Ella's POV
Malelate kasi si Manong sa pag sundo sakin kaya naghihintay ako ngayon. Kasama ang S.A.M.A!
Bakit?
Ewan ko din eh
"Guys uwi na ko, baka hinahanap nako samin eh." sabi ni Mika
"Best, you can't go alone. Madilim na." sabi ni Aaliyah
"Oo nga! Nash samahan mo naman si Mika." sabi ni Paul
Umirap naman si Nash
"Tara!"
Buti pa sila may moment
"AP, tara na." Paul
"Wait lang, tatapusin ko lang tong homework ko." sigaw naman ni Ally
"Gusto mo ng tulong?" tanong ko
"Ay naku wag na Ella. Salamat na lang."
"Sure ka?"
Ngumiti lang sya sakin
I feel so left out
"Ah guys una na kami ah. Pinapauna na kasi ako ni Ate. Alam mo na buhay bunso." sabi ni Jai
Tumawa na lang kami at tumango
So ayun umalis na sila ni Shar
"Oh AP, tara na tapos na ako." sabi ni Ally
"Ikaw Francis hindi ka sasabay?" tanong ni Paul
Tiningnan nya ako
"Hihintayin ko na lang na mapickup si Ella."
"Hindi, ok lang. Kaya ko naman ang sarili ko."
"No, babae ka. Tsaka dala ko naman ang skateboard ko." sabi nya
#skaterboy
"Ok, kayong bahala. Mag ingat kayo." sabi ni Ally
Ang awkard namin
Walang nagsasalita
"Marunong kang mag skateboard?" sabi ko
"Yup."
Ano yun?! Ang tipid naman nyang magsalita
"I've always wanted to learn. Pero sabi ng daddy ko pang lalaki lang daw yun."
"Actually, I find it attractive when a girl can skateboard."
Sayang!
"Oh."
"Pero ok lang din kung hindi kasi pwede ko syang turuan, diba?"
Ngumiti na lang ako
"At mas masaya naman yun eh."
Natahimik ulit kami
"Ella bakit nga pala ganyan ang suot mo?" biglang tanong nya
"Bakit mo natanong?"
"Kasi iba sya eh."
"Hindi ko alam, akala ko kasi mas mapapansin ako ng mga tao pag ganito ang sinusuot ko."
Tumango lang sya
Maya maya dumating na si Manong
"Ayan na pala sundo ko. Sige una na ako."
BINABASA MO ANG
S.A.M.A. (PauLiyah, JaiLene, FrancElla, MikAsh)
Conto4 boys. 4 personalities. 4 love stories. 1 friendship.