Finally dumating din si Nash.
"Salamat talaga pre!"
"Anytime, pero pre kailangan ko ulit mamaya yan."
"Oo, 30 minutes. Pramis."
Umalis na si Nash.
"Ella." sabi ko at pinagbuksan sya ng pinto
"Salamat." sabi nya at pumasok
Pumunta na ako sa driver's seat at nagdrive papunta sa mall
"Uhmmm Francis hindi ba tayo magpapalit ng damit? Naka uniform kasi tayo eh."
"Ahh ang plan ko kasi bibilhin natin ang skateboard mo tapos magcucruise tayo. Papunta sa bahay natin, magpapalit tapos kakain. And the rest is history."
"Francis I can't skate in a skirt."
"Oo nga pala. Saan ba ang bahay mo?"
"Dyan lang." sabi nya
Nakarating kami sa bahay nya
"Gusto mong bumaba? Nandito si daddy."
"Ahhh, mamaya na lang."
"Ok be back in a blink."
Bumaba sya at pumasok.
Pagkalabas nya naka shorts sya at blouse
"Ikaw hindi ba tayo pupunta sa bahay mo?"
"Ahhh sige..."
Ella's POV
Pumunta kami sa isang subdivision. Dito ba sya nakatira?!
Huminto kami sa harap ng maliit na bahay.
"Pasok ka Ella." sabi nya
Kita ko sa mukha nya na nahihiya sya sakin
"Sige!" sabi ko at ngumiti
Pinagbuksan nya ako ng pinto
"Nay!!!" sigaw nya
"Nay!!"
"Oh Elmo, nandito ka na. Sa-- o iha hello!"
"Hello po." sabi ko
"Ah nay si Ella po. Ella nanay ko."
"Ikaw pala si Ella, upo iha."
Umupo naman ako
"Ella, magpapalit lang ako."
"Iha ilang buwan na kitang gustong makilala. Kaya lang torpe ang anak ko eh. Hindi ka daw nya kinakausap."
Tumawa na lang ako
"Ella anak sana matanggap mo na kahit mahirap lang si Francis ay kaya nyang ibigay sayo ang kahit anong gusto mo. Kasalanan ko to eh. Hiwalay na ka--
"Ella tara na!" biglang sulpot ni Francis
Naka shorts at t-shirt lang sya. Simple pero cute
Tumayo na ako sa kinauupuan ko
"Nay baka po malate ako mamaya." sabi nya
"Sige anak! Take your time."
Nag beso sya sa nanay nya at lumabas na kami ng bahay
"Ella, sorry. Alam ko na dapat sinabi ko sayo na mahirap lang ako. Nagkaproblema kasi ang mga magulang ko at naghiwalay. Syempre hindi ko pababayaan ang nanay ko."
"Francis ano ka ba. Ok lang, bilib nga ako sayo kasi mas pinili mong maging mahirap at samahan ang nanay mo kesa maging mayaman."
"Pero, Ella gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para sayo. Kasi.....kasi..."
"Francis, may gusto ka bang sabihin?"
"Ella, ano bang gamit mong gayuma?"
"Ha?"
"Inlove na yata ako sayo eh."
Natahimik naman ako sa sinabi nya
Namalayan ko na nasa mall na pala kami
"Nandito na tayo." sabi ko at lumabas ng sasakyan
Pumunta kami sa bilihan ng skateboards at pumili na ako
Ang pinili ko ay nickel board din katulad ni Francis
Pagkabili namin ng skateboard ay nag cruising kami.
Habang nag seskateboard ako hindi ko namalayan na may bato pala sa daan ko.
"Ahhhhh!!!"
"Ella!"
"Aray!" sabi ko
Nagkasugat ako sa tuhod ko.
Nagsimula na akong umiyak
"Ella, ok ka lang ba?!"
"Ang sakit ng tuhod ko."
Tinulungan nya akong tumayo
"Ah-h."
"Masakit bang maglakad?"
Tumango ako
Nagulat ako sa ginawa nya.
Binuhat nya ako, bridal style.
"Anong-
"Shhhhh"
Naglakad sya at pumunta sa isang park bench. Pinaupo nya ako, tumakbo sya sa isang maliit na tindahan.
Pag balik nya may dala syang bandage at bulak
Ginamot nya ang sugat ko
"Ginayuma mo rin yata ako, Francis."
"Ha?"
"Inlove na rin yata ako sayo."
"Ha?"
Sinampal ko sya at mahina
"Bahala ka."
"Mahal kita Ella! Mahal na mahal! Sana bigyan mo ako ng chance na ipakita yun sayo. Kahit mahirap lang ako may kaya akong gawin para sayo. Promise ko yan."
"You don't need to make promises to me Francis."
"I love you Ella, I will do everything for you."
"Francis, I don't need everything. All I need is you. I love you too Francis."
*THE END*
"Salamat sa pagbasa ng story ko. Cool lang sya, yun kasi yung gusto ko eh. Si love hater na! Abangan kung paano mapapalambot ng isang babae ang puso ni Nash." Francis
Lesson: Be yourself you dont need to change for anyone. They should love you for who you are, at tsaka they fell for you because you were being you.
"My one and only advice is ang tunay na gwapo hindi manloloko. Katulad namin, we would never cheat on our lovely ladies." Francis

BINABASA MO ANG
S.A.M.A. (PauLiyah, JaiLene, FrancElla, MikAsh)
Short Story4 boys. 4 personalities. 4 love stories. 1 friendship.