Chapter 24

2.8K 43 0
                                    

Chapter 24: KaiLyn Part 1

Jacklyn's POV
"Kuyaaa! Hindi pa naka-tawag o naka-text si Athenna!" Pagsisigaw ko sa bahay.

"Ate Jack, kumalma ka lang. Si kuya Kaito ang bahala kay ate." Kalmadong wika ni Althea.

"Anong si Kaito! Kuya Mat, sinabi ni Athenna sa akin kahapon na sinigawan ni Kaito si Athenna!" Pagsisigaw ko.

"Jacklyn, alam mo naman na short tempered si boss." Wika ni kuya Mat.

"So, gusto mo lang na sinisigawan ng boss mo ang kapatid mo!?" Pasigaw kong tanong.

"Jack, masama rin sa kalooban ko pero yang bunganga mo ang kinaiinisan ko. Alam mo kung bakit? Ang ingay mo, paano kung marinig ka ng mga kapit bahay?" Wika ni kuya Mat sabay akyat sa taas.

Eto naman si kuya Mat. Parang gusto niya lang na binabastos ni Kaito si Athenna. Kung ako lang ang masusunod ipag-hihiwalay ko na silang dalawa. Napaupo nalang ako habang si Althea naman ay busy sa pag-aaral niya. Ilang saglit lang ay may kumatok ng gate sa labas. May tao ata.

"Jacklyn, tignan mo kung sino ang tao sa labas!" Utos ni kuya Mat. Agad akong lumabas ng bahay at nasa pintuan palang ako nakita ko ang paternal twin ni Kaito. Si Kairo.

"Ate Jack, baka may balak siyang ligawan ka. May dalang bulaklak eh." Mahinang saad ni Althea. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Althea at pinag-buksan ng gate si Kairo.

"Bakit ka nandito?" Mataray kong tanong.

"Bakit? Bawal bang dalawin ka?" Nakangiting tanong Kairo sabay wink. Tinignan ko lang siya ng masama at nagpa-cute din siya. Hindi bagay!

"Uyy Jacklyn!!! Sino yan? Manliligaw mo? Ang haba ng hair mo!" Saad ng baklang chismosa na si Stephanie.

"Nako ateng Stephanie! Manliligaw yan ni ate Jacklyn! Gwapo diba!?" Saad ni Althea. Hinila ko silang dalawa papasok sa bahay.

"Aray Jack, nanging marahas kana ha." Wika ni Kairo ng makapasok na sa bahay.

"Bakit ka nandito!?" Mataray na tanong ko. Nakatitig lang siya sa akin habang nakaupo sa sofa.

"Sir Kairo!? Bakit po kayo nandito?" Gulat na tanong ni Kuya Mat.

"Dinadalaw ka, Jacklyn." Nakangiting sagot ni Kairo sabay wink. Ramadam ko pa ang pagkurot ni Althea sa gilit ko. Siya pa ang kinilig.

"Bakit hindi ka dumalaw sa gago mong kakambal!?" 

"Nasa Paris sila ni Kaito at Athenna, si Yato at Kirito naman nasa Japan, tapos si ane busy sa school. Kaya dito nalang ako."

(Ane = elder sister)

"NASA PARIS SI KAITO AT ATHENNA?!" Gulat naming tanong ni Althea.

"Kamusta naman yung flight nila?" Tanong ni kuya Mat.

"ALAM MO?!" Gulat na tanong namin ni Althea kay Kuya Mat.

"Okey lang po. Medyo sumama lang ang pakiramdam ni Athenna sabi ni Hiro." Sagot ni Kairo sa tanong ni Kairo. .

"Anong okey!? Eh sumama nga diba!?" Sigaw ko kay Kairo.

"Jackie, easy lang!" Pagkakalma niKairo sa akin sabay taas ng kamay.

[One hour later]
"Jacklyn, Althea. Bumili muna kayo sa palengke ng kakainin natin." Utos ni kuya Mat.

"Sasama ako." Sambit ni Kairo sabay tayo at ayos ng damit niyang suot.

"Kuya, si kuya Kairo na ang sasama kay ate Jack busy ako ngayon eh." Pagtanggi ni Althea. Tinignan ko naman si Althea ng masama. Anong busy?!

"Busy ba ang tawag mo sa drawing." Mataray kong tanong sabay cross arm.

"Yes, lalagyan ko pa to ng color." Sagot ni Althea sabay akyat sa taas.

"Kuya Mat! Kung si Kairo ang kasama ko, baka masuka lang yun sa palengke." Wika ko sabay tingin kay Kairo na panay ang ngiti.

"Jacklyn, porket na mayaman ako masusuka na sa baho ng palengke. Lumaki kaya ako sa Yamato no kuni." Nakangiting wika ni Kairo sabay hila ng kamay ko at kuha ng basket sa kamay ni kuya Mat. Yamato no kuni? Anong ibig sabihin nun?

(Yamato no kuni = Yamato Province. One of the provinces in Japan)

[Palengke]
"Sinabihan na kita." Bulong ko kay Kairo.

"Lumaki rin kaya ako sa probinsiya."

"Ano yung Yamato no kuni?" Tanong ko.

"Yamato Province." Sagot niya sabay hila sa akin papasok sa palengke. Sigurado siya? Nang pumasok na kami sa palengke, halos lahat ng mga tao naka-titig sa amin. Eto kasi si Kairo, sumama pa.

"Kairo, umuwi kana." Bulong ko.

"Tutulongan pa nga kita." Pagtatangi ni Kairo. Pinag-patuloy niya lang ang pamimili ng gulay. Tignan nga natin kung totoong probinsiyano siya.

[5 minutes later]
"Diba! Hindi ka kasi maniniwala na maurong akong pumili ng mga gulay at isda." Proud niyang wika. Naglalakad kami ngayon sa daan, ang mga babae dito titig na titig kay Kairo. Nakaka-gigil. Hinawakan ko ang braso niya at mabilis na lumakad.

"Dahan dahan lang Jacklyn, ang sakit ng pag-kahawak mo ng braso ko."

"Manahimik ka." Mahina kong saad.

[6:00pm]
"Jacklyn, ipasyal mo naman si sir Kairo sa plaza, may basketball dun kasi eh." Wika ni kuya Mat.

"Wag na kuya, maraming lamok." Pagtanggi ko habang nagce-cellphone.

"May nag-lalaro ng basketball dun? Jacklyn punta tayo dun!" Pangkumbinsi ni Kairo sabay hila ng kamay ko.

"Hoy Kairo! Dahan-dahan lang, baka ma-dapa ako!" Sigaw ko habang hinihila ni Kairo.

"Don't worry Jack, kung ma-dadapa ka im here to catch you." Nakangiting wika ni Kairo sabay wink. Sarap suntokin!

[Plaza]
"What the hell is that?" Gulat na tanong ni Kairo.

"Isaw. Bituka ng manok." Sagot ko.

"Masarap?" Muling tanong niya.

"Subukan mo." Sabay bigay ng isaw. Agad niya etong kinuha at kinain, tignan lang natin kung kakayanin niya.

"Sarap ha. Okey lang ang timpla ng sauce." May halong pagkamanghang wika ni Kairo. Sigurado siya? Nasarapan siya? Hindi ba siya nadidirian? Naglibot pa kami sa plaza. Parang hindi siya nadidirian sa isaw, tapos parang sanay siya sa ganitong buhay.

"Diba, sa probinsiya ka lumaki? Bakit dun ka lumaki?" Tanong ko.

"Sabihin nalang natin na basagulero ako." Sagot niya.

"Ikaw lang ang lumaki sa province?" Tanong ko ulit.

"Si Kaito ang unang lumaki sa province. Elementary at high school palang yan sanay sa buhay gera. Ako naman, napunta lang sa probinsiya nung college ako." Sagot niya habang kumakain ng isaw. Sa isang sulok, nakita namin na may nag-bebenta ng glow-in-the-dark na t-shirt. Agad niya akong hinila papunta dun. Ano naman kaya ang kalokohang na-isipi ng lalaking to.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko.

"Kuya, bibilhin ko yun." Sabi ni Kairo sa tendero sabay turo sa t-shirt na may naka-print na 'He's mine' at' She's mine'. Sigurado siya? Wait?! What the?! Kinuha niya ang t-shirt at binigay niya sa akin ang may naka-print na 'He's mine'.

"Hoy Kairo hindi ako tanga para suotin yang damit na yan." 

"Ma'am, Sir, kung gusto niyo pong suotin ang damit may fitting area kami dun." Sambit ng tendero sabay turo ng fitting area.

"Wag ka pang maghintay na ako mismo ang mag-hubad ng damit mo." May halong naakalokong ngiti na wika ni Kairo. Aba! Bastos to ah!


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon