Magundayao 1

555 13 7
                                        

Oo, matagal ko na syang crush pero anong sasabihin ko sakanya?

Hi, I'm Francis Magundayao?

Baduy!!!

Ang galing kong mag advice sa mga kaibigan ko pero pag dating sa crush ko parang nawalan ako ng love advice.

"Hoy! Kiko kanina ka pang tulala ah? May problema?" biglang sulpot ni Shar

"Shar, torpe ba ako?"

Tumawa lang sya

"Anong nakakatawa?!"

Tawa lang sya ng tawa

"Wala kang kwentang kausap." sabi ko

"Huy!" tawag nya

"Sorry, ano ba kasing ibig mong sabihin? Ikaw! Torpe! Isang member ng S.A.M.A magiging torpe? At ikaw pang Mr. Cupido! Sino ba yung girl?"

"Wala! Nasan ba sina Jai?!"

"Hindi ko alam. Kaya nga kita pinuntahan eh. Hindi ko sila mahanap."

"Ano ako hanapan ng lost boyfriend?!"

"Taray mo."

Lumakad na lang ako papunta sa classroom namin. Kami lang kasi ni Jai ang nasa Section B. Si Paul at Nash, Section C

"Jai, hinahanap ka ni Sharlene."

"Bakit daw?!"

"Malay ko. Nakita ko sya kanina sabi nya hinahanap ka nya."

"Bakit ang sungit mo?! Tungkol ba to dun sa crush mo?" tanong nya

"Ewan ko ba. Ngayon lang ako natauhan na torpe pala ako."

Tumawa lang sya

Binatukan ko sya

"Aray!"

"Bagay nga kayo ni Sharlene! Parehas kayong walang kwentang kausap. Akala ko naman bibigyan mo ako ng advice."

"Francis, bakit ka naman matotorpe?! Sino ba yang babae na yan?! Si Lisa? Si Maribel? Alam ko na! Si Sophia!"

"Hindi!"

"Ha?! Sino ba ang crush mo?!"

"Wala hindi mo maiintindihan." sagot ko

"Ok. Pero pag ready kana. Sabihin mo lang samin. At kung advice ang hinahanap mo, makinig ka na lang sa mga sinasabi ng puso mo. You are Mr. Cupido after all." sabi nya

"Salamat Bro!" nag bro fist kami

Bigla na lang syang pumasok sa room namin.

Natulala lang ako sa kagandahan nya

Sobrang simple nya, yung tipong walang arte. Kahit damit, simple lang

Ang hugis ng mukha nya bilog na bilog. Yung pisngi nya ang cute. Yung ilong matangos. Ang mata kahit may salamin sya maganda pa rin. At yung labi nya, pulang pula.

"Francis, wag mong sabihin si Ms. Top 1 ang crush mo!"

"Ha? Bakit anong mali dun?"

"Wala naman. Except na she's.... that!"

"Oo, nerd sya pero that doesnt define who she is." sabi ko

"Natamaan ka na yata!"

S.A.M.A. (PauLiyah, JaiLene, FrancElla, MikAsh)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon