Part 10

8.1K 119 1
                                    

Parehong ritmo kagaya kanina ang ginawa namin. Mula sa banayad ay bumilis ng bumilis hanggang halos tumirik na ang mga mata ko sa sarap ng pagpapala niya. Hinila ko palabas ang aking paghuhumindig nang maramdaman ko na ang paglabas ng katas ng pag-ibig pero mabilis na sinundan ng kaniyang bibig ang aking paggalaw kaya sa loob pa rin niya narating ko ang langit.

At para lubusin ang pagkaka-selyado ng aming pag-ibig, hinawakan ko ang kaniyang sandata gamit ang aking kanang kamay saka ako maingat na dumapa sa sahig. Napapantastikuhan siya sa ikinilos ko pero nawala din nang makuha niya ang ibig kong mangyari nang itutok ko sa aking lagusan ang hawak ko pa ring pumipintig niyang pagkalalaki saka marahan at maingat na tinulungan sa papasok sa loob.

Tiniis ko ang sakit kahit gusto kong pumalahaw sa sobrang laki ng sandata niyang pumupunit sa bawat daanang laman sa unang pasok sa aking lagusan. Nang maisagad niya ang sandata ay pinigilan muna ng isa kong kamay ang kaniyang pang-upo para hindi makagalaw. Huminga muna ako ng malalim saka hinintay na makapag-adjust ako sa nakapasok sa akin. Maya-maya lang binitawan ko na ang kaniyang pang-upo saka ko sinimulang ikiwal-kiwal ang aking pang-upo na nang matutunan niya ay tinugon niya ng malalim pero banayad na mga ulos. Ipinihit ko ang aking mukha para hanapin ang kaniyang bibig. Awtomatiko namang sumalubong siya at naglapat ang aming mga labi. Maya-maya ang banayad na pag-ulos ay bumilis. Habang papainit nang papainit ang aming pakiramdam ay pabilis din ng pabilis ang pagkibot ng aming magkapatong na mga katawan. Palakas din ang aming mga daing at halinghing. Ang aming mga katawan ay tuluyan ng nagningas hanggang sumabog ang mainit niyang likido sa loob ng aking lagusan kasabay na rin ng pagsabog ng likido ko sa sahig at kapwa namin narating ang langit.

 PARANG MAG-ASAWA ang naging turingan namin ni Bakal ng mga sumunod na araw. Alam kong ibang level na ang aming relasyon. May namuong commitment na kami sa isa’t-isa. Naging masaya kami pareho at naging makulay ang lahat ng nasa paligid.

May mga gabi lang na bumabalik sa akin ang mga ill feelings na naranasan ko sa hawla ni Datu Matikas. Sa mga ganoong pagkakataon, binabalutan ako ng takot at pangamba.

Binigyan naman ako ng assurance ni Bakal na hindi na ako muling bibihagin ng mga tauhan ng Datu dahil ako ay lehitimo nang mamamayan ng barangay pero hindi pa rin mawala-wala basta ang trauma ko. At kahit pa sabihing nakapag-adjust ako sa way of living, hindi maitatatwang may isang bahagi pa rin ng utak ko ang natatakot sa mga posibleng kapahamakan na pwedeng mangyari pa sa akin sa pananatili sa panahong ito.

May mga pagkakataon din na nami-miss ko ang buhay ko sa present time. Hindi nga ba’t naidalangin ko dati nang nasa hawla ako na sana bumalik na lang ako sa kasalukuyan? Namimiss ko na ang lahat ng bagay na wala dito. Lalo na’t nagiging routinary na ang ginagawa ko sa kubo at sa bukirin.

May isa namang bahagi din ng utak ko ang pinipilit ipaunawa sa akin na meron namang isang Bakal dito na wala sa kasalukuyan. Isang lalaking mahal ako ng totoo at hindi kasinghuwad ng pag-ibig ni Nicco.

Sa mga ganoong pagkakataon, nagbabago ang mood ko na hindi nalilingid kay Bakal.

“Napapansin ko, may pagbabago sa iyo, mukhang hindi ka na ganoon kasaya katulad ng dati. Kung naiisip mong bumalik sa iyong panahon kapag dumating na ang pagkakataon…hindi kita pipigilan. Tatanggapin kong maluwag sa puso ko na hayaan ka, kahit alam kong masasaktan ako dahil mahal na mahal kita.”

Hindi ako nakaimik. I’m running out of words to say. Nang sasagutin ko na siya, naubos na ang liwanag ng kingke. Nabalutan na ng dilim ang buong silid.

“Matulog na tayo Bulaklak,” huling sabi niya saka tumagilid ng higa patalikod sa akin.

Iyon lang at tuluyan na akong nanahimik.

Nang magising ako kinabukasan, wala na si Bakal sa tabi ko. Paglabas ko ng tungkuan, luto na ang almusal. Sa unang pagkakataon, kumain akong mag-isa sa bulwagan.

Sa isiping gusto niyang mapag-isa dahil marahil sa sinabi niya kagabi ay minabuti kong huwag na siyang sundan pa sa bukid. Maghapon ko na lang pinalipas ang oras sa pag-iisip kung ano ba talaga ang gagawin ko sakaling dumating ang takdang panahon na kailangan ko nang mamili. Ang buhay ba na puno ng high-tech gadgets at maraming gimikan na nami-miss ko na o ang manatili dito sa panahong papausbong pa lang ang pag-unlad sa piling ni Bakal.

Kung babalik man ako sa kasalukuyang panahon, nakahanda na akong harapin anomang pagsubok na dumating at hinding-hindi na ako mag-attempt na mag-suicide. Natutunan ko na kay Bakal na kahit anoman ang mangyari, kalungkutan man o kaligayahan, kailangang magpatuloy ang buhay. Hindi man ako pahalagahan ng mga taong minahal ko gaya ni Nicco, kailangang pahalagahan ko naman ang sarili ko.

Tahimik si Bakal nang kumain kami ng hapunan. Hindi rin ako makaimik, hindi ko alam kung ano ang sasabihin o anong topic ang bubuksan. Natatakot din akong matanong niya kung ano ang magiging desisyon ko kung sakali dahil sa totoo lang naglalaban ang aking isip at kalooban. Naisip ko na lang ang kasabihan na: I’ll just cross the bridge when I get there.

Si Bakal na ang nag-imis ng pinagkainan at nagtabi ng dulang. Lumabas siya ng bulwagan para lagyan ng langis ang kingke at sindihan. Kinuha ko naman ang banig saka inilatag sa sahig.

Inuunat ko ang ibang bahagi ng banig nang pumasok si Bakal saka biglang nagliwanag. Buong akala ko ay sa mismong kingke nanggaling ang liwanag kung hindi pa siya nagsalita.

“Bulaklak…ang anito!”

Nang mag-angat ako ng ulo, sumalubong sa mukha ko ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kwintas na nakasabit sa dingding. Saka ko napansin na patay pa pala ang kingke na hawak ni Bakal.

Kinabahan ako nang maisip na ilang segundo lang ang nalalabing oras para makabalik na ako sa present time. Nakatingin lang naman sa akin si Bakal na parang gustong tumakbo palapit sa akin para kahit man lang sa huling pagkakataon ay mayakap niya akong muli.

Gusto ko rin siyang lapitan para halikan at yakapin ng mahigpit bilang pamamaalam.

Pero wala ng oras.

Pareho na kaming nawalan ng pagkakataon para gawin iyon. Ngayon pa naman nagliwanag ang kwintas kung kelan may cold war sa pagitan namin. Kung kelan buong maghapon kaming hindi man lang nag-usap ng tungkol sa aming dalawa.

Huling rumehistro sa akin ang malungkot na mukha ni Bakal bago tuluyang nag-panic ang utak ko nang magsimulang mabawasan ang liwanag ng kwintas. Hudyat na patapos na ang oras at pagkakataon para ako makaalis.

Bago pa maubos ang liwanag, nagpikit ako ng mga mata at nilapitan ang Anitong Manlalakbay.

“Bulaklak!” sigaw ni Bakal nang maubos na ang liwanag at balutin ng dilim ang bulwagan. Sa hindi mapigilang emosyon na gustong sumabog sa kaniyang dibdib ay lumabas siya ng kubo saka patakbong nagtungo sa ilog.

Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ni Bakal ang lungkot ng pag-iisa…

Bakal At Bulaklak -CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon