ko nanay ha? Mamaya mapagkamalan pa kong nanay ng lalaking ‘to.

“Uy! Goodmorning miss beautiful.” sabi ni kuyang guard. Oo! Close na kami. Haha!

“Goodmorning kuya.”

“Oh! Sino yang kasama mo madam? Boyfriend mo? Ayiiieee!!” Haynako! Napapahamak talaga ako pag kasama ko ang Kaedy na ‘to. -_-

“Kuya?! Hinding-hindi ko po siya magiging boyfriend. Kaklase ko lang yan, nakisabay lang.”

“Ah, ganun ba? Sayang naman, pogi pa naman niya. Bagay nga kayo eh.” sabi niya, tapos ‘tong si Kaedy naman, pa-cute. Tss! Kung sabagay, pogi naman talaga siya kaso hindi ko ipagpapalit ang babe ko. Kaya nga ako nandito para sa kanya eh. At hindi ako pwedeng mainlove sa iba.

“Sige ho kuya, papasok na po ako.”

“Sige! Ingat ka ganda.” ngumiti lang ako tapos pumasok na, nakabuntot parin sakin si Kaedy. Haynakooow!

“Pwede bang wag mo kong s..u..n..d..a..n?” sabi ko nung nilingon ko si Kaedy kaso ibang tao yung nasa likuran ko. Asan na siya? Bakit siya nawala? Haynako talaga ang lalaking yun.

“Miss hindi kita sinusundan, nagkataon lang na parehas tayo ng way.”

“Ahhhh, s.o.r.r.y!” sabi ko habang inaayos kunwri yung buhok ko. Napahiya ako dun ah? Hmm. Ang isang Alexa Romano, hindi dapat pinapahiya. Ang dami pa namang taong nakakita, baka bigla akong sumikat at malaman ni Aaron na dito ako nag-aaral. :3

“Oh, anyare na naman sa mukha mo?” sabi ni Kaedy.

“San ka ba nanggaling? Ha?”

“Aba! Ba‘t mo ko hinahanap? Namiss mo ko?” sabi niya sabay kindat at pa-cute na naman sakin.

“Hahahaha! Ang panget mo, tara na nga!” sabi ko tapos nagkabaliktad kami ng itsura ng mukha. Siya na ngayon yung nakasimangot at ako naman yung nakangiti. Hahaha!

--

Babe calling...

“Hello?”

“Busy ka?”

“Bakit?”

“Di ka nagtetext eh.”

“Bakit? Nagtext ka ba?”

“Hindi.”

“Hindi naman pala eh. Diba, sabi mo busy ka? Di mo rin naman ako matetext eh, diba?”

“So, pag busy ako hindi mo na ko itetext ganun?”

“Oo, ano pang aasahan ko?”

“Ah, ganun? Sige! Gusto mo yan ha? Pagbibigyan kita.” pagkasabi niya nun, in-end na niya yung call. Problema nun? Sabi niya busy siya tapos. Haynakoow!

“Oh, ano na naman yang itsura mo?”

“Ano? Maganda ang itsura ko, bakit? May angal ka?” sabi ko tapos tumawa siya ng malakas.

“Sungit ever! Wala kang katulad. Pero infairness, ang cute mo pag nagsusungit ka. Haha! Tara! Kain tayo.”

“Libre mo?”

“Syempre... Hindi!” ngingiti na sana ako nung sinabi niyang syempre eh, kaso dinagdagan pa niya ng HINDI. Boset! Sinimangutan ko siya.

“Oh, oo na! Oo na! Libre ko na.” ngumiti ako.

“Yehey! Halika na!” sabi ko tapos inayos ko yung gamit ko para makaalis na kami.

“Alam mo? Yang si Alexa ke bago-bago ang landi landi.” sabi ng kaklase kong babae sa isa pa naming kaklase.

“Anong sabi mo?” sabat ni Kaedy, dahil narinig niya yung bulong nung babae at narinig ko rin.

“Kaedy! Let‘s go.” sabi ko nalang, sabay hatak sa kanya. Mukhang mananapak eh! Hahaha.

"HE deserved a SHIT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon