Angel's POV
"I'm proud of you gel!" bati ni Kenneth nang maka uwi ako sa bahay.
Ginabi na din ako kasi nakipag kwentuhan pa ko sa bahay nila Sandra.
"For what?" tanong ko at binaba ang susi ng kotse ko sa lamesa.
"So seryoso ka na sa kanya? Buti naman nagbago isip mo" sabi niya habang naka higa sa sofa.
"Masama ba?" balik kong tanong.
Naupo ako sa gilid.
"Hindi naman, but i suggest na sabihin mo sa kanya yung totoong pakay mo SANA na naudlot nang dahil sa nararamdaman mo sa kanya" paliwanag niya sakin.
"You think maiintindihan niya? Tss, nag uumpisa pa lang ako para patunayan ang nararamdaman ko tapos bibigyan ko agad siya ng rason para iwasan ako?"
"Gel, maiintindihan yun ni Sandra lalo na pag inexplain mo lahat" napaupo siya at seryosong kinausap ako.
"This is not yet the right time to tell her. But i swear i will tell her the truth." iniwan ko siya at pumasok sa kwarto.
Biglang tumunog ang phone ko nang makapasok ako sa kwarto. Agad ko namang sinagot nang makita ko sa screen kung sino ang tumawag.
"What?" bored kong tanong.
"Thank you" mabilis niyang sabi.
"For what? " taka kong tanong.
"For listening to my advice. At akalain mo nga naman maiinlove ka pa sa kanya" panunukso niya.
"Dad! Sinabi ba ni Kenneth? Tsk! Tsismoso!" naiinis kong sabi sa kanya.
"Hahahhaha wag ka na magalit sa pamangkin mo. Masaya lang siya na hindi mo tinuloy ang plano mo." masaya niyang sabi.
"I know.. Tsk sige na! Mang aasar ka lang eh. Bye." at binaba ko na ang telepono.
*Beep*
Tumunog ulit ito at nakita kong may nag message.
From: Sandra
Goodnight ❤
To: Sandra
Goodnight din. Dream of me.😉
Pagka reply ko binaba ko na ang cp at natulog nang may ngiti sa aking labi.
*KINABUKASAN
SANDRA'S POV
"Sino ba kasing nag pauso ng short na yan eh maiksi!!" inis na sabi ni Kenneth kay Aicah."Kaya nga short diba?! Kasi maiksi! Edi sana long yung tinawag diyan dba?" naiinis na sabi ni Aicah.
Nag aayos sila ng mga bag nila kasi nag yaya si Angel na pumunta ng Sky Ranch. Maagang maaga pa andito na sila, nang gugulo.
"Dapat kasi nag pantalon ka nalang eh" dugtong pa ni Kenneth.
"Diba naman masagwa eh, si Sandra nga naka short din" nakasimangot na sagot ni Aicah.
"Bagay daw kay Sandra, malaswa daw sayo Ate HAHAHHAHA--" sabay batok ni Aicah kay Evve dahil sa pang aasar.
"Naku mga batang to oh. Wag na kayo mag asaran oh eto baon ninyo dun" at inabot niya kay Kenneth ang isang malaking eco bag.
"Salamat po tita, tamang tama di na tayo bibili! Hehe" nakangiting sabi ni Kenneth kay Mommy.
"Yah!" sabi ni Sydney na nag aayos ng bag niya.
"Sus, kuripot ka kasi!" singit naman ni Jhana habang nag papabango ng pabango ni Marrize.
*Beep *Beep
"Ayan na si boss busabos! Tara na!" yaya ni Kenneth nang marinig ang busina sa labas.
"Mom, una na kami" paalam ko kay mommy.
"Bye tita" sabay nilang sabi.
"Mag iingat ka ha. Ayokong umuwi ka na naman ng bitbit ni Angel." paalala niya.
"Oo naman mom, bye" sabi ko at lumabas ng bahay.
Nadatnan ko silang nag aagawan ng pwesto sa Van nila Angel.
"Hey, ako na magdadala" kinuha niya sakin ang bitbit ko.
"Akala ko ikaw mag dadrive" pansin ko sa lalaki na nasa driver seat.
"Ah! Pinasama ko si kuya Marvin. Driver namin." sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Dun nalang tayo sa likod, maingay tong mga to eh" sabi ko at naupo sa likod.
Doon kaming dalawa sa likod ng Van. Nasa gitna sina Jhana, Marrize at Evve. Si Sydney ang nasa unahan at nag papatugtog sa speaker.
"Umidlip ka muna, mahaba haba pa yung byahe" bulong niya sakin.
Nilingon ko siya, nakatitig lang siya sakin.
Napaka peaceful ng mata niya.
Parang hinahatak ng mata niya yung mata ko na tumitig sa kanya.
"May bayad tumitig, pero para sayo libre lang" naka ngiti niyang sabi.
"Kapal!" sabi ko sabay humiga sa balikat niya.
Naramdaman kong parang nagulat siya nang humiga ako.
Pinikit ko mata ko at naramdaman kong inayos niya ung ulo ko sa pag kakasandal sa braso niya.
Napangiti ako bago umidlip sa braso niya.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One
RomanceWe can Never tell if we really find the One. Does it really Exist? Or its just Us who can Tell that He/ She is the One? Sandra Zein Adanza makes her past relationships fun. She doesn't take it seriously. But she wants to find her the ONE. But what...