Aquino 5 Finale

488 22 10
                                        

Shar's POV

"Ate, bakit nandito ka pa? Hindi ka ba malelate?" tanong ni Darren

" Home school na kasi ako eh. Ayaw ko munang pumasok."

"Si Kuya Jairus ba?"

"Galit kasi sya sakin at ayaw nya na masaktan lang ako. Kaya umalis na lang ako."

"Pero diba by leaving him, sinaktan mo din sya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala nevermind." sabi nya

From: Jairus

Nasaan ka?

From: Unknown

Sharlene si Nash to. Nasaan ka ba?! Kanina ka pang hinahanap ni Jai

From: Unknown

Hoy! Ms. San Pedro magpakita ka na kay Pre

-Paul

From: Unknown

For love, kausapin mo si Jai.

Si Francis 2

Ha?!

*Ding-dong*

Pumunta ako sa pintuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Pagbukas ko nakita ko ang apat na lalaking nakatingin ng masama sakin.

"Anong ginagawa nyo dito?!" tanong ko

Bigla na lang silang pumasok

"May sinabi ba akong pwede kayong pumasok!" sigaw ko

Tumigil sila at lumingon.

"Sit." sabi ni Jairus

"Anong bang kailangan nyo?"

"Sit!" sigaw nya

"Wag mo nga akong sigawan Jairus! Bahay namin to."

"Pwede ba umupo ka na lang! Mainit ang ulo ni Jai." sabi ni Francis

Umupo naman ako sa sofa namin

"Tinext kita kahapon sabi ko maguusap tayo. Hindi ka nagreply. Hinanap kita sa school wala ka. Tinext ka naming lahat hindi ka nag reply. Anong bang problema?!"

"Sorry, hindi ko kasi alam na hahanapin mo ko after mong sabihing layuan kita." sabi ko

Lumabas naman ng bahay ko sina Nash, Paul at Francis

"May gusto sana akong ibigay sayo." sabi nya

May kinuha sya sa bulsa nya. Binigay nya sakin.

Yung dog tag na bigay ko.

"Alam mo ba, lagi kong suot yan. Naaalala kasi kita kaya sinusuot ko. Sayo na lang." sabi nya

"Salamat kasi hindi mo sya tinapon."

Biglang tumahimik ang paligid

"Bakit hindi mo ako binalikan?" tanong nya

"Bakit hindi mo na ako hinanap?" balik tanong ko

"Kasi alam ko na you deserve better. It's unusual na magmahal ka ng katulad ko. Hindi ako ang tipo mong lalaki. I'm a broken guy inside a perfect body."

"I deserve better? If I deserved better I wouldn't have loved you in the first place Jai! But I did kasi mahal kita, kasi natutunan kitang mahalin ng sobra. Hindi kita binalikan kasi ayaw kitang saktan. Alam ko kasi na galit ka sakin sa mga ginawa ko nung hindi kita kilala kaya alam ko na nasaktan kita ng sobra. At kung bumalik ako ng naalala na kita alam kong magagalit ka parin sakin. Kaya I thought maybe mag cool off muna tayo bago tayo magusap. Pero mas nagalit ka pala." sabi ko

"Hindi mo alam kung paano gumuho ang mundo ko nung nawala ka. My world revolved around you. Saksi ang mga kaibigan ko dun. Kaya nga nila akong tinawag na Mysterious King ng S.A.M.A kasi bigla na lang akong nalungkot at nawalan ng buhay."

Sa oras na yun gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Pero alam kong hindi na ito tulad ng dati. Mas malakas at mas palaban na sya ngayon

"Jai sorr-

"Wag kang mag sorry. Alam mong ayaw ko sa word na yan."

"Pero nasaktan kita at sinasaktan parin kita. Kaya kung gusto mong layuan kita gagawin ko kasi mahal kita."

"Yun na nga eh. Mahal mo ko! Kahit anong galit ko sayo nagtatagumpay parin ang pagmamahal ko sayo. Kahit nasasaktan na ako mas nasasaktan kita at mas lalo ko pang gustong saktan ang sarili ko."

"Wag na wag mo yang gagawin Jairus! Pag sinaktan mo ang sarili mo, mas masasaktan mo ako. Emotionally. Jai, can I hug you? Kahit ito na ang huli."

Tumango sya kaya dali dali ko syang niyakap ng napakahigpit. Mahal na mahal ko tong mokong na to

"I love you Shar, mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita Jai."

At mas humigpit pa ang yakap namin sa isat isa.

*THE END*

"Sup guys! Salamat sa pagbasa ng unique na love story ko. Malungkot sya pero sana nagenjoy kayo. Si Kiko Kulit na! Abangan nyo ang love story nun." Jairus

Lesson: Ang lesson ng love story ni Jairus ay GIVE SECOND CHANCES. Things change for the better. Kung sinaktan ka nya noon, hindi ibig sabihin nun ay sasaktan ka nya ulit. Give them another chance to prove themselves. Love stories need second chances too.

"My advice for you, sa love life walang stop light. Just go for it! Malay mo may mangyaring hindi mo inexpect." Jairus

S.A.M.A. (PauLiyah, JaiLene, FrancElla, MikAsh)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon