CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY

1.1K 26 0
                                    

Jessaiah's PoV

Im back.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa lupa nakaramdam agad ako ng init.Siyempre malamig galing sa pinaggalingan ko.

Hila hila ko ang maleta ko palabas ng airport.Wala akong sinabihan ni isa sa mga kaibigan o sa kahit kanino na nandito na ako.It's a surprise.

Sa pagkakaalam ko nakila Rhiann at Hans sila ngayon dahil may gathering sila.

Nakasakay na ako ng taxi ngayon at pauwi na.I'll just drop by para ayusin ang gamit ko and after it pupunta na ako kina Hans.

Wohh!Kinakabahan ako.

On the way na ako sa Bahay nila Hans and my heart is still beating so fast.Gosh!Kinakabahan talaga ako jusmiyo!

Huminto ako malayo layo sa bahay nila dahil pag sa tapat ng bahay nila ako huminto makikita agad nila ako at malalaman agad nilang ako yun dahil sa kotse ko.

Tinanaw ko sila at nakita kong nakaupo lang sila sa isang malaking pa round table.Nakita ko naman siya na busy sa phone niya.Bumilis agad ang tibok ng puso ko.Until now siya parin pala talaga.Nakita ko naman si Caroline na kinalabit siya kaya umiwas na ako ng tingin at nagpakita na sakanila.

"Hi Guys!"sabay sabay silang napatingin sakin at lahat sila nagulat.

"Jessaiah ikaw ba yan?"kumunot ang noo ko sa mga reaksyon nila.

"Oo"

"Kyahhh!Ang ganda mooo!"sigaw ni Rhiann at yumakap agad sakin.

Isa isa silang lumapit sakin at niyakap ako pero nagtaka ako ng hindi man lang lumalapit si Faye sakin.

"Bestfriend!"isa pa to eh.I missed him so much.

"Hans!"tsaka ko siya niyakap.Tumangkad na si Hans ngayon noon ka height ko lang siya ngayon mas matangkad na siya sakin.Wala naman silang masyadong pinagbago.Ganun parin naman sila.

"Hi"biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko siya.

"Hello"sagot ko na parang wala lang.Nginitian ko siya.Nagiging uncomfortable na ako dito kasi titig na titig sila sakin.Ganun ba talaga ang pinagbago ko?Well,For me wala naman akong pinagbago.Ganun parin naman.

"Guys.Bat ba ganyan kayo makatingin?"natatawang tanong ko sakanila.

"Your beautiful"-Joshua.

"Ano ba naman kayo matagal naman na yang maganda!HAHAHA"-Stephanny.

"Hindi eh.Mas lalo siyang gumanda ngayon tsaka ang balat mo Bee!Sobrang kinis!"sabi pa ni Rhiann na sinusuri pa ang balat ko.

"Haha"

"Uy Faye lika dito!"sigaw sakanya ni Rhiann.

"Tsk."Galit ba siya?.

Kumain na kaming lahat at siyempre hindi mawawala ang mga kuwentuhan.

"Sa pool tayo guys!"sigawan nila.Para tuloy kaming bumalik sa dati.Na sobrang saya pa namin.

"Let's gooo!"

Hindi pa ako tumayo dahil hindi padin tumatayo si Faye.Kailangan ko siyang makausap.

"B --Bess?"hindi siya kumibo.Galit talaga siya.

"Bess may problema ka ba?H --Hindi mo ba ako namiss?"tanong ko.

"Huy"sabay tayo ko at tumabi sakanya.Kaharap ko kasi siya kanina  kaya kinailangan ko pang tumayo at lumipat sa kabila.

"Bess naman"naglalambing ang tono ng boses ko.

"Hindi mo naman ako namiss eh"paglalambing ko.

"Lukaret!Namiss kita!"tsaka niya ako binatukan.

"Aray naman!"

"Wala ka na kasing sakit eh!"

"So ganun?Sasaktan mo na ako ngayon?"

"O.A neto!"

"Ikaw ang O.A!Bat ba hindi ka namamansin ha?Kanina mo pa ako hindi kinikibo"sabi ko at sinandal ang siko ko sa lamesa.

"Nagtatampo lang ako"ayy ang bestfriend ko nagtatampo.Yiiieee.

"Bakit?"

"Eh ikaw kaya..Hindi kinakausap ng bestfriend mo ng dalawang taon.Tsaka wala din akong balita tungkol sayo.Palagi nalang secretary mo ang sumasagot sa mga tawag.."sabi niya.Ah yun pala...

"Bess mage-explaine ako.Expected ko naman talaga na ganito ang magiging reaksyon niyo.Kasi alam kong may kasalanan ako sa inyo.Oo matagal ko kayong hindi nakausap kasi after kong magpagaling ay agad kong binaling ang sarili ko sa pagtatrabaho.."sabi ko.Well that is true.Pagkatapos kong ma-operahan and after a month in a comatose ay agad akong nagtrabaho..Gusto ko na kasing baguhin ang buhay ko.

"O sige tama na ang explanation mo...Ang importante nandito ka na.So are you back for good?"tanong niya na ikinalungkot ko.Yun na nga eh gusto kong dito na tumira eh ang kaso ayaw ko namang iwanan at pabayaan nalang ang trabaho ko sa Australia.Baka sila Kuya dito na titira..

"Uhmm no..Actually I have 2 months leave and siguro after ng wedding nila Kuya sa May ay babalik narin siguro ako...Iniwan ko lang kasi ang companya kay Seb"napatango tango naman siya.

"Kailan ang balik mo?"tanong niya.

"Hindi ko pa nasisiguro..B --Bess"matagal ko na tong gustong sabihin sa kanya kaya nagbabakasakali ako kung ito ba ang tamang oras at panahon para sabihin na sakan---

"Tara na guys!"napatingin ako kay Hans.Ah yea!

"May sasabihin ka Bess?"tanong niya.

"Ah wala yun"sagot ko at tumayo na.Sabay naman kaming pumunta sa pool area ni Faye.Nakita ko sina Clark at Carolins sa bar counter malapit sa pool.Sina Rhiann at Ate Jewel naman ay nakaupo lang habang nagkuwekuwentuhan.Habang si Faye,Hans,Joshua,Kuya Jaspher,Steph at Patrick ay nakababad na sa tubig.

Sa gilid ng mata ko nakita ko pa kung pano tumayo si Caroline at naglakad kung saan.

"Huhuhu Mommmiii!"napatingin ako sa batang umiiyak.Agad siyang nilapitan ni Caroline at pinatahan sa pag-iyak.

"Baby?Bakit ka umiiyak?"

"Huhuhu"

"Stop crying baby shh.."Umiwas ako ng tingin.That must be their child.

"A -- ah bess punta tayo sa banda ron"sabay turo ko sa mga upoan na malayo layo sa pool at marami ding mga kahoy..Malaki laki kasi ang bahay nina Hans at Rhiann at masyadong wide open.

"Okay ka lang bess?"tanong ni Faye ng makaupo na kami.Hindi ko alam pero parang kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.Bigla akong tumamlay at nawalan ng gana..Hmp.I probably know the reason.It's because of that child.Uhm hondi naman sa galit ako sa bata pero masaya ako.Masaya ako para sakanilang dalawa.Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan.Siyempre may feelings padin ako sakanya.Pero siyempre kailangan ko ng kalimutan yun.May pamilya na yung tao.Mahirap man pero kailangan kong gawin.

"Okay lang ako.."

"Talaga?Bat parang namumutla ka?"tanong niya at hinawakan ang noo ko."hindi ka naman mainit"

"Pagod lang siguro to.Kakagaling ko lang kasi sa airport at agad na akong dumiretso dito.."palusot ko."Uhmm ilang taon na ba ang anak ni Caroline at Clark?"

"Anak?Pft.Wala silang anak"nagugulohan ako sa sinasabi ni Faye.

"Eh sino yang batang y--"tuturoin ko na sana si Caroline pero wala na siya.Nakita ko naman ang bata na nakaupo sa hita ni Rhiann.Gosh!Bakit parang ang saya saya ko pa?

"You mean Sean?Hahaha anak yan ni Ate pamangkin ko.Inaanak mo.Madami ka ng namiss na pasalubong dyan..HAHAHA"Ohmy!

THANK YOU GUYSSS!!!!!GOD BLESS US ALL!!!♥♥

PLSSSSSSS DONT FORGET TO VOTE , COMMENT AND FOLLOW ME GUYSSS....!THANKS A LOT!♥♥

-Sam♥♥

Goodgirls Fell inlove with a Badboys ✔(Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon