Prologue

25 4 2
                                    

"Lasing ka na naman?! I've been calling for an hour at di mo sinasagot dahil lang uminom ka?!" pasigaw kong sabi kay Shawn.

"I told you last night that i was going out with my friends Right? Di mo kailangan sumigaw" inis niyang sagot sa kabilang linya.

"You know what? Cut the Bullshit! You should've told me earlier if you don't like this fucking relationship of us. Kaya magbreak na tayo!"

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita.
At binabaan ko siya ng telepono.

"Hay Salmat! Katahimikaaaannn!" sabi ko na parang nabunutan ng tinik.

Wala pang isang minuto ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Tsk tsk tsk...naku naku, hulaan ko break na naman kayo ng Shawn na yun noh?" sabi ni mommy nang pumasok at naka pamewang.

"Mom, kung mang aasar ka wag ngayon. Tsaka don't you know how to knock?"

"Alam mo nak, pang 19 na Bf mo na yan. Mas mataas pa yung bilang ng naging Bf ko kesa sa edad mo eh. Kailan ka ba titigil sa pang titrip mo sa mga yan?"

Sabay lumapit siya sa kama at tumabi sakin.

"Mom, di ko naman sila sinasaktan dahil nilalatag ko na sa kanila in the first place na di ako seryoso.. sadyang bobo lang sila kasi pumapayag din sila."
paliwanag ko kay mommy.

"Ewan ko ba sayo...maganda ka naman, matalino, maldita nga lang. At walang nakakatagal sayo... Noon akala ko baka mga siraulo lang yung mga nagiging karelasyon mo pero napagtanto ko na baka ikaw na ung mali..."

"Tss, sadyang uto uto sila Mom"

"Ayaw mo ba humanap ng totoong mag mamahal sayo? Yung aalagaan ka, yung mamahalin ka, at yung tatanggapin ka kahit maldita ka hahaha" pang aasar niya.

"Di ako maldita mom, tsaka di ko kailangan nun"

"Baby, let me remind you ha. Karma is Real mamaya matamaan ka ng pana ni Kupido swerte nalang kung sa tamang tao eh pano kung sa..."

"Kung sa maling tao, i will make sure na mag susuffer siya. Dodoblehin ko yung luha na iiiyak niya kesa sakin." pagmamayabang ko at sabay labas ng pinto.

"Suuusss ...sinasabi mo lang yaaann" pahabol pa niya.

Nakasimangot akong lumabas ng bahay. Pagbukas na pagbukas ko naman ng gate, may epal na sumalubong sakin

"Pat! San punta? Bakit parang di ka matae?" bungad ni Kurt sakin, bestfriend ko sa kagaguhan.

"Stop Calling me Pat dahil hindi na ko mataba noh! Sexy ko kaya!At kailan pa natutong mag bike ni Doraemon? Hahahaha" ganti ko sa kanya.

Yes, "Pat" tawag niya. Kasi mataba daw ako tulad ni Patrick sa Spongebob -,-

"Lol, bat kaba kasi nakasimangot?" tanong niya nang pinark yung bike niya sa gilid.

"Wala kampake, tsaka ano bang gnagawa mo dito? Wala ka bang bahay para uwian?" inis kong tanong.

"Meron, pero wala naman akong kasama dun. Tsaka wag kang mag inarte si Tita pinunta ko ndi ikaw. Naamoy ko kasi ung niluluto niya." parang timang niyang sabi.

"Ayos ah! Naka abot sa kabilang bahay ung amoy ng niluluto ni mommy." di ko makapaniwalang sagot sa kanya.

At dirediretso siyang pumasok ng bahay at sinundan ko naman.

"Naku buti naman at nandito ka Kurt at pagsabihan mo yang kaibigan mo na tigil tigilan ang pang titrip" singit ni mommy nang makapasok kami.

"Ahhh kaya naman pala alam mo pat, maganda ka,matalino, tsaka sexy??? Hmm pwede na HAHAHHAHA..kinulang nga lang sa height hahaha ...Medyo may konting aberya sa pananamit pero ok na yan At tsaka sino ba namang hindi gugustong mag mahal ng isang Sandra Alondra Adanza oh diba pang laban sa contest" dugtong niya sa sermon ni mommy.

"Tumigil ka nga K para kang bakla" inis kong sabi at umupo sa tabi niya.

"Sa gwapo kong to? Bakla? Mababawasan ang gwapo sa mundo" pagmamayabang niya.

At tinulungan niyang maghain ng pagkain si mommy. Kapal diba?

Sabagay..

Sino bang ayaw magmahal ng taong mamahalin ka din? Its just that, its hard to find it. You wouldn't know if he's the one or the one who will broke you into pieces. But one thing is for sure, no one can hurt me. If you're not the One.

If You're Not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon