EPILOGUE

253 9 15
                                    

Mabilis ang naging pagtakbo ng isang batang babae sa gubat na 'yon, hindi niya alintana ang mga tuyong damo na dumidikit sa kaniyang damit, halatang halata ang kasiyahan sa mukha niya habang naglalaro siya doon ng mag-isa.

Hanggang sa makarinig siya ng mahinang alulong, napalingon siya sa direksyon kung saan niya 'yon narinig at nakita niya ang kaniyang Ama na nakangiting nakatingin sa kaniya.

Nakangiti siyang tumakbo papunta sa direksyon nito at ng makalapit siya ay agad siya nitong binuhat at inikot at sabay kinarga.

"Akala ko naman kung saan-saan ka nanaman nagsususuot, ikaw talaga." Mahina nitong kinurot ang kaniyang ilong kaya natatawa siyang inalis ito.

"Papa, nasaan po si Mama? Kanina po kasi magkasama lang kami eh." Tanong niya dito.

"May ginagawa si Mama kaya ako muna ang magbabantay sayo dito." Sagot naman nito sa kaniya.

Ibinaba siya nitong muli at ng makatayo siya sa mga tuyong dahon ay agad siyang nagtatatakbo palayo dito.

"Wag kang masyadong lalayo!"

"Opo, Papa!" Masaya siyang nagpaikot-ikot sa mga matataas na puno na nadadaanan niya.

Patuloy pa rin siya sa pagtakbo habang tumatawa, dahil ngayon lang ulit siya nakapag-laro sa gubat na alam niyang sakop pa rin ng teritoryong kaniyang tirahan.

Ngunit sa pagtakpo niya ay hindi niya nakita ang nakausling ugat ng isang puno, agad siyang natalisod at bumagsak ang maliit niyabg katawan sa lupa.

"Aray!" Sambit niya habang nakadapa pa rin.

Iniinda niya ang paang nasaktan at ang brasong nasugatan.

Dahan-dahan siyang bumangon, ngunit natigilan siya ng makarinig siya ng mahinang alulong na malapit na malapit lang sa kaniya. Dahan-dahan niyang itiningala ang mukha at nakita niya ang isang malaking itim na lobong nakatingin sa kaniya.

Kitang-kita niya ang mapupula nitong mga mata, lalo na ang matatalas nitong mga ngipin habang tumutulo ang likido sa bibig nito papunta sa lupa.

Nanginig siya sa takot, ito ang unang beses na nakita niya ang isang klase ng lobo na may pulang mata.

At dahil sa takot ay mabilis siyang napaupo at napaatras papunta sa malaking ugat ng puno, at kahit na masakit ang kaniyang paa dahil sa pagkakatalisod niya ay ininda niya 'yon. mas lumapit ang lobo na 'yon sa kaniya at dahil na rin sa takot at panginginig ng kaniyang katawan ay hindi na niya nagawa pang sumigaw ng tulong.

Alam niyang malapit lang ang Papa niya, alam niyang matatagpuan siya nito. Ngunit mukhang huli na ang lahat ng mabilis siya nitong dinamba.

Napasigaw siya sa gulat at takot na baka mamamatay siya sa kamay ng isang lobo, mariin siyang napapikit. Ngunit nakalipas ang ilang sandali ay wala siyang naramdamang masakit sa buo niyang katawan.

Dahan-dahang niyang ibinukas ang kaniyang mga mata, ang una niyang napansin ay ang tuhod ng isang taong nakaluhod sa lupa at nakaharap sa kaniya.

Unti-unti niyang iniangat ang kaniyang mukha at nakita niya ang mukha ng isang lalaki, ngunit napasinghap siya ng makita ang nangingislap nitong pulang mata habang nakatingin sa kaniya.

Papa..

Napakislot siya sa pagkakaupo ng maramdaman ang pagdampi ng isang daliri nito sa pisngi niya.

"Sa wakas, nagkita na rin tayo.. my Mate."

•••

WN: SA WAKAS AT TAPOS NA RIN! THANK YOU SA MGA NAGBABASA AT MAGBABASA PALANG^^

Pakibasa na lang po muna ang unang Story nito sa account ni Ms. MemoriesBack para po mas alam niyo 'yung daloy ng kwento at ito na po 'yong continuation niya^^

Maraming maraming salamat po^^




Reminder (9/6/22)
I unpublished " Wolf Series 2: Luna's Vengeance " thank you.

🎉 Tapos mo nang basahin ang WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna | ✓ 🎉
WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon