CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT

1.1K 23 0
                                    

Jessaiah's PoV

"Ayos naman na Make-up ko?"tanong ni Abby sakin pagkatapos siyang make-upan ng makeup artist.Nagre-ready na kami for Faye and Joshua's Wedding.

"Jess!Okay na ba?"tanong ni Steph at umikot pa.

"Oo..Tsaka bakit ako ang tinatanong niya ha?"natatawang tanong ko.

"Fashionista ka eh."

"Echus!"tumawa pa ako saka umupo at humarap na sa salamin.Ako na ang aayusan.

"Asan na yung sandals na nilagay ko lang dito?!"

"Yung suit ko!"

"Asan na ba yung --"

Ang iingay naman ng mga ito.Masyadong excited eh.Haha!

After 30 minutes tapos na akong ayusan at pumunta na ako sa guest room para makapagbihis na ng gown ko na light pink na tube.May scarf pa na ilalagay sa balikat.May boquet din ako ng red roses.White roses naman kay Faye.

Lumabas na ako ng kwarto at agad naman akong nilapitan ni Abby she looks beautiful.Ang ganda niya sa gown niya.

"Ang ganda mooo!"tili niya kaya napatingin din sa akin ang iba.

"Jess ang ganda mo naman!"sabi naman ni Rhiann.

"Thank you!Ang ganda niyo din."

"Guys!Tara na daw sa church!"sabi ni Patrick.

"Bess?Sino partner mo?"tanong ni Steph.

"Si Clark daw eh."

"Oh.."

Naglakad na ako papasok sa van at nakita ko pang balisa si Abby.

"May problema ba?"tanong ko.

"Eh kasi..Patrner ko si Sebastian."

"Hindi naman yun magtatagal eh..Ang bilis lang nun eh"sabi ko.

"Pero.."

"Okay lang yan."

Pagdating namin ng simbahan ay nag-settle na agad kami.Ang cu-cute ng mga flower girls,mga pinsan ni Joshua.

Ng tumunog na ang music ay nagsimula na kaming maglakad kasama ang mga partners namin.Tahimik lang kami ni Clark habang naglalakad at lahat ng tao nakatingin sa amin kaya kinabahan ako.

"Nanginginig ka."usal niya.

"Kinakabahan lang ako."sabi ko at naghiwalay na kami.Dumiretso na ako sa left side at siya naman sa right side.

"Nag-usap kayo?"at umandar na naman ang pagiging tsismosa ni Abby.

"Tumahimik ka na..Magsisimula na."

Bumukas na ang napakalaking pinto ng Simbahan at tumambad sa amin si Faye sakanyang off-shoulder na dress na napakabongga ang ganda niya grabe.

Nagsimula na ang ceremonya at halos lahat kami umiiyak.Ako naman ay naluluhang tinitignan sila.Si Faye ay walang tigil din sa pag-iyak niya.

Noong mga highschool pa kami ay palagi kaming nagkukuwentuhan tungkol sa lovelife niya dahil nung mga panahon na yun ay mag-boyfriend na sila ni Joshua.Sa aming limang magbabarkada ay siya ang pinaka-unang nagka-boyfriend.Gusto niya daw na first and last niya na si Joshua na nangyari naman.Lahat ginawa niya para maging perfect girlfriend at sinabi niya sakin na kapag kinasal na siya ay kailangang nandun ako.This must be the happiest day of her life.

"Gusto ko nandun ka.Alam mo namang napaka-importante mo para sakin eh.."

"Kapag ikinasal ako gusto ko maging pefect ang lahat.Wala mang perfect relationship pero gusto ko samin magkakaroon ng perfect..Gagawin ko lahat."

And now it is happening.She's planning to start the rest of her life with him.Whatever it is,I will support her.

Kinuha ni Joshua ang kamay ni Faye at nilagay doon ang singsing.

"I,Joshua Mendoza take you Faye Marie Chua,to be my wife.I promise to be true to you in good times and in bad,in sickness and in health.Till death do us apart.I will love and honor you for the rest of my life.I love you"umiiyak na sabi ni Joshua.Pinunasan ko naman ang luha na lumandas sa mata ko.Now it is Faye's turn.

"I,Faye Marie Chua take you,Joshua Mendoza to be my husband.I promise to be true to you in goodtimes and in bad,in sickness and in health,till death do us apart.I will love and honor you all the days of my life,I'll love you even in after life.I love you so much."Im happy for her.Im really really happy for my bestfriend.

"By the power vested in me,I may now pronounce you husband and wife."sabi ng pari at nagpalakpakan naman kaming lahat."You may now kiss your bride "

Hinalikan ni Joshua si Faye sa lips at lahat kami tinukso sila.

"Ayiieeee!"

"Congratulations!"

"Oh tara!Reception na tayo!"

Sumama ako kay Steph at Patrick dahil ayaw ko ng maiwan dito ulit.

Pagdating namin ng reception ay sobrang lakas ng tugtog ng music.Teka parang nangyari na to.Hahah!Nung kasal nina Kuya at Ate Jewel.

"Salubongin natin ang bagong kasal!"sigaw ng emcee at nagpalakpakan naman kaming lahat.Nakikita ko pa ang iilang kakilala ko noong highschool.Halos lahat ata ng ka-batchmate ni Faye andito kaya sobrang dmaing tao at mga kaibigan pa ng pamilya nila.Sobrang engrande kasi ng kasal.Sobra.

"Yuhooo!"

"Congratsss!"

Nagsimula ng kumain ang lahat kaya kumain nadin ako.Sobrang gutom ko na din kasi.Hahaha!

"Si Faye?Siya iyong tipong kapag nagagalit ay natitiis niya talagang hindi ka kausapin ng ilang mga araw,ilang linggo..Malakas siya pero kalaunan ay mapapatawad ka din naman niya.Kahit anong gawin niyang pag-iwas sayo ay mararamdaman mo pa din na sobrang mahal ka niya...Bata pa lang iyan ay tumatakbo takbo pa yan ng naka diapper lang tsaka sinisipon pa.Ngayon?Sobrang laki na at kasal ka na anak...Congratulations sa inyong dalawa.Ikaw Joshua pag sinaktan mo ang anak ko babawiin ko siya sayo.Tandaan mo yan."umiiyak na sabi ni Tita.Natawa naman kami sa sinabi niya pati si Faye ay umiiyak na din na parang nahihiya pa sa sinabi ng mommy niya Hahaha!

"Congratulationssss!"

"Mabuhay ang bagong kasallll!"

THANK YOU GUYSSS!!!!!GOD BLESS US ALL!!!♥♥

PLSSSSSSS DONT FORGET TO VOTE , COMMENT AND FOLLOW ME GUYSSS....!THANKS A LOT!♥♥

-Sam♥♥

Goodgirls Fell inlove with a Badboys ✔(Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon