Mabilis ang kaniyang naging galaw ng may matamaan siyang isang usa sa gitna ng gubat. Maliksi ngunit mabilis niyang sinusundan ang bawat paglalakad ng usa habang naghahanap ito ng pagkain.Nagtago siya sa isang malaking ugat ng puno and he sniff the cold hair habang taimtim na naghihintay sa kaniyang unang pag atake sa usang pwede na niyang maging pagkain ngayong umagahan hanggang pagdating ng gabi.
Malusog ito, ngunit hindi siya agad makabwelo dahil sa tainga nitong tila naririnig pati ang paghinga niya.
"Manatili ka lang sa pwesto mo, at ako ng bahala sa buhay mo." He whispered na siya lang ang makakarinig.
At sa wakas dumating na ang oras niya, nang yumuko ang usa upang kumain ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis niyang tinalon ang distansya nilang dalawa kasabay ang paghaba ng mga kuko niya sa kaniyang dalawang kamay.
Umuwi siyang hila-hila ang wala ng buhay na usa, tumutulo pa sa kaniyang bibig ang sariwa nitong dugo ngunit wala lang ang bagay na 'yon sa kaniya.
Nang marating niya ang maliit na kubo sa gitna ng gubat ay agad siyang pumasok doon, ngunit iba ang bumungad sa kaniya.
"K-kuya.."
Nabitawan niya ang hawak-hawak na usa ng makita niya ang kaniyang nag-iisang kapatid na hawak ng isang kagaya niya sa leeg nito. Tila umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo dahil kitang-kita niya ang pangit nitong gusto ng bumaon sa leeg ng kapatid niya.
Kumuyom ang mga kamao niya.
"Anong kailangan niyo?" Malumanay ngunit may halong galit na sambit niya.
Naglakad ang isang lalaking nakaupo sa isang upuan palapit sa kaniya, tatlong kalalakihan ang nasa loob ng tahanan nilang dalawa ng kaniyang kapatid.
"Alam mo naman kung anong kailangan ko hindi ba?" Hindi siya sumagot hinayaan niyang magpatuloy sa pagsasalita ang lalaki nasa kaniyang harapan.
"Kailangan mo ng bumalik sa teritoryo, dahil kailangan na nating planuhin ang mga susunod na hakbang upang mapabagsak ang Alphang si Marius."
Sa binanggit niyang pangalan ay doon lang bumalik sa isip niya ang ginawa niya sa Luna nito. Sa Luna ng teritoryo nito. Trinaydor niya lang naman ito at wala siyang awang pinaghahagis ang katawan nito ng ipakita niya ang totoong siya sa harapan nito.
Wala siyang awang pinarusahan ito dahil alam niyang kapag nalaman ng Alpha ang ginawa niya, magsisimula ang digmaan kung saan matatalo na nila ang Dark Gray Pack na siyang pumatay sa mga magulang nilang magkapatid.
Oo, pinatay ng Alpha ng Dark Gray Pack noon ang kaniyang mga magulang sa harap nilang dalawa ng kaniyang kapatid sa hindi malamang dahilan. 'Yon ang dahilan kaya naging ganito sila ng kapatid niya, nakipagsundo sila ng kaniyang kapatid sa mga rebeldeng bampira noon.
Ginawa sila nitong mga totoong bampira na nauuhaw sa sariwang dugo ng kahit na sino, tao man o hayop.
At ang nakaraang 'yon ay habang buhay niyang dadalhin. Habang buhay niyang pag-iisipan kung paano patayin ang Alpha ng teritoryong 'yon. At dahil na rin sa pagtitiwala ng Luna sa kaniya ay ginawa na niya ang plano niya noon pa.
Ginawa niyang pain si Selena upang wakasan ang teritoryo ni Marius, pero hindi nangyari ang mga inaasahan nila.
Namatay ang binuhay nila at namatay rin ang Luna. Pero hindi ang Alpha nito.
Alam niyang kaya siyang patayin ni Marius sa kahit na anong paraan, kung paano niya rin patayin ang babaeng kasama niyang nagimbistiga sa loob ng teritoryo nito.
Si Alyana.
Bumalik ang mga ala-ala ng digmaan sa isip niya, isang linggo na ang nakakaraan. Isang linggo na rin silang namamalagi ng kaniyang kapatid dito sa gitna ng gubat at natutulog dito sa maliit na kubong ginawa niya para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna | ✓
WerwolfWOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna by @MemoriesBack Phoebe Selena Rayburn's Story. ••••• Ang Manunulat ng Istoryang ito ay binigyan ako ng Permiso upang ipagpatuloy ito. So you need to read first the story, just visit MemoriesBack profile. ...