Extra Chapter: Car Crash

45 1 0
                                    

-Mirette-

Limang taon ang nakalipas.

Pauwi na ako galing sa aking pinagtatrabahuang kumpanya, medyo tahimik narin ang daan patungong parking lot. Natatanaw ko na ang guard house kung saan nagbabantay ang kaisa isang guwardiya na kung saan ay doon na rin natutulog, si Kuya Vicente.

"Ms. Mirette mukhang late na ang uwi natin ah? sasakyan mo nalang ang nag iisang nakapark doon oh." sabay turo ni Kuya Vicente sa gawing dulo ng parking lot, tama siya. Isa nalang ng sasakyan ko doon.

"Na extend po kasi eh, pero okay narin po." sabi ko at nagpaalam na sa kaniya.

Tahimik akong naglakad, sobrang tahimik ng daan. Wala na talagang tao ng ganitong oras; 3:00 AM.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay parang may narinig akong ingay.

"Pst." isang sipol.

Napahinto ako at luminga linga sa paligid, ngunit wala naman akong nakita.

"Pst." isa muling sipol ang aking narinig.

Napabilis na ang aking paglalakad at malapit na akong mapatakbo, sa wakas naman ay malapit na ako sa aking kotse. Pinaandar ko agad iyon at umalis sa lugar na iyon.

Sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho ay tumawag ang asawa kong si Lucian kaya sinagot ko ito nang naka loud speaker.

"Hon? saan ka na banda?" tanong ni Lucian.

"On my way na." sagot ko naman sa kaniya.

"Sige mag iingat ka diyan ha? I-----" biglang naputol ang tawag ni Lucian at ang lumabas sa signal ng aking phone ay "No Service".

Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagpatuloy sa pagmamaneho, napakatahimik rin ng daan kaya pinaandar ko ang radyo. Nakinig ako ng magandang tugtog.

Napapansin ko rin na kusang lumilipat sa ibang station ang radyo at nag iiba ang mga numero ng monitor nito.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko sa isipan ko.

Biglang tumunog ang radyo at isang babae ang nagsalita, nalipat ito sa balita.

"Isang babae ang naaksidente mula sa kaniyang minamanehong sasakyan.  Ayon sa biktima, may iniwasan siyang isang bagay sa daan dahilan ng kaniyang aksidente. Narito kasama ko ngayon ang biktima na si Mirette---" nang marinig ko ang pangalan ko ay agad itong namatay. Kaba ang pumasok sa katawan ko.

"Imposible iyon." sabi ko sa sarili ko.

Binilisan ko na ang pagmamaneho, gusto ko nang makauwi at makaalis dito.

Maya maya'y tumunog ang aking cellphone, si Lucian at may signal na ulit kaya sinagot ko ito.

"Hello? Lucian! Lucian!" sabi ko ngunit wala akong narinig mula kay Lucian.

Static sound ang lumalabas sa phone at biglang tumahimik. Isang paghinga ang aking narinig, naghihingalong hinga.

"Walong araw." bulong ng boses at hindi si Lucian iyon.

Nag init ang aking phone kaya't nabitawan ko iyon at napansin kong nadrain ang battery nito. Napansin ko rin na may malaking hiwa ang aking palad.

Patuloy ang aking maneho kahit dumudugo na ang aking kanang kamay.

"Ano na bang nangyayari?!" sigaw ko sa aking isip.

"Pst." Napalingon ako sa backseat ngunit wala namang tao.

Ngunit paglingon ko, isang babae ang nasa daan kaya napaiwas ako, tumama ang sasakyan ko sa bakod ng daan at naramdaman ko ang pakiramdam ng pagkahulog. Nang bumagsak ito, tumilapon ako sa labas at puro sugat ang aking katawan.

Sa aking nanghihinang paningin, nakita ko ang isang imahe, dalawa ito at pagkatapos non ay nawalan na ako ng malay.

"NEWS FLASH: isang babae ang naaksidente matapos mahulog sa bangin ang kaniyang sinasakyang kotse. Napagalaman namin na ang pangalan ng biktima ay si Mirette."

-Fin-

E-mail (Short Story - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon