Part 3

9.8K 157 1
                                    

“Kagaya niyang tanong mo, hindi ko maintindihan.”

Saglit akong nag-isip. “Anong taon na ngayon?” Nang hindi siya sumagot binago ko ang tanong, “Anong panahong ngayon?”

“Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Basta dito sa amin, ang pinagbabasehan namin ng panahon ay ang pagsikat at paglubog ng araw pati na ang panahon ng tag-init at tag-ulan.”

“Nandito na ba ang mga Kastila?” Naisip ko na kung wala pa at-least kung totoong nag-time travel man ako, malalaman ko kahit papaano kung saang taon ako napadpad.

“Sino ang mga iyon? Mga dayuhang mangangalakal din ba sila gaya ng mga Intsik, Indones at Malayo?”

 “Sila iyong – ,” hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Naisip ko na kung tinawid ko ang panahong ito, baka hindi ko pwedeng sabihin ang mangyayari sa hinaharap. Baka magkaroon ng pagbabago ang kasaysayan ng Pilipinas kung sakali. Kung hindi kilala ni Bakal ang mga Kastila, ibig sabihin ako ay nasa panahong hindi lalampas sa taong 1521 o 1565 kung saan nagsimulang sakupin ang Pilipinas ng mga Kastila. “Bakit mo nasabing sa ibang panahon ako nanggaling?”

Tumingin si Bakal sa suot kong kwintas. “Suot mo kasi ang Anitong Manlalakbay. Ayon sa matandang alamat, kung sinoman ang magsuot ng kwintas na iyan at malagay sa panganib ay ililigtas ng anito. Dadalhin ng anito sa ibang panahon. Sa isang panahon na ligtas siya sa panganib. Iyon ang kwento ng Bayogin ng barangay.”

That’s ridiculous, sigaw ng utak ko. Pero kung totoo man ang sinasabi ni Bakal may punto naman siya dahil suot ko ang kwintas kagabi nang tangkain kong lasunin ang aking sarili. Ibig sabihin iniligtas ako ng anito sa sarili kong kapahamakan.

“Paano ako makakabalik sa panahong kasalukuyan?”

Umiling siya. “Hindi ko alam. Si Bayogin Orang baka alam niya. Sasamahan kita bukas sa kanila.”

Para akong nakaramdam ng pagkahilo kaya nakiusap ako sa kaniya na kung maaring magpahinga. Pumasok kami sa kubo. Kinuha niya ang nakarolyong banig sa isang sulok ng silid saka inilatag sa sahig na kawayan.

“Humiga ka muna dito para makapagpahinga,” sabi niya sa masayang tinig. “Ito ang isuot mo para kung sakaling may ibang timawa o alipin ang makakita sa ‘yo hindi sila magtataka,” sabi niya na may inilapag na nakafold na damit sa tabi ng banig bago lumabas ng silid at nagtungo sa batalan.

Gustong kong matulog para paggising ko nasa apartment na ako at malayo sa mga nakikita ko dito. Pero nakapagtataka na sa isang sulok ng puso ko ay parang ayaw kong mahiwalay kay Bakal.

Nakatulog naman ako kaagad. Nang magising ay saka ko pa lang tinanggap ang katotohanang tumawid na nga ako mula sa kasalukuyan papunta sa panahong ito.

Kinuha ko ang damit na bigay niya. Nagulat naman ako na bahag pala iyon. OMG! Keri ko bang isuot ito?

Pero nang maisip ko ang sinabi niyang mga maharlika na bibihag sa akin, mabilis ko nang tinanggal ang aking pantalon at brief saka isinuot ang bahag.

Kahit hindi ko nakikita ang aking sarili, palagay ko naman ay hindi naman ako paiiwan sa hitsura ni Bakal. Pero siyempre mas gwapo si Bakal at lalaking-lalaki siya lalo na sa kulay kumpara sa akin na maganda rin naman ang katawan ko, maputi nga lang ang balat ko.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagising na pagnanasa sa akin sa pagtingin ko sa aking bahag at maalala si Bakal sa bahag niya kaninang nasa tabi ng ilog. Pinilit kong labanan iyon at nang medyo lumambot na ang naninigas na laman ay lumabas na ako ng kubo. Naabutan ko naman si Bakal sa may tungko, mukhang nagluluto ng sinaing sa isang palayok gamit ang sinibak na kahoy.

“Mag-isa ka lang ba dito?”

Medyo nagulat siyang tumingin sa akin. “Gising ka na pala,” nakangiting sabi niya na biglang lumuwang nang makitang suot ko na ang bahag.

Para naman akong teenager na babagong mangangandi sa hiya. Muntik ko pa ngang itakip ang dalawa kong kamay sa aking harapan na semi-erect pa rin. Iba ang nakita ko sa tingin niyang iyon, mukhang impress siya sa hitsura ko at kung nasa panahong kasalukuyan ako, iyon ang tipo ng magparamdam ka lang, posibleng makukuha mo na. Pero siyempre nandito ako sa panahong ito. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng pagtanggap nila sa mga kagaya ko. Isa pa, baka I’m just imagining things. Baka nga si Bakal ay straight guy at baka pag nagparamdam ako’y baka ipakain niya ako sa mababangis na hayop sa gubat.

“Ako na lang mag-isa dito. Namatay sina Ina at Ama noong nagdaang tag-ulan. Wala na rin ang mga kasama naming alipin sagigilid na siyang ibinayad ko kay Datu Matikas sa sinasabi niyang naiwang pagkakautang sa kaniya nina Ina at Ama. Buti na nga lang at nagkaganoon dahil kung sakali baka isa na rin akong alipin sagigilid ngayon ng Datu.”

Bigla ay gusto ko siyang yakapin para iparamdam sa kaniya na nandito lang ako. Naalala ko ang aking History class. “Paano iyong obligasyon mo sa Datu na magtrabaho sa kaniyang lupain?”

“Bakit alam mo iyon?”

Napangiti ako. “Sa aking panahon, isa akong titser,” sabi ko na hindi niya naintindihan kaya, “Isang Maestro,” base sa kaniyang mukha hindi pa rin kaya, “Nagtuturo ako ng tungkol sa mga pangyayari sa nagdaan,” sabi ko na medyo naintindihan na rin niya.

Napatango siya. “Nagagawa ko parin naman iyon para kay Datu Matikas basta ipinakiusap niya. Hindi na iyon gaanong malaki ang epekto sa akin kahit ako na lamang mag-isa ngayon ang nagsasaka sa aming bukirin. Mahal ko ang lupang ito. Ito na lamang ang tanging alaalang iniwan ng aking mga magulang. Kung magpapabaya ako, baka mapunta ito kay Datu Matikas at baka maging alipin ako sa bandang huli.”

Tumingin ako sa malawak na bukirin. “Mukhang malawak pa ang lupa ninyo.”

“Oo, kahit hatiin pa iyan sa dalawa malaki pa rin ang pwedeng pagtamnan. Iyong kalahati sana ang ibabayad ko kay Datu Matikas pero nanghinayang naman ako kaya iyong dalawang alipin sagigilid na lang namin ang ibinigay ko. Kahit mag-isa lang ako kaya ko naman itong paglinangin.”

Napatitig ako sa kaniya. May bumubukal na paghanga akong nararamdaman. Isang malalim na paghanga na nagdudulot ng kiliti sa aking puso. Daig ko pa ang natuka ng ahas sa pagkatitig sa mukha niya.

“Nasaan ang ibang timawa?”

Bakal At Bulaklak -CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon