Mirette's POV
Habang nagmamaneho ako, hindi mapakali ang mga mata ko. Bawat sulok ng aking madadaanan ay sinisilip ko baka sakaling makita ko si Lucian dito, hinding hindi ako papayag mawala ang isang taong importante sa buhay ko, hindi ako papayag na maunahan ako ng babaeng nakapula.
Ako: hindi maniniwala si Lucian, dahil wala namang pangalan ang e-mail na sinend sa kaniya.
''Nagkakamali ka, tignan mo ang iyong cellphone.''
Sabi sa akin ni Airi, kinuha ko ang aking cellphone at nagulat ako sa aking nakita, nakalagay sa aking e-mail na may sinend akong mensahe kanina na ang nakasulat ay..
From: mirette14
To: lucian04
''Kita tayo sa park, may sasabihin ako sayo, Happy Monthsary.:-)
Ako: papaanong..?
''Habang tulog ka, minamanipula na ng masamang Airi ang gamit mo.''
Nang mafinig ko iyon, hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, agad na akong humarurot papunta sa park, kahit sinuway ko na ang batas trapiko, ayokong mawala siya, ayokong mawala si Lucian.
Lucian's POV
Isinuot ko na ang aking tuxedo para sa aming date ni Mirette, gusto ko ring makamove on sa mga pangyayari at dapat ko nang makalimutan ang mga karumal dumal na sinapit nina Vanessa at Ferl.
Nagtungo na ako sa park na aming napagusapan at ilang minuto akong naghintay.
Ako: excited na ako pagdating nya.
''Ako rin.''
Lumingon ako sa likuran kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Mirette na nakasuot ng pulang night gown, ano naman kaya ang trip nitong babaeng ito at ito ang naisipan niyang isuot.?
Ako: ganyan talaga suot mo?
''Oo, para sa date natin.''
Ako: hahaha, ayos ka lang?
''Oo, ayos lang ako, ikaw?, buti naman at humihinga ka pa.''
Bakit parang may mali kay Mirette, hindi naman ito nagsusuot ng mga night gown, ang gulo gulo din ng buhok niya at ang dungis niya, napansin ko ring nakapaa lang ito.
Ako: sigurado ka ayos ka lang?
''May sorpresa akong inihandog sayo, punta tayo sa rooftop ng building na iyon, nandoon ang sorpresa ko sayo.''
Ako: sige.
Hinatak niya ang aking kamay na napaka higpit, parang may kakaiba talaga kay Mirette ngayon, umakyat kami sa hagdanan, napansin ko na abandonadong gusali ito, ang dilim ng aming dinadaanan at maya maya'y nakarating na kami sa rooftop.
Ako: Rette, anong sasabihin mo sa akin?
''May salamin na nakatayo sa likod mo, maari mo iyong lingonin ngayon din.''
Sinunod ko ang kaniyang sinabi, maynsalamin sa aking likuran, nang makita ko iyon, nagulat ako dahil ang babae sa aking likod ay hindi si Mirette.
Mirette's POV
Ako: Lucian!
Wala siya dito sa park, nababaliw na yata ako kakasigaw sa pangalan niya. Kailangan ko na siyang mahanap.
''Nasa isang gusali siya, isang abandonadong gusali.''
Nilingon ko ang paligid at may nakita akong isang gusali, nasunog yata ito kaya abandonado.
Tumakbo ako papunta rito at inakyat ang pinakatuktok, nakita ko ang pintuan papuntang rooftop, pinilit ko iyptong buksan ngunit nakalock ito.
Nakikita ko ang babaeng nakapula, nakatingin sa kawalan si Lucian at mukhang itutulak niya ito.
Ako: huwag!
Lumingon sa akin ang babae, nakangiti ito sa akin at nagsalita.
''Paalam na raw sabi niya.''
Akmang itutulak na niya si Lucian nang biglang nagsalita siya.
Lucian: hindi ito totoo!
Lumalaban si Lucian sa pagkakatulak sa kaniya, habang ang mukha ng babang nakapula ay unti unting nagbabago, kahawig na siya ng demonyo.
''Mirette, nakikita mo ba ako sa repleksyon ng salamin sa harap mo?''
Nakita ko ang sarili ko sa salamin, nakita kong katabi ko si Airi.
Ako: oo.
''Ito ang gagawin natin, nasa loob ako ng pagkatao mo, ilapit mo ang iyong kamay sa salamin at tatagos iyan.''
Nilapit ko ang aking kamay at tama nga siya, tumagos ang aking kamay, kaya kinapa ko ang doorknob at pinihit iyon na kaagad namang bumukas.
Sinabi narin sa akin ni Airi ang kailangan kong gawin.
Nang natungtung na ako sa roftop ay patakbo kong sinugod ang babae at niyakap ko ito ng mahigpit.
Ako: it's over.
''Pumikit ka, Mirette.''
Airi's POV
Ako: hindi ka nagtagumpay sa mga pinaplano mo.
''Hindi pwede?''
Ako: tanggapin mo na ang masakit na katotohanan.
Hindi na ako nagalinlangan pa at pinilit ko siyang higupin at mapabalik sa akin, pilit siyang nagpupumiglas at hindi naman siya nakawala, sigaw sa buong paligid ang aking narinig at nakikita ako ni Mirette at Lucian.
Ako: umalis na kayo dito, habang may oras pa.
Mirette: paano ikaw?
Nakikita kong umiiyak na pala siya.
Ako: walang iiyak, natapos ko na ang layunin sa mundong ito at kailangan ko nang umusad.
Mirette: hindi kita makakalimutan.
Ako: Ako rin, paalam.
Ngiti niya ang aking huling nakita, at umalis na silang dalawa ni Lucian sa gusali.
Mirette's POV
Nasa baba na kami ng gusali at nasaksihan namin ang bawat pagbasag ng mga bintana at mga salamin nito, at biglang nanahimik ang paligid.
BINABASA MO ANG
E-mail (Short Story - UNDER REVISION)
HorrorMasaya ang buhay ni Mirette, halos lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa kaniya. Mapagmahal na pamilya, mapagmahal na kasintahan at mga kaibigan. Pero nagbago ang lahat ng iyon sa isang e-mail na kaniyang natanggap kinagabihan ng kaniyang ika-18 k...