"LUMABAS KA DIYAN!!!" rinig naming sigaw ni Angel.
"HARAPIN MO KAMI!!"
Lumapit ako sa tapat ng bahay namin, at napansin kong madaming kapitbahay ang nakatingin. At nang makalapit ako ng husto nakita ko na kung sino ang nag eeskandalo....
"Anong nangyayari dito?" mataray kong tanong sa babaeng sumisigaw sa harapan ng bahay namin.
"Sandra! Sabihin mo sa Nanay mo na ibalik yung perang kinuha niya saamin!" pasigaw na sabi ni Tita Lyn.
"Unang una, walang pera na kinukuha ang nanay ko sayo.. Pangalawa, napaka kapal naman ng mukha mo para ikaw pa ang mag eskandalo." nakapamewang kong sabi.
"Pera yun ng asawa ko, para yung sa mga anak ko!!! Tapos kukunin lang ng Nanay mo?! Kapal ng mukha!!" nang gigigil niyang sabi.
"Pati pala mga Kabit ngayon noh may Evolution. Dati nahihiya pa sila ngayon kakapal na ng mukha..." dinuro duro ko siya.
"Ipapa alala ko sayo, hindi mo siya asawa DAHIL KABIT KA LANG NG LOLO KO! At yung pera na sinasabi mong sayo? SA LOLO KO YUN! Sa lolo at lola ko which means conjugal property nila un at walang nakasaad sa batas na kasama ang KABIT dun... Ikaw na nga nakaubos ng pera ng Lolo ko ! Tapos mag eeskandalo ka pa dito?!" sunod sunod kong sabi.
"Bastos kang bata ka!" sasamapalin niya ko kaya napapikit nalang ako.
"Tama na ho, pwede kayong makasuhan sa ginagawa niyo" rinig ko.
Pagtingin ko nakita kong hawak ni Angel yung kamay ni Tita Lyn.
Sinenyasan ko yung gwardiya sa Village namin.
"Paki labas na niyan dito, at sa susunod alamin niyo kung tao o hayop ang nakakapasok dito.. HA?!"
Nang maka alis na sila, papasok na sana ako nang maalala ko na may kasama pa pala ako.
"Im sorry nakita mo pa yun, salamat pala sa paghatid at salamat sa pagtanggol" sabi ko sa kanya.
"Di ako tumatanggap ng salamat lang" pangiti ngiti niyang sabi.
"Oh eh anong gusto mo? Ihatid din kita? " pabiro kong sabi.
Napayuko siya..
"Makipag Date ka sakin"
Nagulat ako sa sinabi niya,
Di ko ineexpect na sasabihin niya yun."Ah--Date? Kailan? Bakit? Pa--"
Di ko natuloy ang ssbhin ko nang binigay niya yung phone niya sakin.
"Give me your Number and ill tell you the details" sabi niya at inaabot yung phone.
Wala sa sarili kong inabot at tinype yung number ko.
"Its settle then, goodnight" sabi niya then kiniss ako sa cheeks.
Nakatulala lang ako habang paalis siya .
"What the Fuck?! I let him kiss me?!!! " sabi ko nang magising ang diwa ko.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One
RomanceWe can Never tell if we really find the One. Does it really Exist? Or its just Us who can Tell that He/ She is the One? Sandra Zein Adanza makes her past relationships fun. She doesn't take it seriously. But she wants to find her the ONE. But what...