Chapter 22

2.9K 47 0
                                    

Chapter 22: Meet His Parents

Athenna's POV [Kina-bukasan]
"Hoy Kaito! Binilhan mo lang ako ng napkin kahapon, ikaw na ang nagdadalaga sa atin dahil ang sungit mo!" Sigaw ko kay Kaito.

"Bakit ba na hindi ka nakabili ng napkin mo habang nasa school ka?" Tanong ni Kaito.

"Malay ko na dadating ang bwan ng dalaw ko. At let me know you Kaito Shin, hindi ka mawawalan ng dignidad kung bibilhan mo ako ang napkin!" Sigaw ko habang naka-cross arm.

"Tumigil ka nga diyan. Namumutla kana." Pagtitigil ni Kaito sa aming usapan. Napahawak ako sa bibig ko. Namumutla ako?

"Sinabihan ko si ane na hindi ka muna papasok dahil namumutla ka." Wika ni Kaito sabay ayos ng tuxedo na suot niya.

"Pupunta dito si Miho?" Tanong ko.

"Hindi. Pupunta dito si ang tatlo." Sagot niya.

Umupo nalang ako sa sofa. Sayang, wala si Miho. May sasabihin pa sana ako sa kanya. Ang tungkol kay Kaito. Nakakatawa yun kahapon. Ilang saglit lang dumating na si Kairo kasama ang dalawang kuya nila. Ang cool!

"Uy! Kid, dun muna si Athenna sa bahay." Agarang wika ni Kairo. Tinignan lang ni Kaito si Kairo ng wala sa emosiyon.

"For what?" Tanong ni Kaito habang nakataas ang kanang kilay.

"Alam mo na, para may kakausapin si Athenna na babae. Nandun kasi ang apat." Sagot ni Kairo.

"Mas lalong ayaw ko."

"Ang damot mo sa asawa mo." Sambit ni kuya Yato. Tinignan lang ni Kaito ang tatlo at umalis na siya ng bahay. Sino naman ang apat? Parang galit si Kaito sa kanila.

"Athenna, punta tayo sa bahay." Mahinang saad ni Kairo. Shield lang kita kung ma-gagalit si Kaito ha.

[Kairo's parent house]
"Wow! Ang ganda dito ha!" May halong excitement na saad ko. "Bahay mo to, Kairo?"

"Nope! Bahay nila mama at papa. Dito lang kami tumitira, except kay Kaito." Sagot ni Kairo. Mama? Papa? Seryoso siya? So makilala ko yung mga parents nila!?

"Kuya, diba ikaw si Yato? Ang pangalawa sa inyong lima?" Tanong ko sa lalaking katabi ko. Magtatanong lang, para sigurado na siya nga si Yato Shin.

"Oo. Bakit?" Tanong niya.

"Bakit, hindi niyo kasama sa isang bahay si Kaito?" Tanong ko.

"Mas maganda kung kay Kaito ka tatanong ng ganyang tanong." Sagot ni kuya Yato. Ay! Ang sungit. Pagkababa namin sa sasakyan ni Kairo ay agad silang sinalubong ng matanang babae. Baka siya yung nanay!?

"Okey lang kayo? Nakasalubong niyo si Kaito?" Tanong ng matang babae. Nanay nga nila.

"Ma, kahit na posasan namin si Kaito makakatakas rin yun." Sagot ni Kairo habang may bahid ng ngiti ang kaniyang labi. Umatras ako ng konte para hindi ako makita ng babaeng kausap ni Kairo. Napatigil lang ako nang nakita kong tumingin siya sa akin.

"Ikaw yung asawa ni Kaito?" Tanong niya sa akin.

"Ahhh. O-opo." Utal-utal kong sagot.

"Talaga!? Buti naman na pumayag si Kaito na dumito ka muna. Alam mo naman na ayaw ni Kaito na papuntahin ka niya dito." May halong saya niyang saad sabay hawak sa mga kamay ko.

"Bakit po?" Magalang na tanong ko.

"Basta! Ang mahalaga nakita kita at nakilala. Ako nga pala ang nanay ni Kaito," sabay pakilala. Sabi ko na nga ba. "Ang pangalan ko ay Ayame Shin."

"Nice to meet you po. Athenna yung pangalan ko."

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Ang lawak ng space, at ang laki. Ang yaman talaga nila. Ang kintab ng buong paligid. Pwedeng gamitin ang tiles bilang salamin. Ang dami ring yaya.

"Dito rin po ba tumitira si Miss Yuka?" Tanong ko sa nanay ni Kaito. Ang tatlo kasi dumiretso na sa kusina.

"Ahh oo. Alam mo kahit na matanda na yun tumatabi pa sa akin mag-tulog. Ang apat namang lalaki kahit yakapin nandidiri na." May halong pagkadismayang wika niya.

"Ma, ang buong pagkakaalam namin si Kaito lang ang baby mo sa aming apat." Sambit ni Kairo habang may lamang pagkain ang bunganga niya.

"Kairo! Ang bunganga mo!" Saway ng nanay niya. "Mag-ikot ikot ka lang kung nababagot ka, at kung may kailangan ka tanoning mo lang ang isa sa mga yaya."

Pagkaalis ng nanay ni Kaito ay palakad-lakad ako sa loob ng bahay. Basta! Ang ganda talaga. Naging okey lang man ang pag-iikot ko sa bahay dahil sa tour guide ko na si Kairo. Ang dal-dal niya, sobra.

[In the afternoon]
Habang nanonood kaming tatlo ng tv ay agad na bumaba ng hagdan si Tita Ayame na bakas sa mukha niya ang pagka-saya.

"Oh ma, bakit ang haba ng ngiti niyo?" Tanong ni Kuya Kirito. Actually nagka-kilala na kami kanina, gentleman daw.

"Dito mag-hahapunan si Baby Kid!" Masayang sagot niya.

"Ma, dito lang yan mag-hahapunan dahil nandito yung asawa niya." Wika ni Kairo habang bakas sa mukha ang pagkasimangot.

"Ahh basta! Ang mahalaga ay pupunta dito si Kaito mayamaya. Maghahanda ako ng hapunan at lulutuin ang paborito niyang pagkain!" Masiglang wika ni tita Ayame at dumiretso na sa kusina para magluto.

"Sandali lang po! Tutulungan ko na kayo. T-tita." Utal-utal kong pang-aalok. Gosh! Parang hindi ko kaya.

"Ano ka ba Athenna, okaasan nalang tawag mo sa akin. Ang ibig sabihin ay mother."

Okey okaasan.

[Few hour ago]
"Alam mo anak ang saya ko dahil kompleto tayo." Masiglang wika ni okaasan. Nasa mahabang mesa kami ngayon. Actually, ngayong hapunan lang sila naging kompleto, si Kaito kasi ang parating nakahiwalay sa kanila.

"Lalo na dumating si Athenna sa buhay natin." Masayang wika ni Miss Yuka. Tumingin ako kay Kaito. Kalmado lang siyang kumain. Feeling ko, ang lalaking nasa kaliwa niya ay tatay niya. Magkahawig eh.

"Uy Kaito, wag ka nga tahimik diyan. Minsan lang tayo kompleto." Wika ni Kairo. Wala paring respond si Kaito. May nangyari?

"May I know what's your family name?" Tanong ng lalaking nasa kaliwa ni Kaito.

"Ahhh. Rodriguez po," magalang kong sagot. Naramdaman ko ang pagtahimik ng nanay ni Kaito at ang lalaking nagtanong sa akin. "Bakit po?"

"Ano mo si—"

"Cut it mom. We need to go." Pagpuputol ni Kaito sa sasabihin ni okaasan sabay hila ng kamay ko. Ano bang nangyayari? Pagkalabas namin ng bahay ay agad kong hinatak ang kamay ko para makawala sa mahigpit na pagkahawak ni Kaito.

"Ano ba Kaito! Ang sakit ng pagkahawak mo. Tapos, bakit hindi mo pinatapos sa pagsasalita yung nanay mo?" Tanong ko.

"Athenna, gabi na. We need to go. Delikado ang daan kapag gabi." Sagot ni Kaito sabay hila sa akin.

"Sandali lang!" Sigaw ko sabay bitaw sa pagkahawak niya.

"ATHENNA!" Sigaw ni Kaito sa harapan ko. Pakiramdam ko napako ang paa ko sa sigaw at pagkahawak sa braso ko ni Kaito.

"Ano bang nangyayari sayo!?" Pasigaw kong tanong.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon