Chapter 20

117 3 0
                                    

[Arvin’s P.O.V]

It’s been 6 months na, ang sinabi ko lang ay 5 months. Sigurado akong pag bumalik pa ako, hinding-hindi na niya ako papansinin. Nakakainis kasi, ang tagal tagal matapos itong transaction na ito. Ay este business trip. Nakakainis sila mama, sinabi ng ayaw ko pero pinipilit pa rin ako. TSK!

Miss ko na si Aila.

Tinamaan talaga ako dun.

Ginayuma niya siguro ako nung nagbakasyon kami.

Wala pang araw na hindi ko siya iniisip. Nakakamiss ang pagiging makulit niya. Nakakamiss ang pakikipagtalo ko sa kanya. Ang mga pinaggagawa niya para lang ngumiti ako, namimiss ko na rin. Ang pagiging maingay niya at ang mood swings niya. TSK! MISS KO NA TALAGA SIYA!!!

Hindi ako makatawag dun, masyado kasing busy dito. HAHAi! Buong buhay ko ngayon lang ako naging seryoso sa isang babae, ngayon lang ako naging seryoso ng ganito. Except sa pagseseryoso ko nung bata pa ako, gusto ko kasing matutong magdrawing nun ee. HAHAHA! Nagpaturo ako nun sa teacher ko, pa’no ba naman kasi, sa lahat ata ng tinuturuan niya, ako lang ang di marunong magdrawing, ni magcolor nga ng kasimpleng simpleng bagay, di ko magawa. Kahit yung simpleng mansanas lang na kulay pula ay di ko magawa ng maayos. HAHA! Nakakatawa lang. Nahiya kasi ako sa kanila noon kaya naman nagpursigido ako nun na matutong magdrawing XDD

Isa pa, gusto ko talaga. Lalo na ang pag-e-sketch. Gusto kong iguhit si Aila nun. May nakita ako sa kwarto niya nun, isang sketch book. Marunong talaga siya magguhit, marami siyang collection ng mga drawings niya. Yung mga drawings niya na nalagay sa mga papel o mga sheets lang, kinocompile niya. Kahit may color o wala, ang ganda talaga.

Marami siyang mga drawing na puro tao, akala ko nun mga crush niya. Nainis ako nun, pero nung tinanong ko siya, mga anime characters pala yun na idol niya. Di daw siya marunong magguhit ng totoong tao except sa isa na gusto daw niyang iguhit. Boyish din siya dati, parang ang siga niya nun. Palagi nga akong natatalo sa kanya eh. HAHA

Isang araw nun, medyo marunong na akong gumuhit at kumulay. Tumingin ako sa ginawa niya, ang ganda talaga. Pero nung tumingin siya sa ginagawa ko, agad kong tinakpan ng mga kamay ko. Nahihiya kasi akong ipakita sa kanya. Pero as usual, natatalo niya ako. Kaya nagawa niyang agawin sa akin ang ginawa ko. Akala ko tatawanan niya ako kasi ang pangit ng ginawa kong guhit. Pero hindi pala, sabi niya ang ganda daw.

Sinabi kong ang pangit kaya. Pero sinabi niya dati sa akin na, “Kapagka gawa mo, ang tingin mo talaga dito ay pangit kasi ikaw ang gumawa eh. May expectations ka sa magiging output pero sad to say, hindi mo naabot ang expectation mo kaya pangit para sa’yo. Pero pag iba na ang tumingin sa gawa mo, gagandahan sila. Kasi pinaghirapan mo eh.”

Narealize ko ang lahat ng mga sinabi niya pagkatapos niyang sabihin yun. Tama siya. Unti-unti kong nasabi sa sarili ko na tama talaga siya habang lumalaki kami. Di ko nalang namalayan noon na naging close ako sa kanya. First time nangyari to. Ang magpakabait sa isang babae. Dati kasi, binubully ko ang mga friends kong babae.

First time ko ang magkaganito. Ang mabaliw sa isang babae, ang maging seryoso sa isang babae. Mahal na mahal ko talaga siya.

Ang CORNY!

Si Aila ang dahilan ng lahat ng ito!

Si Aila!

Si Aila!

Si Aila!

“Si Aila na naman ba ang iniisip mo?” – Lance. Kuya ko siya.

“Haha, oh. Grabe kasi, nakakamiss ang babaeng yun. Sobra.”

“Tinamaan ka talaga ah.”

“Matagal pa ba ako makakauwi…?”

“Hmmm matagal pa. *Tumayo siya* Matagal na matagal pa. Sorry tol pero kailangan mo pang magstay ng 24.”

When Friendship Turns To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon