Chapter 13

165 7 0
                                    

[Aila’s P.O.V]

Matapos ang gabi na puro nakakamatay na pick'up lines ni Arvin ay...

Ito ako, LONER. Dakilang FOREVER ALONE.

Wala kasi yung mga barkada ko dito.

Sila Carryl at Renz, pumunta sa parents nila sa U.S.

Si Sandy naman, nasa rest house nila sa Boracay.

Si Adrian naman, nasa tito niya sa Baguio.

Si Arvin?

Nasa puso ko :D

Joke lang. Nagbakasyon din siya, umuwi sa parents niya sa Batangas.

HAAAAAAAAYYYYYYYY!

Nakakabagot naman. Wala akong magawa. Huhuhuhu

Ganito lang ang routine ko for three days:

Gising -> Kain -> Ligo -> Fb -> kain lunch -> Fb -> Wattpad -> Tumblr -> Soundtrip -> Fb -> Laro ng The Sims -> YM -> Fb -> Twitter -> Tulog

Depende na yan kung ano ang maiisip kong gawin. Nakakabagot talaga =______= Miss ko na siya. Miss ko na si Arvin ko. Kahit man lang text, di nagparamdam. TSK!

Text ko kaya siya? Di naman siya nagtetext di ako ang magtetext.

To: Arvin

Arvin! Busy?

*beep beep*

Bilis ah! Di siguro siya busy? :D

From: Arvin

Yeahp.

Busy daw?! TSK

To: Arvin

Anong gawa mo? :P

From: Arvin

Maya na ako text. Busy talaga. GTG

Okay fine! Busy ka pala ha. Pero ang dali mong nakareply. TSK! Ano naman ngayon kung may katext siyang iba?! Paki ko ba?! At bakit ba ako nagkakaganito?! HA?! Sabihin niyo nga?! TSK!

*beep beep*

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko dahil baka si Arvin ang nagtext :D

From: Christine

Pasama ako sa mall Aila. Wala kasi akong magawa dito sa bahay.

Aisht. Si Christine lang pala. Classmate namin.

To: Christine

Sige. Punta ka nalang dito sa bahay :)

30 mins. later, dumating na si Christine.

*tokk tokk tokk*

"Pasok."

"Aila, tara na :)"

"Sige."

Lumabas na kami ng gate at naglakad papuntang mall. Malapit lang naman eh.

Pasok.

Bili.

Labas.

Pasok.

Tingin.

Bili.

Labas.

Kung anu-ano nalang pinamili namin ni Christine, marami kasing magagandang damit eh XD

Pero nung tumingin ako sa paligid, may namukhaan akong isang tao.

Si Arvin ata yun ah? Nilapitan ko siya. Si Arvin nga.

"Arvin?"

"Uyyy, Aila.", bakit parang nagulat siya?

"Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?"

"Ah, ako? Ah..."

"Arvin!"

"Tumingin kaming dalawa dun sa nagsalita."

"Michelle.", Michelle? Siya yung tumawag kay Arvin nung nagkatampo kami ah.

"Sino siya?"

"Si Aila nga pala..."

"Oh! So you're Aila, nice meeting you :D", hindi man lang pinatapos magsalit si Arvin. Gusto ko sanang malaman kung ano na ako sa kanya.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ah, kami? Uhm, *tingin kay Arvin* nagdedate? HAHA"

"Ano?"

"Haha, pasensya na Aila ha pero nagmamadali kasi kami eh. Tara na Arvin."

"Ah, sandali lan----"

Hinila na nung Michelle na yun si Arvin. Bakit? Akala ko ba nagbabakasyon si Arvin? Nagsinungaling lang ba siya? Bakit? Bakit ang sakit ng tiyan ko, tiyan ko nga ba ang masakit? O ang puso ko?

Lumapit na ako kay Christine.

"Christine, pasensya na ha pero uuwi na ako. Masama kasi pakiramdam ko."

"Ha? Ganun ba? Tara ihahatid na kita."

"Wag na. Kaya ko naman.", nagpilit ngiti na lang ako sa kanya para di na siya magworry. At tsaka humawak ako sa tiyan ko para akalain lang niyang LBM to.

"Sige, mag-iingat ka Aila ha? Text mo ko pag naka-uwi ka na."

"I'll do, sige :)"

Bakit?

Bakit Arvin?

Ang sakit. Walangya :'(

When Friendship Turns To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon