“Pagkalampas mo ng lupain namin naroon nakatirik ang ibang kubo ng ibang mga timawa. Mga ilang kubo pa, naroon naman ang dalam, iyon ang tawag sa pinakamalaking bahay sa barangay kung saan nakatira si Datu Matikas.”
Tinanggal niya ang palayok sa tungko. Pumasok siya sa batalan at paglabas ay may dalang tuyo na inihagis sa baga. Nang naihaw na ay muling kinuha at inilagay sa isang porselanang plato na ang disenyo ay kagaya ng sa baso.
Sumunod ako sa kaniya sa loob ng kubo. NIrolyo niya ulit ang banig saka inilagay sa isang sulok ng silid. Kinuha niya ang isang mababang mesa na tawag daw ay dulang at inilagay sa pinakagitna ng silid. Umupo ako sa isang gilid na parang Indian sit. Lumabas siya ulit ng silid at sa pagbalik ay may dalang dahon ng saging na inilapag sa dulang. Doon niya inilagay ang kanin galing sa palayok at ang inihaw na tuyo. Meron ding ilang pirasong saging na inilagay niya sa isang tabi ng platong porselana.
“Mananghalian na tayo,” masaya ang mukhang yaya niya. Kumuha ng isang plato saka kinamay ang pagkuha ng kanin at tuyo.
Maghahanap sana ako ng kutsara pero naisip kong nandito ako sa lumang panahon at hindi nga ako sigurado kung uso na ang kutsara. Kumuha na rin ako ng plato at naglagay ng pagkain.
Nakakatuwa naman na magaling talaga siyang magkamay sa pagkain. Ako nama’y medyo nahirapan dahil hindi na kasi ako sanay magkamay.
Masarap ang kanin at ang tuyo kaya naging ganado akong kumain. Isa na rin siguro iyong wala pang laman ang sikmura ko mula kahapon. At iyong kasama kong kumakain si Bakal na hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sa aking pagkatao.
Natawa pa ako sa sarili nang tapusin ang pagkain sa pagbalat ko ng saging. Pilyong nilaro-laro ko pa ang pagsubo nito sa aking bibig na palihim namang tinawanan ni Bakal.
Hindi iyon nakaligtas sa aking paningin. “Bakit ka natatawa?”
Hindi na niya napigilan at napabunghalit na siya ng tawa. “May naalala lang ako Sal—Bulaklak pala.” Nangingislap ang mga mata sa biglang pumukaw sa kaniyang isip. “Si Bayogin Orang kasi, ganyan din siya kumain ng saging kapag nakikita ako.”
“Sino iyon?” Bigla ang kaba ng dibdib ko, parang may rabbit sa loob na gustong kumawala sa hawla.
“Siya ang pinuno sa pag-aanito.”
Binalikan ko sa isip ang aking History class lalo na ang relihiyon ng mga Pilipino noong ikalabing-anim na siglo. “Hindi ba Catalonan ang tawag doon?” Iyon kasi ang tanda kong tawag sa kanilang Spiritual Leader. Ang pag-aanito naman ay similar sa pagsisimba.
Natawa naman siya. “Catalonan kapag babae, bayogin kapag binabae at nagsusuot ng damit pambabae.”
Bull’s eye ako! Nag-init tuloy ang aking mga pisngi. Kung ganoon din ang estilo ng pagkain ng saging ng bayogin ibig sabihin alam na niya na nangse-seduce ako at magkalahi kami ng bayogin. Pareho ang kulay ng aming dugo at amoy ng pagkatao.
Sa hiya ay bigla kong nilunok lahat ang saging. Nagtungo ako ng ulo, saka ko minura ang sarili. Hoy Zaldy..este Bulaklak pala, ngayon ka pa ba magpapaka-demure? Samantalang sa kasalukuyang panahon, grab the opportunity ang motto mo!
Natawa naman siya sa ginawa ko. “Huwag kang mahiya, walang problema iyon sa akin. Sanay naman ako sa mga pagbibiro ni Bayogin Orang. Pero siyempre iwas pa rin ako dahil sabi nina Ama at Ina, pag nahuli, pinaparusahan daw ng Datu ang ganoong tipo ng relasyon at pati na pakikipagtalik.”
Natuwa naman ako sa sinabi niya. Ooppss! Open-minded. May potential. Hehehe.
Hindi ko na binuklat pa ang usapan tungkol sa aking pagkatao. Pagkaimis ng kinainan niyaya niya ako sa isang parte ng bukirin na may mga tanim na gabi. Ginaya ko lang ang ginawa niyang pagtanggal ng mga weeds sa mga tanim.
Dahil kami lang dalawa naisip ko tuloy na para kaming nasa paraiso, siya si Adan at ako naman si Eban.
Hindi ko alam pero sa totoo lang sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito katiwasay. Parang masarap ng mabuhay. Simple lang naman ang ginagawa namin ni Bakal pero sobrang saya ko naman at kompleto ang pakiramdam ko.
“Kumuha na rin tayo ng gabi para mamayang hapunan,” sabi niya, pakiwari ko’y masaya din siyang kasama ako.
Nahirapan naman ako sa paghukay sa laman ng gabi. Napansin niya yata kaya umupo din siya sa tabi ko at hinawakan ang peg na hawak ko din at gamit sa paghukay.
Para namang may kuryenteng dulot sa akin ang paghawak ng kaniyang kamay sa kamay ko. Nang tapunan ko siya ng tingin ay nakatingin din pala siya sa akin. Matagal kaming nagkatitigan, parang mga manyikang nawalang ng baterya at hindi na makakibot pa.
Nang hindi ko na mapigilan ang sobrang pagtambol ng puso ko at sa isiping baka mauwi iyon sa halikan, binitawan ko ang peg, dumakot ng basang lupa saka natatawang ipinahid iyon sa isa niyang pisngi. Tumakbo naman ako palayo nang makita kong dumakot din siya pero hindi lupa kundi putik saka akmang ipapahid sa aking mukha.
“Bakal, habulin mo ako!” panunukso kong sigaw sa kaniya. Hindi ko naisip na magagawa kong mag-feeling bata at instantly super close sa kaniya.
Tatawa-tawa naman siya habang hawak pa rin ang putik na pumapatak pa sa pagkakasakmal sa kanyang palad. “Humanda ka Bulaklak, pag naabutan kita, mawawala na iyang kaputian mo. Sa putik na dala ko magiging mas maitim ka pa sa uling.”
Naghabulan kami hanggang sa hingalin na ako pero parang sa kaniya’y balewala lang. Parang hindi man lang nababawasan ang lakas niya mula kanina.
Finally naabutan na niya ako. Niyakap ng mula sa aking likuran. Natumba kami pareho sa may putikan at mabilis siyang kumubabaw paupo sa aking tiyan habang patuloy sa pagtawa na ipinapahid ang putik sa aking mukha.
Kumuha naman ako ng putik na siya ko namang ipinahid sa kaniyang matipunong dibdib pababa sa kaniyang six-pack abs. Habang nagpapahiran kami, ramdam ko naman ang pagbangon ng laman sa pagitan ng aking mga mga hita. Kumuha ako ulit ng putik saka pabirong ipinahid sa kaniyang harapan. Nagulat naman ako nang mahipo ko ang kaniya na kasintigas na yata ng pangalan niya at nasalat kong malaki. Pilyong sinakmal ko iyon saka hinimas-himas na unti-unting nagpatigil sa kaniyang ginagawang pagpahid ng putik sa aking dibdib.
Halos sabay kaming napasinghap sa pamumuo ng sexual tension sa aming paligid. At para humupa pinilit kong tumagilid na ikinatumba niya. Mabilis akong tumayo saka inilahad ang aking kamay para tulungan siya sa pagbangon. Natatawa naman ako ng pareho na kaming nakatayo ay pareho ding nakatayo at nagtuturuan ang aming mga ari sa loob ng bahag.
Nang mapansin iyon ni Bakal ay nahihiya siyang tumalikod saka nagsalita. “Tayo nang maligo at maghugas ng katawan sa ilog,” yaya niya.
Binalikan ni Bakal ang ilang piraso ng gabi na nahukay na niya at nagtuloy sa ilog na sinundan ko naman.
Wala kaming imikan habang naglalakad. Hindi ko alam ang iniisip niya pero kanina ko pa naman ramdam ang kakaibang atraksiyon namin sa isa’t-isa.
Pagdating namin sa ilog ay ramdam ko pa rin ang animo’y pader na binuo ng hiya sa pagitan naming dalawa. Naghugas siya ng katawan na medyo malayo ang disyansiya sa akin. Nakatulong naman ang malamig na tubig ng ilog para tuluyang mawala ang init na nararamdaman namin at ng paglambot ng aming mga ari.
Tapos na sa paliligo si Bakal nang makita kong kumuha siya ng isang sibat sa may taguan niya. Napilitan naman akong lumapit para tingnan ang gagawin niya. Hindi pa ako nakakalapit ng husto nang ihagis niya ang sibat sa ilog at nang bunutin ulit ay may naningisay na hito sa pinakadulo. Simpleng bagay lang iyon pero napasigaw pa rin ako sa tuwa. Wow, ang galing!
BINABASA MO ANG
Bakal At Bulaklak -Complete
RomanceIto ay Short Story ni joshX na binigyan ako ng permiso to repost