Chapter 16

3.3K 59 2
                                    

Chapter 16: LQ

Athenna's POV [In the Kitchen]
Nilalagay ko na sa plato ang niluto ko. Oh my gosh!… totoo nga na may nangyari sa amin ni Kaito, tapos may tinatanong pa siya na……

"Did i ask something?" Tanong niya. Nagulat ako sa pagsalita niya kaya muntik ko na mahulog ang hawak kong plato.

"Kaito naman. Nakakagulat ka." May halong kaba kong wika abay hawak sa puso.

"Wag mong ibahin ang usapan. Did I ask something?" Muli niyang tanong.

"Anong something? Parang wala naman ha."

"Weird. Bago mo lang narinig sa akin."

"Alam mo Kaito, gutom lang yan tapos may hangover kapa sa alak kahapon." Pag-iiba ko ng usapan.

[In the school]
"You'll regret if you take my fucking punishment."

"You'll regret if you take my fucking punishment."

"You'll regret if you take my fucking punishment."

Wahhh! Nage-eco parin sa utak ko yung sinabi ni Kaito. Punishment? Paparusahan niya ako kung magkasama kami ni Fritz? Punishment diba?

"Miss Athenna." Tawag ni Professor sa akin.

"Do you love me?"

"Do you love me?"

"Do you love me?"

Mahal niya ako? Kung hindi niya ako mahal bakit siya nagtatanong nang ganung tanong? Tapos paparusahan niya ako kung nakita niya na magkasama kami ni Fritz. Anong problema niya kay Fritz?

"Miss Athenna."

"Mahal na niya ako?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

"Oo Miss Rodriguez, kanina ka pang ganyan," wika ni Professor. Malapit na akong makatalon sa kinauupuan ko. Narinig ni Professor ang sinasabi ko? "Miss Rodriguez, mayamaya lang yan ang love love nayan. Answer the question on the board."

"Umm. Yes Sir." Agad kong sagot. Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at kumuha ng chalk sa mesa ni Sir, pero napatigil ako dahil sa nakita ko. Solving Problem?! Tapos ang tataas pa ng mga numbers. Patay!

"You need to answer all the question on the board." Seryosong wika ni Professor. Napatingin ako ng deretso kay Professor. Sasagutin ko lahat?

"Sir, lahat?" Tanong ko.

"Malamang." 

[One hour later]
"Yan ang epekto sa love love na yan. Alam mo naman na low ka sa Math, tapos ang laman ng utak mo ay lovelife," sermon ni Professor. "Hindi ka aalis hanggang hindi mo natapos lahat. Dapat check lahat."

"Professor, pwede po ba na assignment nalang to? Baka po kasi pagalitan ako kung gabihin ako nakauwi sa bahay." Pagmamakaawa ko kay Professor. Sana effective.

"Gusto mo nang umuwi dahil ayaw mong mahuli sa date niyo. Tama?" Tanong ni Professor. Prof, sarap niyong kalbuhin.

"But Prof—"

"Alis na ako." Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko dahil agad siyang lumabas sa classroom. Nakakainis.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-solve ng mga problem sa board. Gabi na, ayaw kong pagalitan ni Kaito. Paano kung paparusahan niya ako dahil gabi na ako nakauwi? Paano na yan. Ilang saglit lang ramdam ko na may lumalakad at sigurado ko na dito yun papunta. Biglang nagbukas ang pinto at nakita ko si Fritz.

"Ikaw pala Fritz. Bakit ka nandito?" Tanong ko. Tumingin lang siya at lumakad papunta sa akin. Ang weird niya ngayon. Seryoso lang siya habang naglalakad papunta sa akin. "Hoy! Okey ka lang?"

Napa-atras nalang ako dahil malapit na siya sa akin. Tinulak niya ako sa pader at napangiti lang siya. Napatitig nalang ako kay Fritz. Ano bang nangyayari sa kanya. Bigla niyang hinarang ang dalawang kamay niya sa kana at kaliwa ko. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. May balak siyang halikan ako?

"Don't you dare to touch her, kung ayaw mong matauhan." Sambit ni Kaito. Napalingon si Fritz kay Kaito. Nakasandal si Kaito sa gilid ng pintuan habang naka-cross arm.

"At sino ka naman?" Nagtatakang tanong ni Fritz.

"Stop chasing her." Seryosong saad niya. Lumapit si Kaito kay Fritz at tinulak ito papalayo sa akin. Agad hinila ni Kaito ang kanang kamay ko at umalis sa classroom. Ang higpit ng pagkahawak niya.

[Kaito's House]
"Aray Kaito! Ang sakit na nang kamay ko!" Sigaw ko.

"Athenna, i told you na hindi kana magpapakita kay Yoshida!" Sigaw niya.

"Bakit!?" Sabay hila ng kamay. "Makasabi ka nang ganyang salita, parang kilala mo na si Fritz!" Pagsisigaw ko.

"Hindi mo ba nakita!? Kanina muntik ka na niyang halikan Athenna! Paano kung may gagawin siya sayo!? Kaya mong ipaglaban ang sarili mo!?"

"Kaito, hindi masamang tao si Fritz. Bakita kilala mo siya ng masyado!?"

"Alam ko lahat! Tungkol sa totoong ugali niya! Tungkol sa family niya! Lahat, lahat alam ko!" 

"Kaito, kung galit ka kay Fritz wag mo siyang siraan. Makasabi ka ng masamang salita kay Fritz parang ang perpekto mong tao! Yaman lang nasa sayo, hindi pamilya, kaibigan, puso at pag-ibig!" Sigaw ko. Umakyat na ako sa taas. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Nakakainis na siya eh, sinisiraan niya si Fritz.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong umiyak. Sumusobra na siya eh. Binastos niya pa si Fritz kanina, tapos nagsasabi siya na masama si Fritz? Humiga ako sa kama at tinignan kung anong oras na. Gabi na pala, hindi ko nahalata dahil sa galit ko kay Kaito. Makatawag nga kay Cassie.

"Hi Cass."

"Oh, bakit ka napatawag? May problem ba?"

"Kasi, may nagsabi ng masamang salita kay Fritz." 

"Ano? Sa tingin ko, ingit lang yun. Dahil gusto niyo ang isa't isa kaya sinisiraan si Fritz." 

"Tama ka. Sana sinagot ko na si Fritz sa pangliligaw niya."

"Sagutin mo na! Minsan lang dadating ang mala Fritz Yoshida sa buhay mo. Tapos may silbi ang pangiging mayaman ng pamilya nila, dahil matulungin sila."

"Tama ka Cass. Hindi lang siya mayman, mabait pa. Hindi sa iba diyan na mayam nga pero napunta lang sa bulsa ang pera."

"Kaya, sagutin mo na si Fritz."

"Bukas. Sasagutin ko na siya."

Kaito's POV
Fuck! Nililigawan siya ni Yoshida? Tapos sasagutin na niya bukas? What the fuck! Im gonna kill him! Habang pababa ako sa hagdan ay hinagis ko ang baso ng alak na hawak ko. Bwisit! Bakit buhay ka pa Fritz Yoshida? Wala ka namang magawa dahil kaya kong pumatay para hindi lang siya maagaw sa akin.

Im the Mafia Boss. The son of Kaitokid Shin. And im willing to kill a person just for her. Don't dare me Fritz Yoshida.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon