“Buksan mo ang mga mata mo.”
Kinabahan ako sa boses niya. “Bakal?!”
Maluwang ang pagkakangiti niya.
Hindi na ako nakapagpigil, niyakap ko siya ng mahigpit habang naghabulan sa pag-agos ang luha ko sa magkabilang pisngi. Matagal bago ako bumitaw sa takot na baka nag-iimagine lang ako na siya ang kaharap ko ngayon. “Ikaw ang tumubos sa akin…pero paano?”
Pinahid niya ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga daliri. “Maglinis ka muna ng iyong sarili diyan sa ilog. Sa kubo ko na sasagutin lahat ng tanong mo.”
Walang mapagsidlan ang kaligayahan sa aking puso. Lahat ng pagod at hirap na ramdam ko kanina’y biglang naglaho. Feeling ko’y battery na bagong charge. Mabilis akong naglinis ng katawan sa malamig na tubig ng ilog.
Pagbalik namin sa kubo, nagpalit lang ako ng malinis na bahag at magkatabi kaming umupo sa sahig ng bulwagan. Pumihit ako paharap sa kaniya.
“Ang dami kong gustong itanong sa ‘yo—“
“Makinig ka sa sasabihin ko. Nang magising ako at wala ka sa tabi ko ay sobra ang pag-alala ko. Hinanap kita sa tungkuan at napansin ko ngang nawawala ang tapayan. Sinundan kita sa ilog pero pagdating ko iyong tapayan na lang ang naabutan ko. Naisip ko na baka umalis ka na, nagbalik ka na sa panahon mo kaya nagtatakbo akong bumalik ulit dito sa bulwagan. Kinabahan na talaga ako nang makita kong nakasabit pa iyang kwintas sa dingding,” itinuro niya ang Anitong Manlalakbay. “Alam kong may nangyaring hindi maganda sa ‘yo.”
“Paano mo ako natunton?”
“Naisip ko na baka nahuli ka ng mga maharlikang pinamumunuan ni Datu Matikas kaya nagpunta ako doon.
Nakita nga kita sa kulungan na walang malay pero hindi ako nagpahalata na magkakilala tayo dahil baka ako ang pagbalingan ng Datu sa pagkupkop ng taga-ibang barangay ng hindi niya nalalaman. Nalaman ko din na sampung tael na ginto ang hinihingi ni Datu Matikas kapalit mo. Wala naman akong dalang ginto kaya umuwi muna ako.”
Hiyang-hiya ako nang maisip na baka ipinagbili niya ang bukirin para makakuha ng ginto. “Saan mo galing ang ibinayad mo?”
“Ipinagpalit ko ang kalahati ng lupa ng sampung tael na ginto.”
Gusto kong maluha, hindi ko alam kung dahil sa hiya, o sa awa sa kaniya na kinailangan niyang gawin iyon sa akin kahit alam kong napakahalaga ng lupa sa kaniya.
Nagpatuloy siya, “Pagbalik ko naman doon, may mga ibang timawa ng nauna sa akin at ako ay sinabihan na ngayong araw bumalik at magbakasakali kung hindi ka pa nabibili.”
Sobrang touched ako sa gesture niyang iyon. Nagpaka-effort pa talaga siyang maghintay at balikan ako.
“Bakit hindi ka kaagad nagpakilala at hinintay mo pang makarating tayo sa ilog?”
“Hindi kasi pwedeng malaman ni Datu Matikas na kilala kita dahil sa barangay na ito, bawal kumupkop ng taga-ibang barangay nang hindi nalalaman ng Datu. Kung alam mo lang na pagkakita ko pa lang sa ‘yo nang papalapit ka’t nakapiring, gusto na kitang pakawalan at yakapin pero nagpigil nga ako. Sa ilog ko naisipan na kalagan ka na dahil malayo na iyon sa dalam para may makakita pa sa tin.”
Tuluyan na akong umiyak. “Paano ang lupain mo?”
“May kalahati pa naman,” sabi niyang puno ng sinseridad.
“Hindi mo na dapat ginawa iyon.”
“Mangyari man muli sa ‘yo iyan, tutubusin pa rin kita maubos man ang lahat ng meron ako.”
“Kahit na galing ako sa ibang panahon?”
“Kahit saan ka pa galing.”
“Bakit?”
“Dahil hindi ko na kayang muling mag-isa. Nasanay na akong laging nandiyan ka. Dahil ikaw ang kumumpleto ng buhay ko. Dahil—“
“Dahil mahal mo ako?”
Natigilan siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. “Mahirap man ipaliwanag…bawal mang ituring, iyon ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Mahal na kita, Bulaklak.”
Feeling ko naman ay iniangat ako sa sahig at dinala na sa langit. “Mahal na mahal din kita Bakal, matagal na. Mula pa noong unang makita ka.”
Pinagsalikop ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok saka ko siya hinila para maglapat ang aming mga labi. Bago sa kaniya ang ganoon, estranghero ang pakiramdam kaya naging masuyo ang pagkamkam ko ng kaniyang bibig. Hindi siya kumibot pero nakiramdam hanggang ang damdamin na rin niya ang nag-utos sa mga labi niya na tumugon sa aking mga halik. Dinunggol ko ng aking dila ang pagitan ng kaniyang mga labi. Nang awtomatiko itong bumukas, ipinasok ko ang aking dila sa loob ng kaniyang bibig. Tinudyo ko ang kaniyang dila saka ginalugad ang lahat ng maabutan nito hanggang maramdaman ko na ring lumalaban na rin ang dila niya at ginaya naman ang lahat ng ginawa ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Bakal At Bulaklak -Complete
RomanceIto ay Short Story ni joshX na binigyan ako ng permiso to repost