30 - Own Power

261 13 0
                                    

Un-edited.

Marius POV

•••

Isa lang ang nararamdaman namin ng lobo kong si Sage habang pinagmamasdan ang wala ng buhay na katawan ng Luna namin.

Takot at sakit.

Hindi ko siya nailigtas.. hindi ko nailigtas ang taong bumuo ulit sa'kin.. hindi ko nailigtas ang Luna ng teritoryo ko.

Malakas na alulong ang naririnig ko, hindi ko maintindihan.. saan ako nagkulang upang mawala siya sa'kin? Saan ako nagkulang Moon Goddess? Saan ako nagkulang para kunin niyo sa'kin si Selena!

"Marius! Tumayo ka dyan!"

"Hindi! Hindi ko iiwan ang Luna! Hindi!"

"Marius! Ikaw ang Alpha! Maging malakas ka!"

Mabilis kong sinapak sa mukha ang lalaking nagsabi niyon.

"Sabihin mo nga sa'kin!? Paano ako magiging malakas kung ang tanging lakas ko lang ay ang babaeng pinatay nila!?" Dumagundong boses ko.

Hindi ko mapigilan ang galit ko, bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat? Bakit?

Lumingon ako at hinanap ang taong nasa likod ng lahat ng ito. Pero hindi ko siya makita, kahit ang amoy niya parang naglaho na lang na parang bula.

"Pinaalis ko na siya." Napatigil ako.

Lumapit ang Beta sa'kin at ibinigay sa'kin ang isang kwintas, ayokong hawakan ang bagay na 'yon dahil pagmamay-ari iyon ng isang rebeldeng bampira na pinatay ang babaeng mahal ko.

"Pinalaya niyo siya? Hinayaan niyo siyang umalis na para bang wala siyang pinatay? Ha!?" Huli na ng makasalag ang Beta dahil mabilis ko siyang hinawakan sa leeg.

Sinakal ko siya at hinila paitaas, ang akala ko ay kakalabanin niya ako dahil sa ginagawa kong pag-sakal sa kaniya pero hindi. Wala siyang ginawa, nanatiling hawak ko ang leeg niya at walang siyang ginagawa.

Wala siyang balak tumakas sa mga kamay ko.

"Tama na Alpha!" Rinig kong sigaw ni Sapphire at agad na lumapit sa harap ko at pinigilan ang kamay kong nakahawak sa leeg ni Kyle!

"Umalis ka Sapphire! Umalis ka dito kung hindi masasaktan ka rin!" Sigaw ko sa kaniya pero imbis na umalis ay agad siyang sumigaw na siyang nagpagulat sa aming lahat.

"Hindi pa patay si Selena, Marius! Hindi pa siya patay dahil nararamdaman ko pa ang pagtibok ng puso niya!" Napatigil ako.

Binitawan ko ang leeg ni Kyle at tumakbo ako papunta sa kinalalagyan ni Selena na ngayon ay nakahiga na sa harap ng pinakamatandang wolf sa teritoryo ko. Tinignan ko siya at ganun na lang ang gulat ko ng tumango siya.

"Hindi pa patay ang Luna, Alpha. Ngunit ilang minuto na ring huminto ang pagpintig ng pulso niya." Tinitigan ko ang katawan ni Selena.

Kung buhay siya, bakit hindi pa rin bumubukas ang mga mata niya? Bakit hindi pa rin siya gumigising? Bakit hanggang ngayon? Hindi ko pa rin siya maabot?

"Selena.." bulong ko.

Sinubukan kong hawakan ang mukha niya kaunting hibla na lang ang layo ng mga kamay ko para lumapat sa balat ng babaeng mahal ko ay agad kong napigilan ko na agad ang sarili ko.

Binawi ko ang kamay ko at agad ko 'yong ikinuyom kasabay ang pag-iwas ko ng tingin sa natutulog na Luna ng teritoryo ko.

Natutulog, natutulog lang siya Marius.. hindi pa siya patay.

Hindi pa siya patay.

Ayokong makitang nasasaktan ako sa harap ng maraming tao, ayokong maawa sila sa'kin, pero bakit ganito? Bakit naaawa na ako sa sarili ko? Bakit ganito?

WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon