Chapter 8: "Sorry"

15 0 0
                                    

Kaedy‘s POV

Nakakalungkot isipin na sinabihan ako ng ganun ni Alexa kahapon. Pupunta pa ba ako sa condo niya? Papansinin ko pa ba siya? Wag nalang kaya? Nakakahiya na sa kanya, wala naman kasi dapat akong paki dun sa babaeng yun eh. Haaaaay! -_-

Papasok na ako sa school kaso sa ibang way ako dinala ng mga paa ko. Sa condo ni Alexa ako pumunta. Hindi ko alam pero, ewan! Basta!

Kakatok palang sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

“Kaedy? Anong ginagawa mo dito?”

“Ahhhh. Hello! Goodmorning!” bati ko sabay ngiti sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin at gawin.

“Goodmorning! Papasok ka na? Tara!” napatingin ako sa sinabi niya at nung nagtama ang mga mata namin ay ngumiti siya. Bumait ata bigla?

Nginitian ko nalang din siya saka ako tumango at sabay na kaming bumaba at lumabas ng condo. Habang naglalakad kaming dalawa, nakakabingi ang sobrang katahimikan namin kaya naman nagsalita ako at di ko inaasahan na magsasalita rin siya.

“Sorry!” sabay naming sabi tapos agad na inilayo ang tingin namin sa isa‘t isa. Ngumiti ako pero di niya nakita, at narinig ko nalang na tumawa siya.

“Bakit ka tumatawa?” tanong ko sa kanya.

“Ha? Hahaha! Wala lang. Oy! Vice President, sorry kahapon. Masyado lang mainit ang ulo ko at sa mga nakaraang araw at linggo pati buwan. Basta!”

Napangiti na naman ako sa sinabi niya and this time nakita na niya ang pag ngiti ko.

“Oh, anong ngini-ngiti mo dyan?” sabi niya. Tinawanan ko lang din siya.

“Haha! Ganun pala kung nakakagawa ka ng kasalanan bumabait ka.”

“Asuuus! Wag ka nga! Hindi, mabait naman talaga ako, madami lang iniisip kaya ganun. Sorry ulit.”

Hindi na ko nagsalita dahil nasa tapat na kami ng room namin. Ang bilis ba? Ang bilis maglakad ni Alexa eh. Hahahaha!

“Yiiiiieeeee!” sigaw ng mga kaklase namin pagpasok namin sa loob. Hala! Problema nila? Nag-iinit tuloy ang pisngi ko. Haha!

--

Aaron‘s POV

“Dapat ganito, hindi ganyan.”

“Pero President, kung yang sayo ang susundin natin madaming masasagasaang klase.”

“Sige, bahala kayo!” sabi ko sabay tayo at alis sa meeting room.

Nakakainis dahil ayaw nila sa sinasabi ko eh ako ang presidente nila. Nakoooow! Matawagan na nga lang si Alexa.

“Hello?”

“Babe?”

“Oh, napatawag ka? Nasa klase ako.”

“Hindi ka ba pwedeng lumabas dyan? Gusto ko ng makakausap.”

“Sige, saglit lang, lalabas ako.”

Mga limang segundo siguro siyang hindi nagsalita at lumabas. Nagulat ako nung biglang may lumabas sa isang room na hawig ni Alexa pero naka-side view lang yung babae at mukhang may kausap din siya sa phone pero siguro dahil sa pagka-miss ko lang sa kanya kaya nakikita ko mukha niya sa ibang babae.

“Babe? Aaron! Huy! Hindi ka na magsasalita? Ano?” bigla akong natauhan, nasa kabilang linya nga pala si Alexa.

“Aah, sorry babe, stress lang.”

“Stress saan? Ikaw ha, pinapabayaan mo na yang sarili mo.” napangiti ako sa pag aalala niya. Namiss ko siya, yung pag aalaga niya sakin kahit malayo kami sa isa‘t isa.

“Aaron?” napatingin ako sa likuran ko, may nagsalita kasi.

Kath? Anong ginagawa mo dito?” binaba ko yung phone, at humarap ako sa kanya.

“Ah, sabi kasi ni Janine nag-walk out ka daw sa meeting niyo. Anyare?”

“Ha? Wala yun. Hayaan mo sila.”

“Aaron, sabihin mo na sakin, makikinig naman ako sayo eh.” Nakooo! Eto na naman si Kath. Feeling comforter na naman. Bigla kong naalala si Alexa, nasa kabilang linya siya, baka narinig niya yung usapan namin ni Kath.

Pagtingin ko sa phone ko, wala na. Call ended na pala, kasi naman ‘tong si Kath. Hay nako! Napilitan akong magkwento sa kanya, oo! Kwinento ko lahat ngbdetalyeng nangyari sa meeting namin at nagulat ako nung niyakap niya ako.

“Kath, anong ginagawa mo?” sabi ko saby tanggal ng pagkakayakap niya sakin.

“Aaron, I like you. Please give me a chance to prove it.” sabi niya sabay titig sa mga mata ko.

Maganda si Kath, mabait at sweet pero pano si Alexa? Crush ko rin si Kath kaso hindi pwede kasi may kami ni Alexa. Anong gagawin ko? :3

"HE deserved a SHIT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon