Chapter 15

169 6 0
                                    

[Aila's P.O.V]

Sa mga ginawa ni Arvin..

Sa mga nakita ko..

Sa mga narinig ko..

Ewan ko lang kung maniniwala pa ako.

Sana di ko nalang siya pinayagang manligaw. Ang sakit kasi, di pa nga kami pero ang sakit sakit na. Hindi pa nga kami pero ginaganito na niya ako. Sinasadya niya ba ito? Ibig sabihin ba, kung naging tanga ako at naging bulag, mas malala pa sa ganito ang mangyayari kung naging kami na?

I'm in pain, kung di niya lang alam..

Ang tanga ko rin kasi. TSK, maiinlove lang, sa bestfriend pa! NAMAN OH!

May bagong spelling na ang tanga, ito: A-I-L-A >///////<

Ang tanga ko talaga! Nagmahal ako sa mas tanga pa sa akin. But, anyway, hindi ako ang nawalan. Pero masakit pa din. Alam kong hindi dapat ako magreact ng ganito.

Pero, it is LOVE. and I HATE LOVE. Sabi na nga ba. Ang TANGA ko! Nakakainis!

Naiisip ko tuloy kung paano ko tinulungan si Arvin na manligaw kay Michelle.

Ang sakit noh? Oo, naging tulay nila ako =_______= See? Ang tanga ko talaga noh? Oh alam ko na, kaya wag niyo na akong sisihin.

TEKA!

Bakit ko ba sinisisi sarili ko? Hindi naman ako ang nawalan ha! Si ARVIN CHUA ang nawalan hindi ako!

Siya ang magdusa, ang NOT ME!

Makikita mo Arvin.

Pero paano?

NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! =________=

Habang nagsusurf ako sa internet, may nabasa akong quote sa tumblr.

"The best revenge is to smile."

Tama. Hinding-hindi ako papayag na basta-basta nalang akong ginaganito ni Arvin. Hindi ako magpapaapekto. Makikita mo.

Mag-a-act ako na parang walang nangyari. Yes, gagawin ko yun. Alam kong hindi ko kakayanin dahil sa sakit pero walang impossible sa akin. Makakaya ko to.

MAGSAMA KAYONG DALAWA NG AHAS NA EPAL!

I HATE YOU ARVIN!

I HATE YOU ARVIN CHUA!

Natapos na rin ang bakasyon. Nandito na sila. And specifically, nandito kami kina Sandy. Nandito din si Arvin, kasama ang babaeng ahas. Ang epal niya talaga. Pero wala na akong pakialam. Masakit, parang naging masama na ako dahil sa sakit.

Di naman siya kasali sa barkada pero pumunta dito. Ang FC naman niya masyado ha! Hinding-hindi kita mapapatawad Arvin, ang laki ng naging tiwala ko tas lolokohin mo lang pala ako. Kung ganyan ka lang din naman sa lahat ng magiging girlfriend mo, sabay-sabay ka naming isusumpa. Ang OA ko ha, di naman naging kami ha? Pero kahit na! Ang sakit kaya!

"Uyyy, si Aila lang ba at si Arvin ang di naging busy sa atin?", pagtatanong ni Renz.

"Kami? HAHAHA" - ako

"Oo. Kayo. Duh, bakit ano bang ginawa niyo?" - Carryl

"Well, ako wala akong ginawa. Bored nga ee. wala akong makasama. Pero I think si Arvin naging busy naman siya."

"Busy saan?", tumingin agad si sandy kay Arvin.

"Busy makipaglandian kay Michelle. Haha"

Napatingin silang lahat sa akin.

When Friendship Turns To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon