Feeling ko sobrang pula ko na.
Si Francis sobrang... sweet
"Dahan dahan lang Ella, baka masaktan ka."
Super caring pa
"Wag na lang kaya. Natatakot ako eh." sabi ko
"Nandito ako. Aalalayan kita, trust me."
Nilagay ko ang isang kong paa sa skateboard nya. Well penny board sya. Yung malaki ng konti, uhmmm nickel board yata. Isearch nyo na lang kung hindi nyo alam.
Inilahad nya ang kamay nya sakin, kinuha ko ito. Tapos hinawakan nya ang bewang ko.
"Ngayon, ang gagawin mo-
"Ipupush ko yung skateboard ng tatlong beses tapos isasakay ko yung isa kong paa."
"Eh alam mo pala eh.""Oo naman! Nag research kasi ako kahapon para at least may alam ako. At hindi ako mapahiya sayo." sabi ko
"Ano ka ba Ella, kaya nga ako nandito para turuan ka eh."
Nung una lagi akong natutumba kaya lagi nya akong sinasambot pero after awhile na gets ko na. Ngayon medyo marunong na ako. Ang saya pala, cruising.
"Francis, nandyan na pala yung sundo ko. Salamat for today. Ang saya."
"Ella, baka gusto mong samahan kita."
"Ha? Saan?"
"Sa mall para makakuha ka ng skateboard."
"Are you asking me out?"
"Parang ganun na nga."
Ngumiti naman ako
"I'll think about it."
Syempre pakipot ako. I don't want him to think I'm desperate.
"Gabriela, bakit ngayon ka lang?"
"Dad! Bakit po kayo nandito?!"
"This is my house. Now, answer my question."
"I had a meeting for the Prom committee and I had a skating session with Francis."
"Who's this Francis?"
"He's one of my school mates."
"Not your boyfriend?"
"I wish, but nope. Alam nyo naman na walang papatol sakin."
"Gab! I never want to hear you say that again. Got it?!"
"Yes, dad."
"Good, at sana naman maging inspiration mo yang Francis na yan. Not distraction ok?"
Tumango na lang ako
"Ah Dad si Mama nga pala?"
Hindi nya ako sinagot at lumakad palayo sakin
"I wish I can say that she's coming home but I would just be lying to you Gab."
"Dad, why don't you make mom an inspiration not a distraction. You're always thinking about her other family. Which you shouldn't, make her your inspiration to get up every morning and start life. Kasi pag lagi kayong ganyan, kayo rin ang masasaktan sa huli." sabi ko
"Gab, sorry kung hindi ako malakas katulad mo. Pero kayo ang iniisip ko ni Bugoy. Ayaw ko na lumaki kayong wala Mama."
"Dad, wala na naman kaming Mama eh. Me and Bugoy excepted the fact na hindi na babalik ang dati nating pamilya. At naging ok naman kami eh. Dad just learn to move on. Hindi na babalik si Mama. Kaya naman natin na wala sya eh. Just me, you and Bugoy."
BINABASA MO ANG
S.A.M.A. (PauLiyah, JaiLene, FrancElla, MikAsh)
Short Story4 boys. 4 personalities. 4 love stories. 1 friendship.