Ramdam niya ang kirot at sakit, gusto na niyang sumuko, nginig at takot ang alam niyang una't huli niyang mararamdaman.Ngunit gusto niyang lumaban pero isa lang ang pumapasok sa isip niya.
Hindi ko na kaya.
Mas lalong dumarami ang dugong lumalabas sa malalim na sugat na ginawa ng asong lobo na nakalaban niya, na siyang tinatakpan ng kaniyang isang kamay. Hubot-hubad pa rin siyang nakahiga sa mga tuyong dahon sa kagubatan na 'yon, nakapikit at pinipilit lumaban kahit alam niya sa sarili niyang hindi na niya kaya pang lumaban.
Dahil alam niyang matagal na siyang patay, sa pagka-wala pa lang ng mga magulang niya, ang pagtira niya sa kinilala niyang Lolo na siyang rebeldeng asong lobo pala na gusto siyang ipagkanulo sa mga ka-uri nito, ang pang-iiwan sa kaniya ni Marius at ng mga kaibigan niya, ang pagtitiwala niya sa rebeldeng bampira, ang pag-aalay ng mga nakabarong mga tao sa buhay niya upang mabuhay lang ang kanilang makasalanang pinuno, at ang pinakahuli ang nangyayari sa kaniya ngayon.
'Yon ang lahat ng dahilan upang sabihin niya sa sarili niyang matagal na siyang patay.
"MoonGoddess, nag-mamakaawa ako.. ayoko ng mahirapan. Kunin mo na ako,"
Isang hikbi ang lumabas sa kaniyang mga labi habang patuloy ang pagbulwak ng dugo sa kaniyang kanang-kamay. Kitang-kita niya 'yon dahil nasisinagan siya ng maliwanag na buwan.
Why ? Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ko ang bagay na ito ? Para ako ang makaranas ng mga bagay na dapat ay mga taong makasalanan dapat ang nakakaranas ? Why ?
'Selena..'
Nawala ang hikbi niya kasabay ang pagsakit bigla ng tyan niya kung saan malalim na sugat ang ginawa ng kalaban niya kanina.
'P-pinky.. akala ko iniwan mo na ako..'
Huminga siya ng malalim habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng kaniyang lobo sa isipan niya.
Matapos ang laban ay agad itong nagtago sa pinakamadilim na bahagi ng isip niya.
'Wag mong hahayaang kunin tayo ni MoonGoddess dahil lang dito.. matagal ka ng lumalaban. Simula sa una hanggang dito. Kasama mo akong lumaban sa lahat ng 'yon, pero sana wag mong hayaang kunin tayo ni MoonGoddess dahil lang sa nahihirapan ka na. Dahil ako kaya kong pagalingin ang katawang tao mo, pero hindi mo mapapagaling ang sugat na maiiwan natin sa mate natin Selena. Isipin mo si Marius, isipin mo ang mate natin Selena hindi lang ang sarili mo. Habang buhay siyang maghihirap kapag iniwan natin ang kaisa-isang bagay na meron na lang tayong dalawa.'
Pagtapos ng mga salitang binitawan ng kaniyang lobo ay umagos ang masaganang luha sa kaniyang magkabilang mata.
Isipin mo si Marius, isipin mo ang mate natin Selena. Hindi lang ang sarili mo. Habang buhay siyang mag-hihirap kapag iniwan natin ang kaisa-isang bagay na meron na lang tayong dalawa.
Tumagos ang mga salitang 'yon sa puso niya, hindi niya aakalaing ang lobo niya mismo ang magpapaintindi sa kaniya ng mga nangyayari ngayon.
She instantly mind link to her mate kahit na nasasaktan pa rin siya habang iniisip ang mga araw na magkasama silang dalawa ng malanding Ex nito.
At ang pagsakit pa rin ng sugat na alam niyang kayang pagalingin ng inner wolf niya. Ngunit alam niyang hindi rin nito makakaya dahil Lycan ang kumagat ag sumugat sa tyan niya.
At bago pa man siya makapagsalita through mindlink sa nag-iisang lalaking bumuo sa buhay niya ay agad siyang umubo ng dugo. Isang pinaka-matinding sakit ang dumaloy sa buong katawan niya.
BINABASA MO ANG
WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna | ✓
Hombres LoboWOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna by @MemoriesBack Phoebe Selena Rayburn's Story. ••••• Ang Manunulat ng Istoryang ito ay binigyan ako ng Permiso upang ipagpatuloy ito. So you need to read first the story, just visit MemoriesBack profile. ...