NASA LANGIT NA ba ako?
Iyon ang naitanong ko sa aking sarili sa pagkaaninag ng liwanag sa nakapikit ko pa ring mga mata. Pero kung langit ito, bakit hindi pantay at matigas ang hinihigaan ko. May mga naririnig din akong huni ng mga ibon at agos ng tubig. Nasa paraiso ba ako? Dito ba napupunta ang mga tao initially after death?
Bigla akong nagmulat nang maramdaman ang pagsaboy ng medyo malamig na tubig sa aking mukha na nagpasinghap din sa akin.
“Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa tabi ng ilog?” tinig ng isang lalaki hawak ang kalahating bao ng niyog na ginamit sa pansalok ng tubig na ibinuhos sa aking mukha. Dark handsome. Iyon ang akmang description niya. Expressive eyes, pointed nose, thin lips at ang buhok ay bagsak na maitim at hanggang balikat. Wala itong suot na tshirt kaya kita agad ang sculpted chest, flat at lean ang six-pack abs at maskulado ang mga braso at hita. Imbes na shorts at brief, ang suot nito’y parang batang nakalampin na tinakpan ng maiksing parihabang tela sa harap at sa likod.
Umupo muna ako mula sa pagkakahiga, ini-expect na makikita ko ang apartment sa aking likuran. Ang nakakapagtaka, wala ang bahay ko, wala din ang gate pati na ang aking naka-landscape na garden.
Tama si Kuyang Pogi sa tanong niya, dahil nasa tabing ilog nga ako at nakahiga kanina sa mga bato at puro mga punongkahoy at mga bulaklak ang nasa paligid. Malamang kagabing tamaan ng kidlat ang botelya ng lason ay nakatulog ako at hanggang ngayon nananaginip pa rin ako.
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata pero wala pa ring pagbabago. Pero kagaya kagabi wala rin akong suot na t-shirt, naka-maong pants pa rin na dark blue na stone washed. Tama, isa lang itong panaginip!
Pero kung isa naman itong panaginip parang ayoko munang magising para harapin ang buhay na gusto kong takasan.
“Ako si Zaldy,” pakilala ko sa kaniya sabay abot ng kanang kamay. “Ka-birthday ko si Jose Rizal kaya sa kaniya ibinase ang pangalan ko. Ikaw ba si Tarzan?” nagbibirong tanong ko nang mangawit na ang kamay kong hindi pa rin niya inaabot kaya muli ko ng binawi. Naka-bahag kasi siya at hindi gomang tsinelas ang suot kundi bakyang kahoy na walang takong.
Parang out of this world naman ang reaksiyon niya. “Hindi ko kilala ang iyong mga binabanggit. Ngayon lang kita nakita dito. Sa hitsura mo ay mukha kang isang Maharlika pero kakaiba ang iyong damit at ngayon lang ako nakakita ng katulad niyan. Sigurado naman akong hindi ka isang alipin sagigilid o isang namamahay. Kung isa kang timawa kagaya ko at mga magulang ko, dapat ay kilala rin kita. Maliban na lang kung galing ka sa ibang barangay na pinamumunuan ng ibang Datu at inianod ka lang ng ilog dito.”
Hallerrrr! Adik ba ito? Ano kayang nahithit niya? Kakaibang trip. At ang mga words at terms na binabanggit niya, OMG!, pang 16th Century sa kasaysayan ng Pilipinas!
To review, ayon sa itinuturo kong History subject sa eskwelahan, ang mga Maharlika ay iyong mga noblemen, ang timawa naman ay freemen at iyong dalawang uri ng slaves ay tinatawag na alipin namamahay o serfs at alipin sagigilid o slaves. Pinakamataas naman sa Barangay ay ang Datu.
Kaloka ang lalaking ito. Sabagay, I’m only dreaming kaya kailangang ma-keri ko ito.
“Ako si Zaldy, ikaw anong pangalan mo?”
Nalilito pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Pati ang pangalan mo ay naiiba. Ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang pangalan, kahit nga ang mga mangangalakal na mula sa malayo ay hindi ganyan ang pangalan nila.” Nanahimik siya saglit. “Ang pangalan ko ay Bakal.”
Hahaha! Siya si Bakal, patawa talaga itong Mamang ito. Sabagay panaginip lang ito, wala akong karapatang mamili. Wait na lang ako sa aking paggising at habang nandito ako, sakyan ko na lang ang trip ni Bakal. Dapat pala sinabi ko na lang na ako si Bulaklak. Ahihihi.
“O sige,” pagkuwa’y sabi ko. “Huwag ng Zaldy, Bulaklak na lang ang itawag mo sa akin.”
Napatawa siya at lumabas ang mga pantay-pantay na mga ngipin. “Iyon ay para sa babae…sige bahala ka.”
Napansin ko naman ang bahagyang takot na gumuhit sa kaniyang mukha nang makita ang suot kong kwintas. “Saan mo nakuha ang kwintas na iyan?”
Nagtaka naman ako. “Binili ko ito sa isang matandang lalaki. Pagkain ang ibinayad ko.”
“Iyan ang imahe ng Anitong Manlalakbay.”
Gusto ko ng humagalpak ng tawa. Anitong Manlalakbay daw o! Whatever!
Iniabot ni Bakal ang kaniyang kamay para tulungan akong tumayo. Napatingin ako sa harap ng bahag niya at medyo pinamulahan ang aking pisngi nang maisip ang natatakpan ng bahag na prominente ang pagkakaumbok. Napangiti siya nang mapansin ang pagkatutok ng aking mga mata sa bahaging iyon ng kaniyang nakakaakit na katawan. Inalalayan niya ako sa pagtayo, ramdam ko pa rin ang pananakit ng aking likod at ibang bahagi ng katawan.
“Kailangan na nating umalis, hindi ka kabilang sa nasasakupan ng barangay namin. Kailangan ka munang magtago dahil baka makita ka ng ibang maharlika na nasa pamamahala ng Datu ay gawin kang bihag.”
Kahit papaano’y nagdulot din naman ng pag-aalala ang sinabi ni Bakal sa akin. Pakiramdam ko tuloy hindi na ito isang panaginip. “Ano bang ginagawa sa mga bihag?” tanong ko kahit alam ko na iyon kung ibabase sa itinuturo ko.
“Ginagawang alipin sagigilid.”
Magaan ang loob ko sa kaniya at mukhang the feeling is mutual. Sinundan ko siya sa paglakad palayo ng ilog papasok sa gubat na bahagyang nasisilayan ng liwanag ng araw dahil sa malalaking puno. Tahimik ang paligid maliban sa huni ng mga ibon, iyak ng mga insekto at ang kuskos ng mga nahulog na dahon na aming natatapakan.
Pasan ni Bakal sa kanang balikat ang isang tapayan na gawa sa clay at puno ng tubig. Kita ko ang nakaka-turn on niyang likuran, light caramel na kulay ng balat at ang malapad na balikat na kumipot pababa ng baywang pati matambok na mga pisngi ng kaniyang puwet na natatakpan ng bahag.
Hayyy. Iyon pa lang…ulam na.
Medyo ilang minuto din kaming naglakad hanggang makalabas kami sa gubat at bumungad sa akin ang isang Nipa Hut sa malawak na bukirin. Paglapit namin ay nakita kong hindi naman kalakihan ang kubong gawa sa kawayang dingding at pawid na bubong na nahahati sa dalawa. Sabi ni Bakal nang tanungin ko, ang kalahati daw na tinatawag niyang bulwagan ay siyang nagsisilbing higaan at kainan na rin at ang isa pang kalahati ay batalan.
Sa may labas ng nipa hut ang pinakakusina. Doon sa may lababo na gawa din sa kawayan niya ipinatong ang dalang tapayan. May nakita naman ako doon parang bench na kawayan na siya kong inupuan.
“Inumin mo ito,” sabay abot ng baso na porselana na may Chinese design sa palibot.
Salabat. Iyon ang kaagad na nasabi ko nang maamoy ko ang usok sa baso na amoy dinikdik na luya. “Salamat,” sabi ko saka hinigop ang salabat na nagpainit sa aking nilalamig na tiyan.
Lumangitngit ng bahagya ang upuan nang tumabi siya sa akin. Ramdam ko ang aura ng lalaking ito. Nakakakaba at parang may mga paru-parong winawagayway ang mga pakpak sa loob ng aking tiyan. Iba ang epekto ng nearness niya sa akin. Feeling uneasy ako.
“Saang barangay ka ba kabilang Saldi?” tanong niya.
Napansin ko ang pagbigkas niya ng aking pangalan, parang sa baybayin. Bigla tuloy akong nag-alala na baka hindi ako nananaginip at lahat ng nangyayari ngayon ay totoo. Pero kung ganoon paano ako nakarating dito?
“Bulaklak na lang,” nagbibirong giit ko. Natawa siya pero saglit lang at bumalik doon sa mukhang naghihintay ng sagot sa kaniyang tanong. “Wala akong kinabibilangang barangay. Hindi rin ako alinman sa mga taong binanggit mo. Taga-Manila ako.”
“Saan ang lugar na iyon?”
Bakit ganon? Hindi naman siya mukhang nagbibiro pero imposible naman na hindi niya alam ang Manila at kung nasaan ito sa mapa ng Pilipinas! “Nasa Luzon iyon.”
Napatango-tango si Bakal. “Mukhang sa ibang panahon ka galing.”
Ako naman ang natigagal. “Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi ko alam ang sinasabi mong lugar pati mga pangalan. Pati iyang suot mong pang-ibabang damit ay kakaiba din. Kahit mukha namang tinatanggap mo ang lahat ng nakikita sa paligid pero nakikita pa rin sa iyo ang pagtataka. Saang panahon ka nanggaling?”
“Hindi ba 21st century na tayo ngayon?”
BINABASA MO ANG
Bakal At Bulaklak -Complete
RomantikIto ay Short Story ni joshX na binigyan ako ng permiso to repost